Chapter 24

4.4K 192 1
                                    


"Carol..." Tawag ni Jake sa akin. "Nakatulala ka." Sabi nito.
"May iniisip lang." Sagot ko sa kanya. Nasa café kami sa ground floor ng condo building namin.
"Tungkol sa libro?" Tanong ni Jake. Umiling ako.
"Tungkol sa sinabi ni Zandro."
Kumunot ang noo ni Jake. "Ano ba sinabi niya?"
"Kahit anong mangyari, na hihintayin ko siya." I replied.
"Ano mali doon?" balik na tanong ni Jake.
"Para kasing... parang may alam siya na merong hindi magandang mangyayari. It's like a goodbye..."
"Wag ka nga... Praning ka lang. It's a promise Carol." He rolled his eyes.
"He likes you."

Napatitig ako kay Jake sa sinabi niya.

"Hindi niya pa sinasabi sayo?"
Umiling ako.
"Ay ano ba naman yan..." Napatingin sa kisame si Jake.

"Tinanong nya lang kung nanliligaw ka sakin." I said.
Jake burst on laughing. "Gagong yun." Sabi nito.
"Kailan nya sinabing gusto nya ako?" Pinipilit kong itago ang kilig ko.
Tumawa si Jake ng napatingin sa akin. "Hindi naman halata na kinikilig ka."
Binato ko siya ng nilamukos na tissue. "" Kelan nga?!"
"Hindi niya sinabi." Sagot ni Jake. Napasimangot ako sa kausap ko.
"Napansin ko lang sa kanya."
"Paasa ka lang Jake," I replied.


"Caroline Jimenez." Tawag ng isang matanda sa akin. Napatitig si Jake dito kaya napalingon ako.
Oh my God... Lumalabas pala ng National Library ang lola ni Ms. Rose.

"Ba...Bakit po?" tanong ko sa kanya. Nakatingin na naman siya sa akin ng taimtim.
"Nasaan ang libro?" Tanong nito. May kasama itong dalagita na nakaalalay sa siko ng matanda.
"Ano pong libro?" balik na tanong ko.
Naningkit ang mata ng matanda. She topped her crane at the floor making a sound of impatience.

"Hindi ka tanga para hindi mo malaman ang ibig kong sabihin. Nasaan ang libro?" Galit na sabi nito.

Diyos ko Lord... Ibibigay ko ba?

"Binalaan kita hindi ba? Ang sabi ko ay huwag kang makialam." Matalim na sabi ni lola.
"Mawalang galang po sa inyo pero hindi nyo po hawak ang buhay ko. Hindi po ako papaya na tumunganga gaya nyo kahit alam nyong may magagawa kayo para magligtas."

"Hindi ko ala mang sinasabi mo. Hindi dahil nababasa moa ng libro, may karapatan ka ng manghimasok sa kwento ng ibang tao."
Hindi ako sumagot sa matanda.
"Nasaan ang libro?" Ulit na tanong nito.
Hindi ako sumagot.

Itinaas ng matanda ang tungkod nito at tinuktok sa bag sa tabi ko. Kinabig ko ang tungkod niya pero naabot ng dalagita ang bag ko. Mabilis niya itong binuksan at ng makita ang libro ng Ada lumabas ito ng building.
Tumayo ako para habulin ang dalagita pero hinarang ni lola ang tungkod nya at pinalo sa balikat ko.

Napaupo ako sa sakit.

"Tama na po. Hindi nyo kailangan manakit." Awat ni Jake sa matanda ng tangkain nitong paluin ulit ako.

Tumalikod ang matanda na masama ang tingin sa amin.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jake. Naiiyak ako sa sakit ng balikat ko pero pinilit kong kumalma.
"Okay lang. Akyat na tayo." Yaya ko sa kanya. Naka-attract na kasi kami ng attention.

Pagbukas ko ng kwarto ko siyang pagtulo ng mga luha ko. Wala na ang libro... Paano na kami. Apat na page na lang... Ano ang mangyayari?


"Carol tama na." binigyan ako ni Jake ng tubig. "Makakagawa tayo ng paraan."
"Paano? Wala na ang libro."
"Stay positive Carol. Try mong tawagan ulit si Ms. Rose."
Tumango ako saka ako iniwan ni Jake sa kwarto.


Paano na gayong hindi pa rin sumasagot si Ms. Rose. Hindi ako nakatulog nggabing iyon. Baka maghimala ulit...baka lumitaw ulit ang libro sa table ko...

The Book Keeper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon