Chapter 5: Escape to hell

25 0 0
                                    

Habang buhat buhat ng mga kalalakihan at ilang sundalo ang stretcher na lulan ng secretary of defense, napapailing mula sa di kalayuan si Adrian. Habang patuloy na hinahawakan ang kanyang kutsilyo, pabalik balik ang kamay niya sa talim nito. Tila pinakararamdaman ang kaba at pagnanais na mapatay ang secretary of defense.

"sir, nailagay na siya sa clinic, over" rinig na rinig niya ito mula sa radyo niya na hindi nagawang replyan.

"anong la-la-lagay ng secretary? Daredevil? Over" pagradyo niya

"unconscious pa rin sir, pero ayon sa estudyanteng gumagamot sa kanya 65% percent ang chance niya mabuhay"

"65% huh?"

---------------------------------------------------

Natapos ang pagbibigay ng paunang lunas ni chelle ng umagang iyon ang tanging hinihintay nalang nila ay ang pagdating ng panibagong helicopter para sa susundo sa secretary. Hanggang umabot na nga ng gabi, pero tila wala parin.

Sa loob ng kwarto na kung saan naroon ang secretary ay mayroong 2 tao, si chelle at ang isang body guard ng secretary. Sa labas naman ay may 2 ring nagbabantay. Pawang mga matatangkad at malalapad ang pangangatawan.

"kailan ba darating yung tulong?" sabi ni chelle na bumasag sa katahimikan ng kwartong iyon

"sorry, but I cant answer that" sagot ng lalaking kasama niya

Samantala, ang dalawa namang nasa labas ay nakatuwid lang ng pwesto at tila di nangangalay. Ngunit ang isa don ay nakaramdam ng pagkaihi kaya nagpaalam siya na iiihi muna sa kasama niya sa loob at sa labas ng kwartong iyon. Kaya't naglakad na ito at naglaho na sa dilim. Lumipas ang halos labindalawang minuto sa lugar na yon pero ni radyo ng guwardiya wala na. doon na nagpasyang sumilip ang kasama niyang guwardiya.

Isang tila matining na tunog ng pagkabali ang narinig sa pasilyo matapos niyon. Doon na nagsimulanng mag radyo ang isang guwardiya pang nasa loob. Ngunit walang sumasagot, kaya't nagpasya itong buksan ang pinto pero laking gulat ni chelle nang bigla itong tumumba.

"pa-ba-ba-bakkitt? Bakit mo ginawa ya-yan?" pagkagimbal na sagot ni chelle

At lumabas mula doon ay si Adrian, nakangiti at unti unting lumalapit kay chelle at akmang sasaksakin

"kung di ka naging pabida? Malamang buhay ka pa" sabay ngiti ni Adrian "kaso naging pabida ka eh"

At mula sa likuran ni Adrian ay tumalon si lelouch at yinakap ito patalikod.

"putangian mo! Sino kaaaa!" sigaw ni Adrian

"huwag mong ilagay ang batas sa kamay mo kaibigan" bulong ni lelouch sa kanya

Dinukot ni Adrian ang maliit niyang kutsilyo at isinaksak niya iyon sa binti ni lelouch

"AAAAAAAAAAAAARRRRRRRRRRRRRRGGGGGGGGGGGGHHHH" halos pasigaw ni lelouch

"katapusan mo na, kupal ka" binunot niya naman ang baril niya at itinutok kila chelle at lelouch

Laking gulat ni Adrian ng biglang kagatin ni secretary na nakahiga lang kanina ang kamay niya. Sabay nag senyas na umalis na sila. Pero hindi pa nakakakilos ang dalawa ng biglang binaril ni Adrian ang secretary, sa bandang puso nito sa kwarto, nagkalat ang sariwang dugo. Malakas din ang nalikhang ingay nito kaya nagising ang mga sundalo at mga estudyante. Agad na rumadyo si Adrian sa mga sundalo.

"men, its time for clean and green project paki buksan na rin yung gate" sabay tingin kay chelle at lelouch na nakaupo nalang "wipe them out"

"HOY!" sigaw ni raku

SUBJECT: SURVIVAL (on going)Where stories live. Discover now