Chapter 20

410K 14.7K 2.3K
                                    

Chapter 20


"LOVE, PLEASE LET ME IN."

Napaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Wolf. Pumasok ako sa kuwarto dahil nagsisikip ang dibdib ko. Mahigit isang oras na ako rito ng kumatok siya.

Alumpihit akong lumapit sa pinto at pinagbuksan siya. Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Wolf.

"Is something the matter, love?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Anong ginagawa ni Aki?"

"He's okay now. Pinakain ko na siya ng ice cream."

Napalunok ako. "Nasaan siya?"

"He's okay now, 'wag ka ng mag-alala. Nakina Totoy na siya ngayon, naglalaro sila ng PS4."

"Andon si Ate Helen?"

"I don't know. Why?"

"Wala. Pasok ka." Hinila ko siya papasok sa loob ng kuwarto.

Naupo ako sa gilid ng kama habang nakatingala sa kanya. Iginagala niya ang paningin sa loob ng kuwarto.

Nakakunot ang noo ni Wolf dahil siguro nagtataka siya kung bakit madilim ang paligid. Lamp shade lang ang tanging liwanag sa loob ng kuwarto. Hapon palang pero madilim na ang buong kuwarto, hindi ko kasi binuksan ang mga bintana, at hindi ko pinagkaabalahang hawiin ang mga kurtina kahit kaninang umaga.

"Kumain ka na ba?" mahinang tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin. Natigilan siya ng makitang nakatali ang buhok ko. Wala akong ipinahid na concealer sa kaliwang bahagi ng leeg ko kaya kitang-kita ang bar code na naka-tattoo dito. Kahit bahagyang madilim ay nakita ko ang pamumutla ni Wolf.  

Matagal siyang nakatulala sa akin bago bumuka ang mga labi niya. "What did he tell you?"

Matipid akong ngumiti sa kanya. "Nothing that I shouldn't know."

Ang mataas at matigas na awra sa paligid niya ay biglang nabasag. Tila siya nanghihinang napakapit sa door knob ng pinto.

"Do you hate me?" Hindi siya makatingin sa akin.

"Nagpanggap ka na ibang tao, gayung simula palang, kilala mo na ako," mapait kong saad. "Takut na takot ako na baka hindi mo matanggap si Aki, pero simula pa lang, alam mo na pala kung sino siya sa buhay ko."

"I used to be a free spirit, Ingrid. Wala akong pakialam kung ano ako, sino ako. Wala akong pakialam sa lahat, pero nagbago iyon dahil sa 'yo. Since you came into my life, everything has changed. And I want to be perfect for you."

"Hindi, Wolf..." Nangilid ang mga luha ko. "I don't need a perfect one, what I want is a real one."

"Ingrid..."

"Hindi perpekto ang hanap ko, ang gusto ko ay iyong totoo. Hindi iyong nagpapanggap lang kasi may itinatago. Bakit mo ako niloko? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?"

"I didn't tell you because I was afraid that you will hate me." Tila siya hirap na hirap habang sinasalubong ang nanunumbat kong tingin.

"Paano ako magagalit sa taong mahal ko?"

Nanlalaki ang mga mata niya sa akin.

"Mahal kita kaya hindi ko magawang magalit nang sobra."

Tulala pa rin siya kahit ng lapitan ko na siya. Inilapat ko ang nanlalamig kong mga palad sa matigas at mainit niyang dibdib. 

Hinaplos ko ang mamahaling tela ng suot niyang polo habang nakatingala ako sa kanya. "Please make love to me."

Umalon ang Adam's apple ni Wolf.

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon