[2/2] Out Of My Reach

35 9 44
                                    


2 of 2

🌟🌟🌟🌟

KINABUKASAN, PARA AKONG tinakasan ng sarili kong kaluluwa sa sobrang tamlay kong naglalakad sa hallway.

Kung ano'ng nangyari? Well, nagkaroon lang naman ako ng eyebags kakaiyak ko kagabi dahil ngasa nangyari kahapon do'n sa may playground. Oo na, ako na ang mababaw ang rason!Pero ang sakit lang kasi talaga, eh! Hindi ako makapaniwalang iniwanan lang niya ako kahapon na parang batang hamog na basang-basa sa ulan at putikan.

Naiinis nga ako sa sarili ko, eh, dahil hindi ko magawang magalit sa kaniya. Ewan ko ba! Ito ba 'yong tinatawag nilang martyr? Kung ito nga, 'di ako na ang martyr!

"Pst! Hershey, alam mo na ba?" Kaagad na bungad sa akin ng katabi ko sa upuan na si Skylar sa may bandang kanan nang makarating na ako sa classroom namin. Si Oreo ang katabi ko sa kaliwa. And speaking of, nasaan na kaya ang Biscuit na 'yon? 'Di kaya 'yon papasok ngayon?

"Ang alin?" matamlay kong tugon nang hindi man lang siya nililingon dahil hindi rin naman ako interesado sa sasabihin niya.

Ipipilig ko na lang muna sana ang ulo para matulog dahil wala pa naman ang adviser namin, pero narinig ko na namang nagsalita si Skylar.

"Sina Oreo, magma-migrate na raw sa France." her answer that immediately caught my attention.

"H-Huh? Saan mo naman nakuha ang balita na 'yan? Wala namang sinabi sa akin si Oreo na magma-migrate sila, ah?" giit ko.

"Wala nga, but I heard him and Mrs. Relativo talking about that earlier. Akala ko nga nagpaalam na siya sa 'yo, pero nakita ko 'to sa arm chair mo kanina habang nagki-clean ako dito sa loob ng classroom. Nakita kong galing kay Oreo kaya tinago ko muna, I assumed na baka iyan 'yong goodbye letter niya sa'yo, kaya ito basahin mo na." sabi niya at inilahad sa akin ang isang nakatuping papel. "Baka isipin mong binasa ko 'yan, ah? Naku, itaga mo man sa abs ni Jungkook! 'Di ko talaga binasa 'yan, swear! Cross my heart, mamatay man ako ngayon din," dagdag niya pa at itinaas ang kanan niyang braso na parang nagpa-Panatang Makabayan, pero hindi ko na iyon pinansin pa at kinuha ko na lang iyong papel mula sa kamay niya.

Binuksan ko iyon, at tumambad kaagad sa akin ang parang kinahig na manok na penmanship ni Oreo.


Dear Chocolate,

I'm not sure kung nakaalis na kami habang binabasa mo 'to. Pero bago ang lahat, gusto ko sana munang sabihin sa 'yo na mahal na mahal kita! Hindi bilang bestfriend, kun'di bilang isang babae. Mahirap mang paniwalaan pero matagal na talaga akong may gusto sa 'yo, aminado ako do'n. Natatakot lang kasi talaga akong oras na umamin ako sa 'yo ay baka layuan mo ako at magalit ka. Kaya kahit hindi ko man 'to personal na masabi sa 'yo, sana man lang ay maiparating ko ang tunay kong nararamdaman para sa 'yo. Na mahal kita at hindi 'yon isang biro.

Sana rin mapatawad mo ako sa nagawa kong pang-iiwan sa 'yo do'n sa may playground kahapon. Bigla kasi akong tinamaan ng katorpehan, kaya sorry talaga! Sorry din kung hindi na naman ako nakapag-paalam sa 'yo ng formal sa personal. Naging mabilis kasi talaga ang mga pangyayari. Dad was so happy when he got home yesterday. Na-promote pala siya sa company na pinagta-trabahuan niya. Kaya pupunta kaming France, at mamayang 8 AM ang flight namin para---

Hindi ko na kinaya pang magpatuloy sa pagbabasa dahil tuluyan na talaga akong napahagulhol habang paulit-ulit na naririnig ko ang boses ni Oreo sa utak ko na binabanggit iyong katagang, "Mahal kita."

Out Of My Reach [§]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon