Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 4

148K 4.9K 6.6K
                                    

PRESENT

< Kuen Lacrosse Pereseo >

"I... I told you to don't get hurt, right... Kuen Lacrosse."

Mahigpit ang pagkakalapat ng mga palad ni Hazel sa likod ko. Nanginginig siya. Tumutusok ang sakit sa bawat hikbi.

Nang mahimasmasan, hinawakan ko ang balikat niya't inilayo siya sa 'kin.

"I'm okay." Pasimple kong kinapa ang pisngi. Wala. Natuyo na.

Time out.

I wish there's a time out when it comes to emotions; or rather a switch button, so you'll have a choice if you're going to turn ON or shut OFF your feelings.

Sana gano'n lang kadali.

Sana hindi gano'n kakomplikado.

Nakng, Kudos!

I-chuckie mo lang 'yan.

Patayo na ako, pero hinila niya ako. Hindi malakas. Sadyang wala pa rin sa sarili kaya hindi ko mabaklas ang kamay niya.

Matiim ang titig sa 'kin. Hilam ang mukha sa pinaghalo-halong emosyon na nakawawasak. Kumikintab ang mga mata sa luha. "Y-You're okay?" Umiling-iling siya. "Then... I'm not okay. I. Am. Definitely. Not. O-Okay."

Niyakap niya ulit ako. Naistatwa lang ako.

Hindi ko alam ang dapat na maramdaman. Kung ano ang dapat gawin. O dapat sabihin.

Gusto ko lang mapag-isa. Ang magpahinga.

Dapat na ilalayo ko siya pero siya ang bumaklas ng sarili. Hinawakan niya ang mukha ko. Sa isang kurap, magkadikit na ang ilong namin, at ramdam ko ang paglapat ng labi niya sa 'kin.

Mabilis ko siyang natulak at tumayo. Napasalampak siya sa lapag. Wala sa sariling naidikit ko ang likod ng palad sa labi ko. Ipinunas. Mariin.

Natulala siya. Natauhan ako nung mas lalong nag-unahang magbagsakan ang mga mabibibigat niyang luha.

Itinaas niya ang nanginginig na palad nung tinangka kong lumapit. "D-Don't. Don't make me look so pathetic."

Hinawakan niya ang dibdib. Parang kakapusin ng hininga. "I really don't know what to do. H-How can I comfort you... when I'm breaking, too?"

Napatiim na lang ako ng panga't bumuntong-hininga.

Kagat-labing pinipigilan niya ang paghikbi. Saka inayos ang sarili. Tumayo't tinitigan ako.

Mapait na ngumiti. "M-Maybe she's right. Angel. I'm the one who's hurting myself. Because no matter what I do, you're not gonna see my worth."

"Haze..."

"Alam mo bang gusto kong mainis sa babaeng 'yon? Ang pabida! Ano ba'ng alam niya? Sino ba siya? Bigla-biglang dadating sa buhay mo, pero sasaktan ka lang pala?! You love her but it doesn't mean that she has the rights to hurt you. I hate her!

"She's so insensitive. Ang obtrusive. Nakakainis. Ano ba'ng meron siya? Ha? A-Ano?!" Her voice broke. "I want to curse her, but it wasn't her fault that you fell for her. Tulad ng hindi mo kasalanan na mahal kita. Kaya ang unfair!"

Mariin akong napapikit. Yumuko. Nananakit ang sintido.

"A-Ang sakit 'no?" Mapait siyang natawa na kumakawala ang hikbi kahit pinipigilan. "Now you know how I feel. To love someone who's been in love with someone else. To love someone who's not gonna love you even that's the only wish you've been dreaming to be real... to be loved back.

Targets of Destiny (Pereseo Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon