Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 1

441K 9K 8.4K
                                    

April 14, 2014

< Razille Traijin "RT" Zapusumo >

YOU know you're smitten when no words can define, no thoughts can express, and no sensible reasons can explain what you're feeling.

That's me at this moment. I'm enchained with myfeelings for someone, and I'll yield just to win her.

Everything for Angelica Bianca C. de Makapili.

Thus, I'm here.

Nasa opisina ako ni kamahalan, my beloved father. Nakaupo sa couch at hindi pinagtuunan ng pansin ang inihandang kape ni Ellena sa wooden table. Hindi naman ako magtatagal. Kaso malabo. May kausap si kamahalan sa telepono at wala yatang balak putulin para lang harapin ako.

Tinanggal ko ang suot na sumbrero at ipinadaan ang kamay sa buhok. Inilibang na lang ang sarili sa pagtingin sa dalawang ledges, na wala yatang maliligaw na alikabok kahit ipadaan ang mga daliri. Kaibayo ng glass window na overlooking dito sa Ortigas.

Everything here was in earth-shaded hues—dark taupe rug, black leather and mushroom tables and chairs, dark red and beige throw pillows.

It nearly feels like home.

Mapakla akong nangiti. Mabuti pa ang opisina niya. Minus the family picture frames, kasi walang kahit isang makikita dito sa office maliban sa mga trophies and certificates.

"Yes, I'd like to set an appointment with Mr. Ginintuan." Pinanuod ko si Kamahalan. Nakabukas ang laptop sa ibabaw ng kanyang mesa. May tatlong folders din sa ibabaw. Tinanggal niya ang salamin at kinusot ang mga mata. "Tomorrow at nine o' clock in the morning."

He was wearing a business suit, na niluwagan ang pagkakabuhol ng necktie habang nagsasalita. French crop haircut, na wala pang makikitang patubong puting buhok. His face was hard and cruel, like crude masonry. Matapang ang mga panga, lalo na kapag ganitong seryoso, o nangingitngit sa kausap, at kinikimkim ang emosyon. Mas tumangos tingnan ang ilong pagtanggal ng salamin, na mas nagbigay karakter sa malalim na mga mata. May kakapalan ang kilay.

Kahit na sino ang ipaharap sa kanya'y masasabihan siyang ipinaglihi sa mabangis na leon o tigre. Lalo na kung nakatayo dahil lampas anim na talampakan ang taas ni Kamahalan. At mas madalas pang bumagyo kaysa ang ngumiti siya.

Kapag magkasama kami—na himala kung gusto niya lang akong kausapin at diktahan—napagkakamalan akong kapatid o pamangkin. Hindi dahil magkamukha kami, bagkus walang mag-aakalang may anak na siya dahil wala naman siyang asawa.

No, I'm not adopted. Hindi mahilig sa bata si Kamahalan. Bakit siya mag-aampon? I'm his legitimate child. Tregor Zapusumo got Rianna Apostol pregnant when he was nineteen, and Rianna was twenty.

I never met Rianna, and Tregor didn't tell me their story either. Sadyang malikot ang tsismis. May sariling pakpak. Nakalilipad kung saan-saan. I discovered that my parents didn't have a relationship before.

Therefore, I am an unwanted child.

Ngunit ang bulong ng tsismis, mahal daw nila ang isa't isa. Ayaw lang pumasok ni Kamahalan sa seryosong relasyon. Kontra sila lolo sa mga Apostol. Walang makikinita ang mga Zapusumo. Hindi naman kahig-tuka ang pamilya nina Rianna, pero walang solidong pangkabuhayan.

Money! Is money really the only thing that matters in this world? Your estate and properties? How about the essence of a family?

Nung isinilang ako ni Rianna, malay ko kung nagawa niya pa akong masilayan bago ako angkinin nang buo ng mga Zapusumo. Batas ang bawat salita ni lolo.

Targets of Destiny (Pereseo Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon