Chapter 17

406K 15.3K 2.2K
                                    

Chapter 17


"DON'T BELIEVE HIM! NILOLOKO KA LANG NIYA!"

Naguguluhang napatingin ako kay Wolf. Nakikita ko ang galit sa mga mata niya na lalong nagpagulo sa isip ko. Litong-lito ako.

"I'll kill you!" sambit ni Wolf saka inilang hakbang ang layo ng lalaking nagpakilalang Acid Thunderwood.

Napatili ako ng tadyakan niya sa sikmura si Acid. Sumadsad sa pader ang lalaki.

"I will kill you, you motherfucker!" sinuntok niya ito sa panga, duguan na pareho ang bibig at ilong ni Acid pero nakabwelo pa ito para masipa sa balikat si Wolf.

"Wolf!" hiyaw ko.

Napaluhod ako sa parking lot. Nanginginig ako, hindi ko alam kung bakit takut na takot ako. Huminto sila. Tulala si Wolf habang naglalakad siya papunta sa akin.

"Ingrid..."

Tiningala ko siya habang tigmak ng luha ang mga mata ko. "Umuwi na tayo..."

Lumuhod siya sa harapan ko.

"Iuwi mo na ako... please... please, Wolf..."

Hindi na siya nagsalita pa. Binuhat niya ako at inilagak sa passenger's seat bago siya umikot sa kabila. Habang pauwi ay wala kaming kibuan. Maski siya ay parang hindi alam ang dapat sabihin.

"B-bukas na tayo mag-usap."

"No." Mahina bagamat mariing sabi niya.

"P-please..."

"Si Aki, hindi mo ba siya kukunin kina Helen?"

Umiling ako. Hindi ko kayang harapin si Aki ngayon.

Pumasok ako sa loob ng apartment. Hindi ko na siya pinansin pa kung umalis na rin ba siya. Basta ako, tumuloy na ako sa kuwarto. Hinubad ko ang lahat ng suot ko, wala akong itinira.

Humarap ako sa salamin habang hawak ang bulak na may Eskinol. Kinuskos ko ang concealer sa kaliwang bahagi ng leeg ko. Nang lumitaw ang kulay itim na bar code ay nanginig ang buong katawan ko.

Naramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likuran.

Nang makilala ko siya ay napahagulhol ako. Hindi ko kayang salubungin ang kulay abo niyang mga mata na nakatingin sa akin mula sa salamin.

"Umalis ka na, Wolf..."

"You're not okay." Iniharap niya ako sa kanya habang nakakulong pa rin ako sa kanyang mga braso. "I can't leave you like this."

Luhaan ako ng tingalain ko si Wolf. "Bakit mo ako mahal?"

Humigpit ang yakap niya sa katawan ko. Ibinalot niya sa kahubaran ko ang init niya. Pero lalo lang akong nanliit.

"Marumi ako, Wolf."

"You're not."

"Marumi ako. Bitawan mo ako."

Hindi siya tuminag.

"Marumi sabi ako!"

Yakap-yakap niya pa rin ako.

"Bitawan mo ako!"

Nagpapasag ako, nanlaban sa mga yakap niya. Umiiyak ako, humahagulhol na parang nababaliw habang pilit ko siyang itinutulak palayo. Lahat ng sakit na naipon, lumabas.

"Umalis ka na! Umalis ka na!" Nang mapagod ako ay naririto pa rin siya. Nasa mga bisig niya pa rin ako. "Wolf... bakit... bakit..."

Kinarga niya ako at ihiniga sa kama. Hinalikan niya ako sa ulo.

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon