Chapter 28

4.5K 189 9
                                    


Lumipas ang buong linggo na magkasama kami ni Zandro. Sana hindi na matapos ang masasayang mga araw. Hindi ko nakita nakita si Rio pagpasok ko. Nobody knows where she is. Merong usap-usapan na na-expelled daw. Wala naman nagco-confirm.

We reported sa police ang nangyaring pananakal ni Miguel sa akin. Dumagdag lang iyon sa haba ng kaso na naka-file laban sa kanya.

It was Sunday... nakatunganga ako sa kwarto at walang magawa. Zandro and his dad had an out of town bonding and I am happy for him. Si Jake naman ay umuwi sa province nila at babalik din ngayong gabi.

Hindi ako mapakali... Something is wrong. Kinakabahan ako so I message Zandro.

Hi... Just wondering if you are enjoying your break.
-Caroline

I also message Ms. Rose.

Ms. Rose, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.
-Caroline

I received a reply from Zandro.

Love, pauwi na kami ni daddy. Meron yata siyang emergency sa site. I'll see you later.
-Zandro

Ingat kayo. Love you
-Caroline

Love you too. See you later
-Zandro

After lunch, nagmessage ulit ako kay Zandro.

Love, mga what time ka makakapunta dito sa condo?
-Caroline

Hindi sumagot si Zandro so I waited. I tried to calm... I breathe in, breathe out... but my anxiety is in maximum level today.

At three o'clock, still no reply from Zandro. I send a message to Jake.

Jake, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.
-Caroline

Paluwas na ako. Message mo lang si Z para mapanatag ka.
-Jake

His last text was around 10:30 am. Sabi niya pauwi na daw sila ng daddy nya.
-Caroline

Try to call him.
-Jake

Sinunod ko si Jake at tinawagan si Zandro. It just keeps on ringing and ringing hanggang magsubscriber can not be reached na.

Carol, traffic sa SLEX. Baka gabihin na ako ng dating. Meron yatang accident.
-Jake

Pagkabasa ko sa message ni Jake, lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. I open my laptop and search for the news. Trending din ang accident sa twitter. I open my TV and waited for the hourly news habang nagbo-browse ako sa internet kung ano ang nangyari sa SLEX.

Galing Batangas sila Z. Supposedly, dapat nasa Metro Manila na sila ngayon. Bandang four o'clock ng tumawag si Jake.

"Hello."
"Carol..." Nanginginig ang boses ni Jake. Nakakarinig ako ng mga siren sa back ground.
"Jake, ano nangyari?" Nanigas ako sa pagkakaupo ko.
"Si Z." His voice was chocking.
"Napano si Zandro? Jake?"
"Naaksidente sila ng daddy nya. Bumaba ako ng bus... nakita ko sila sa SLEX. Sasama ako sa hospital. Tatawag ulit ako sayo." Sabi nito.

No.... No... No....

"Jake... si Z?"
"Tatawag ako Carol. Please do something..." Naputol ang usapan namin ni Jake.

"Aaarrrggggggggggg" I shouted and shouted.
"Damn you kung sino ka mang mapaglaro ka. Ano ang kasalanan namin sayo?" Sigaw ko sa kawalan.

I pick up my phone and called Ms. Rose. She answered on the fifth ring.

"Hello?"
"Ms. Rose. Kailangan ko ang libro..." I tried to speak clearly pero hindi na ako makahinga kakaiyak.
"Ano nangyari?" nag-aalalang tanong ni Ms. Rose.
"Naaksidente si Zandro." I replied.
Hindi nakapagsalita si Ms. Rose.
"Ms. Rose, four pages na lang ang libro bago kuhanin sa akin. Tulungan mo kami." I begged her.
"Papunta na ako ng National Library. Magkita tayo sa main door." Sagot ni Ms. Rose.

I am blinded with tears but I moved fast. I get my bag and my keys. I lock my door and went down to car park. Nagmamadali akong pinaandar si Wanda at nakipagsiksikan sa daan. Ilang beses akong muntik mabangga dahil hindi ako makakita dahil sa mga luha.

Pinilit kong kumalma. Tinitingnan ko sa phone ko kung meron ng tawag galing kay Jake.

Nanginginig ang kamay ko ng huminto ako sa parking ng National Library. Nagmamadali kaming pumasok ni Ms. Rose at dumeretso sa History Area.

"Rose." Bati ng isang dalaga na natatandaan kong kasama ni lola ng pumunta siya sa amin. Natingin siya sa akin.
"Bawal si Carol dito." Dagdag pa nito.
"Wag kang makialam. Nasaan si lola?" Galit na tanong ni Ms. Rose.
Hindi hinintay ni Ms. Rose ang sagot ng dalaga... hinatak niya ako papasok sa office ng lola niya... Pagpasok namin sa loob, dumeretso kami sa isa pang pintuan at binuksan niya iyon.

Sa loob ng silid, naksindi ang isang malamlam na ilaw. Ang bawat pader ay punong-puno ng libro na kulay itim. Nakasalansan ito ng maayos sa mga istante. Sa gitna ng silid na may roong isang mesa at nakaupo sa harap noon si lola.
"Tapos na ang kwento." Sabi nito. Isinarado nito ang libro. Ang librong pamilyar na pamilyar sa akin. Hawak niya ang libro ni Zandro.

"No..." I whispered.

Nagring ang cellphone ko at alam kong si Jake ang tumatawag.

"Carol..." Bungad niya. Basag ang boses.
I closed my eyes and tried not to cry...
"Tulungan mo si Z." Umiiyak na sabi ni Jake.

Nakangiti si lola ng makita niyang pumatak ang mga luha ko. Humakbang ako ng mabilis at kinuha ang librong hawak niya saka ko iyon binasa...

Napaupo akong ng matapos kong basahin ang huling pahinga.

Halakhak ni lola ang nangibabaw sa buong silid habang nagpupuyos ang kalooban ko sa galit.

--------------
A/N

Okay... bitin....

Malapit ng matapos ang story.
Gusto kong sabunutan si lola.

The Book Keeper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon