Chapter 4: "Civilian's Innocence"

29 0 0
                                    

Hindi na namalayan ng mga estudyante sa loob ng unibersidad ang pagsapit ng gabi sa loob ng unibersidad, nagkalat sa paligid ang mga estudyanteng tila naiihi at hindi mapakali sa kinauupuan nila, ang iba naman ay kanina pa kinokontak ang mga kamag anak nila, malapit na kaibigan o maging kakilala sa lugar nila. Umaasang marinig man lang ang boses ng mga ito.

Sa isang malaking bulletin board na sinadyang nilagay sa gitna ng unibersidad nakalagay ang talaan ng namatay na staffm students, professors sa unibersidad sa gawing kaliwa nito ay nakalagay naman ang bilang ng mga bangkay na hindi pa nakikilala. Mapapansin ding tinatakpan ng itim na tela ang gate na winelding nung hapon ding iyon. Hindi na gate maituturing ang winelding na yon, sapagkat hindi na ito nagbubukas. Winelding na tila wala nang papasukin, wala na ring lalabas.

Samantala sa panig ng section D, ng mga third year na kinabibilangan nila raku,jimmy at steve ay may mga namatay rin sa panig ng section na yun at sila lang din ang namumukod tanging section na may nawawalang estudyante hindi nga lang matiyak kung buhay o patay, o maaring nasa labas ng unibersidad kaya hindi na Makita.

Tumayo ang tila lider sa pulutong ng mga sundalo at kinuha ang mikropono niya inadjust niya ang tunog na tila aayon lamang sa tenga ng mga narororoon.

"Kung mapapansin niyo, wala nang labasan ang lugar na ito wala na ring pasukan" bumaba siya mula sa armored jeep na kinasasakyan niya

"marahil alam na ng ilan sa inyo ang tunay na nangyayari sa loob o maging sa labas ng unibersidad na ito" ngumisi ito bigla na tila hindi nagustuhan ni steve "total clearance, which means bawat kanto o natitirang espasyo na may nagbabantay na military ay mahigpit na babantayan katulad ninyo" nagkamot ito bigla ng ulo

"the rest? Shoot to kill order" sabi ng lider nila

"ako nga pala si captain Adrian Tiche, kapitan ng division 21 sa tropang ito. Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa ang order sa amin ay panatilihin ang mga nabubuhay dito hanggat makakaya namin. Which means? Kung gusto niyong mamatay? Palalabasin naming kayo young, wild and free! Hoooooh!" sigaw nito at may pagtawa pa.

"crush ko na siya" bulong ni belle

"magtigil ka nga belle, hindi mo ba nakikita may tililing yata yan eh" sabi ni karl

"I don't care" sabay ngiti ni belle at kinuha ang cellphone para kunan ng litrato si Adrian

"sir?" sabay taas ng kamay ng isa sa estudyante sa section F na third year din "paano po yung mga family namin outside this university?"

"what's your name ms. Beautiful?" sabi ni Adrian

"Chelle po, Chelle Dejo" sabi ni chelle

"Well, chelle? Sorry pero the order is an order" sabay ngiti na naman nito "they die"

Napaluha bigla si chelle at napaupo. Agad siyang dinamayan ng mga kaibigan niyang sila cedrick at George.

"Sir, mukhang hindi naman po yata pwede yon? Demokratiko tayong bansa hindi po ba? At kadalasan ang mga ganyang issue ay nareresolba sa pamamagitang ng pagbobotohan ng kamara para sa desisyon na pipiliin? Di po ba?" sabi ni raku

"well, basically may point ka. Pero may mga ilang mali lang sa mga sinabi mo, hmmmm. Matalino ka" sabay akyat nito sa bubong ng jeep "may point naman siya, pero what if naiba na ang sistema ng pamahalaan?"

Agad nagkalat ang mga bulungan ng mga estudyante, professors at staff sa lugar na yon.

"ano pong ibig niyong sabihin sa pag iba ng sistema ng pamahalaan?" pagtatakang tanong ni engr. Marisol na kanina pa pala nakikinig sa balitaktakang iyon

SUBJECT: SURVIVAL (on going)Where stories live. Discover now