Chapter 14

506K 18K 4.5K
                                    



Chapter 14


"WHO ARE YOU?"

Dapat ba akong magpakilalang GF ni Wolf?

"Ah, w-wala si Wolf..."

"I'm asking you, bitch! Who the hell are you? Why do you have his phone?!"

Agad kong naibaba ang CP ni Wolf. Mabilis ang pintig ng puso ko. Babae iyong caller, sosyal ang boses kahit tunog suplada.

Umalis si Wolf para ibili ng ice cream si Aki, naiwan niya ang CP niya sa ibabaw ng center table. Wala naman sana akong balak na sagutin iyong call kaso tunog nang tunog. Baka kako importante.

Napatitig ako sa screen ng iPhone X. Pero sino si Benilde? Ano siya ni Wolf?

Biglang bumukas ang screen door. Pumasok na magkasunod sina Wolf at Aki. Kapansin-pansin ang closeness ng dalawa lately. Agad na napatingin sa hawak ko si Wolf.

Si Aki naman ay tahimik na umupo sa sofa habang dinidilaan ang Magnum ice cream na binili ni Wolf sa kanya. May sarili na siyang mundo, sa kandungan niya ay marami pa siyang candies at chocolates.

"Ahm, ano n-nakalimutan mo." Agad kong inabot kay Wolf ang CP.

Tiningnan niya lang iyon.

"Sorry kasi ano... uhm, ayan na CP mo. Wala akong ginalaw diyan, ano lang kasi—"

Saka niya iyon kinuha. Parang nangingiti siya, hindi ko alam kung bakit. Di ba dapat magalit siya kasi pinakialam ko ang CP niya?

"O ano ba 'yang binili niyo?" pag-iiba ko.

Walang kibo si Aki.

"Aki, ano na naman ba 'yan?! Inuto mo na naman si Wolf, sasakit na naman ngipin mo niyan. Bakit puro matatamis iyan, ha? Mabuti sana kung masipag ka magtoothbrush."

"Hey, buddy," tawag ni Wolf sa bata.

"Bakit po?" magalang na sagot ni Aki.

"Promise me that you're gonna brush your teeth after eating the sweets."

"Promise po, tu-toothbrush ako mamaya."

Bumaling sa akin si Wolf. "See?"

Nanulis ang nguso ko. "Anong pinakain mo diyan?"

"Ice cream, candies and chocolates. What else?" nakangising sagot niya. Inakbayan niya ako. Iyong kamay niya, mariin ang pisil sa balikat ko. "Sa akin ba? Anong ipapakain mo?"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Huy!"

"Hey, I'm just asking. I'm famished, di pa ako naglulunch."

Napangiwi ako. Ang dumi ng utak ko. "Food?"

"What else?" Ngiting-ngiti pa rin siya.

"Ah, s-sige." Bakit kasi kailangang pisil-pisilin ang balikat ko, e. Hmp!

Naghanda ako ng merienda. Hindi na sumalo si Aki dahil busy na siya sa mga sweets niya. Pinakain ko na si Wolf ng "food", 'tapos magkakatabi kaming nag-movie marathon sa sala.

Noong una, nasa gitna si Aki. 'Tapos biglang nakakalong na siya kay Wolf. Sumunod, nasa dulo na siya, sa tabi ni Wolf. Sa huli, si Wolf na ang nasa gitna, magkatabi na kami.

Nang lingunin ko si Wolf ay ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa TV. Iyong isang braso niya, nakaakbay na sa akin.

"Para tayong family!" biglang sabi ni Aki habang ngumangabngab ng malaking lollipop.

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon