Chapter 6: "they die"

26 0 3
                                    


                  Malaking ingay ang nagagawa ng bus na kinasasakyan ng mga estudyante dulot ng mga pagbangga nito sa mga kotseng nakaharang sa daan, may ilang mga zombies na rin ang nagsisilabasan dulot ng nililikhang ingay ng dalawang bus. May mga naririnig rin kaming mga nakakapanghilakbot na ingay na iyakan at sigawan sa ibat ibang direksyon at may mga ilang putukan din ang maririnig. Makikita si karl na nangangatog ang tuhod dulot ng kaba at takot, kahit matangkad at malaki siyang tao na tumataas ng 5'11 ay bakas parin sa paggalaw niya ang kaba at pag aalala sa magulang niya. Sa gawing kaliwa naman ay makikita si raku na naka earphone lang, pero wala talagang tugtog ito. Katabi niya ay si edge at steven na nakatulog na sa tagal ng paggalaw ng bus. Sa kabila namang upuan ay nakaupo si chelle at joycee na pawang walang imik. At halatang nagpapatanggal lang ng kaba si el, Leona at anne na kunware ay nagigiliwan sa panonood ng sumasayaw na kpop dancers. 19 ang lulan ng bus na iyon. Sa kabilang bus naman ay 24, dahil sa sobrang tarantahan ng pag uunahang makasakay ay hindi na nabalanse ang bilang ng nakasakay.

Mapayapa naman ang sumusunod na minuto ng biyahe nila, sapagkat nagsimula nang ngumiti ang ilang mga estudyante sa loob ng bus. May ilan na ring tumatawa sa mga biro ni raku, kahit di naman talaga nakakatawa ang mga biro nito. Tila baga nabalutan narin ng kasiyahan ang magkabilang bus. Ngunit tumigil ito ng may sumabog sa harapan nila, napatingin silang lahat sa bus na minamaneho ni jay honest. Nagsibabaan ang mga estudyante sa magkabilang bus at tinignan ang problema.

"Marisol, may naglagay nito dito" sabi ni jay honest sabay buhat ng pahabang goma na may mga pakong nakausli paitaas.

"nakita ko na to dati sa pinanood ko, ginagamit to ng – " napatigil siya ng isang baril ang umalingawngaw at natumba bigla ang estudyante niyang si anne

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"nakita ko na to dati sa pinanood ko, ginagamit to ng – " napatigil siya ng isang baril ang umalingawngaw at natumba bigla ang estudyante niyang si anne.

BANG!

Sumunod namang tumumba si james.

"Dumapa kayo at magtagooo!" sigaw ni Marisol sabay dapa at nagtago sa isang pader doon. Sabay silip sa kinabagsakan ng dalawa niyang estudyante.

Pawang basag na ang mga bungo nito na tila ulo talaga ang puntirya, mukhang hinahabol sila ng kamatayan.

Bang!

Sumigaw ang isa sa mga estudyante naman ni sir Jay honest

"seeeeerrr!" sabay iyak ni jimmy "may tama po ako sa bintttiiiiii!" pagsusumamong sigaw ni jimmy

Tatayo sana si sir jay ng biglang-

Bang!

Tumagos sa pinagtataguan niya ang bala, dumaplis ito sa tenga niya. At halos magsumigaw sa kirot, napadapa siya. Samantala, sa kabilang banda naman ay nakapagtago naman sa loob ng bus sila steve, karl, raku at ed. Nanginginig parin si karl at tila nawawala na sa sarili. Ang iba pa nilang kasama roon ay si el, Leona at joycee.

SUBJECT: SURVIVAL (on going)Where stories live. Discover now