Chapter Twenty Five

322 22 8
                                    

Chapter 25- She's Back

PAULINE KIM'S P.O.V:

Hindi! Hindi! Si Sehun! Nakita kami ni Sehun! Hindi pwede!

"Babe, this is just a misunderstanding." I told him. "Why?!" sigaw niya. First time ko siya makitang magalit. Hindi ko mapigilan na umiyak dahil doon. "Hoy si bulol! Akalain mo ba naman at nakasunod ka pa dito? Matindi ka rin e noh? Kaya bumalik si Pauline dito ay dahil sasagutin na niya ako. Nagsawa na siguro sa'yo. HAHAHAHA." sabi ni Donghae. Tumingin ng masama sa akin si Sehun.

"Kaya ba hindi ka na bumabalik ha?" he coldly said. "Hindi Sehun! Hindi dahil sa kanya! Hindi ako makabalik dahil sa mga ka-grupo ko! Sehun alam mong hindi ko magagawa sa'yo 'to!" I said.

"Bullshit Pauline! E ano yung nakita ko kanina lang? You were making out with that old ass man! I trusted you but what did you do?!" sabi niya. "Sehun what the hell let me explain! Patapusin mo naman ako!" I shouted at him.

"Ano ba ba ang I-eexplain mo?" he said with his cold voice. "I think we're done." sabi niya at naglakad na siya palayo. "No!!!!" I shouted like there's no tomorrow. Napaluhod ako sa gitna ng kalsada habang umiiyak. "Sehun hindi kita kayang pagtaksilan!" pero naglakad pa din siya palayo. Gusto ko siyang sundan pero bakit hindi ko kayang magawa?

"Ano pa ang ginagawa mo dito? Masaya ka nang hayop ka?! Huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin!" sabi ko kay Donghae at pumasok na ako ng dorm namin. Wala na si Sehun, wala na kami ni Sehun.

"Unnie! Bakit ka umiiyak?" tanong ni Sulli sa akin noong nakabalik ako sa loob. Dinedma ko lang siya at nagkulong ako sa kwarto. "Unnie kung ano man 'yan tandaan mo nandito lang ako makikinig sa'yo ha?" sabi ni Sulli mula sa pinto. Wala akong lakas na sabihin sa kanya. Sobrang nanghihina ako.

At nagplano akong magkulong nalang magdamag dito tutal naman wala na rin siya.

(third person p.o.v)

Naglakad... ng naglakad si Sehun kahit hindi niya alam kung saan na siya. Sa gitna ng paglalakad niya nakita niya ang SM building. "So tama pala ang sinasabi niya na naghihirap ang SM. Parang nilalangaw na." sabi ni Sehun. Napahinga nalang siya ng malalim. "Bumalik nalang kaya ako sa panahon namin?" sabi niya sa sarili niya. 

"You are Sehun, right?" he was about to click the pendant pero may matandang kumausap sa kanya. "L-lee Sooman?" sabi ni Sehun na may halong pagka star-struck. "Ano ang ginagawa mo dito sa panahon namin at bakit na sa'yo ang pendant na ginawa ko?" hindi sumagot si Sehun sa matanda.

"Nandito ka ba para kay Pauline? Do you want me to call her?" he offered but Sehun insisted. "No thanks. We just ended our relationship a while ago." nanlaki ang mga mata ng matanda. "I saw her at Donghae kissing. Kaya pala ang tagal niyang bumalik sa amin." napailing ang matanda.

"Are you sure? Hindi magagawa ni Pauline 'yun. Mahal na mahal ka niya. Sa totoo lang gustong gusto na niyang bumalik sa inyo pero pinipigilan lang siya ng mga ka-grupo niya." sabi ni Sooman. Biglang naalala ni Sehun ang mga sinabi ni Pauline sa kanya kanina.

"Are you gonna stay here?" umiling si Sehun. "Sorry but kailangan ko na pong bumalik sa time ko. Babalik nalang ako bukas." sabi ni Sehun at hindi naman siya pinigilan ng matanda. Nagpaalam na sila sa isa't isa at pinindot na ni Sehun ang pendant. 

*whizzzzing*

YEAR 2115

Naabutan ni Sehun sina Xiumin at BoA na magkausap. "Aba ngayon ko lang 'tong nakita na ngumiti." sabi ni Sehun sa sarili niya. 

100 Years Later {complete} {revising}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon