Chapter Four

1K 39 1
                                    

Chapter 4- The Elevator

PAULINE KIM'S P.O.V:

      "Halika." sabi sa akin ni Suho. May pupuntahan raw kami kasama sina Sehun at Luhan. "Ano'ng gagawin natin dito?" nandito kasi kami sa tuktok ng Namsan Tower. Bigla kong naramdaman si Luhan na nanginginig.

      "Sehun! Waaaah!" tiling tili si Luhan. Anyare? "Ano ka ba hyung! Hindi naman kita itutulak. Umayos ka." ah, may takot pala sa heights ni Luhan. At bakit parang ang sungit ni Sehun kay Luhan ha?

       "Takot ako sa matataas! Parang anytime mahuhulog ako!" ngawa pa ni Luhan. "Mahuhulog ka kapag tinulak kita! Ano tatahimik ka o itutulak kita? Akala ko ba manly ka? Pwe!" sabi ni Suho. HAHAHAHARD. Natahimik bigla si Luhan.

       "Whoa! Ang ganda naman!" sabi ko. Sobrang ganda talaga. Puro flying cars na makukulay tapos nagiging colorful ang paligid. Sorry these flying cars are my thing simula noong dumating ako dito sa panahon nila. Parang gusto ko tuloy magkaroon ng isa at i-uwi sa time namin. LOL!

      "Luhan hyung tutal naman at ayaw mo dito, samahan mo muna ako na bumili ng pagkain. Sehun, Pauline sunbae balik kami kaagad ah?" sabi ni Suho sa amin at bumaba na sila. Ang awkward nanaman naming dalawa ni Sehun.

      "Pauline." biglang nagsalita si Sehun. "Oh?" sabi ko habang nakatingin sa view ng Seoul. "Mamimiss mo ba ang future time kapag bumalik ka na sa past?" nalungkot ako bigla, pero hindi ko pinahalata sa kanya na nalulungkot ako. "Oo naman! Ang dami kong nakita at naranasan dito na impossible kong magawa sa time namin. Tapos ang dami ko pang nakilala na demigods!" tumawa siya.

     "Isa ba ako doon?" confident niyang tanong. "Hindi noh. Asa ka." at sumimangot siya. Hala ang cute! Huwag mong sabihin na nag-aaegyo itong si Sehun!? "HAHAHAHA, joke lang. Isa ka na doon. Kayong lahat ng EXO." ngumiti siya, yung sobrang lapad. Hala! Ang pogi gi gi gi!

UNKNOWN P.O.V:

     "Nasaan sina Suho?" tanong ko sa mga ka-grupo ko. "Hindi ko rin alam e. Hindi naman nagpaalam." sabi ni Kyungsoo. "Wala din sina Pauline at Sehun. Baka magkakasama sila?" sabi ni Yixing. Saan kaya sila nagpunta? Feeling ko talaga may "something" kina Sehun at Pauline e.

      Sehun, ako nanaman ba ang masasaktan ha? Ikaw nanaman ba ang magiging kaagaw ko?!

      Alam ko naman na fanboy si Sehun ni Pauline Kim, pero I like her. Noong una ko siyang nakita may nararamdaman na ako sa kanya. Love at first sight kung matatawag. Siguro naman alam niyo ang feeling? Kung naranasan mo man.

      "Oh? Nasaan sina Sehun at Pauline?" tanong ni Baekhyun sa kanya. "Yun na nga e! Iniwan namin sila sa tambayan namin kanina at sabi namin na babalik kami pero nung pagbalik namin, wala na sila. Baka akala namin umuwi na." sabi ni Luhan sabay kamot ulo.

      Noong narinig ko 'yun, sobra sobra ang kaba ko.

SEHUN'S P.O.V:

      "Bakit kaya ang tagal ng mga hyung ko?" sabi ko sa sarili ko. Kasi sabi nila 10 minutes lang e. E mag-tetrenta minutos na wala pa rin sila? Yung totoo fren? "E kung bumaba nalang kaya tayo baka mahaba yung pila sa bilihan ng pagkain." sabi ni Pauline sunbae. Napansin na rin namin na wala nang tao. Kaya napagisipan nalang talaga namin na bumaba at sumakay ng elevator.

      "Rumpumpumpum~" kumakanta siya. Awe, cute.

*BOOOOOGSH*

      "A-ano 'yun?" tanong niya. "H-hindi ko rin a-alam." pero feel ko may nangyari sa elevator. "I think the elevator stopped." sabi ko. Shet! Naalala ko bigla yung nabasa ko kanina! Under maintenance ang elevator na 'to sa ganitong oras. Pero bakit bumukas ang elevator at nakapasok kami kung ganon? "Shit." mahina kong sabi.

100 Years Later {complete} {revising}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon