Chapter Five: Hiding

665 19 2
                                    

Chapter Five: Hiding

"Pasalamat ka Iris at may pasalubong ka kundi sinabunutan na kita hanggang sa buhok ng kilikili mo!" Maktol ni Bettina sa akin. Andito na uli kami sa kwarto niya at naghahandang matulog.

"Sorry na nga ten times." Nakangusong sabi ko.

"Bakit ganiyan itsura mo?"

Napatingin naman ako sa salamin niya na nakasabit sa dingding.

"Bakit ano ba itsura ko?"

"Mukha kang badtrip. Badtrip ka pa ng lagay na 'yan eh, kumain nga kayo ni senyor Juancho na hindi ako kasama."

Ayon na nga eh, kasama ko nga si Juancho also known as Trevor. Na sa hanggang sa ngayon palaisipan pa rin sa akin kung bakit niya kailangan magpanggap. O baka naman hindi talaga Trevor ang pangalan niya? Siguro akala ko lang na kilala ko siya.

"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko ng ibato ni Bettina ang suklay niya.

"Kanina pa kita kinakauusap tapos tulala ka lang?" Naiinis na sabi niya.

"Matulog ka na nga lang Betty."

Humiga naman siya at tinalikuran ako.

Ano kayang dahilan niya? Naiinis na ako. Gusto ko kasi ng closure, gusto ko malaman ang dahilan kung bakit niya ako iniwan.

Napailing na lang ako. Closure pa talaga ang hanap ko eh!

Tumayo ako at pinatay na ang ilaw sa kwarto namin ni Betty. Pumikit ako at pinilit na antukin pero wala talaga kaya naman naisip ko na tumambay sa harapan ng bahay nila Betty. May mini garden kasi doon at mahabang upuan, doon madalas tumambay si tita pag alang ginagawa. Tahimik ako lumabas ng bahay nila at hindi na nagabala na magpailaw.

Gusto ko kasi makita yung langit na puno ng bituin, isama pa ang tunog ng kuliglig sa paligid.

Tahimik lang ako na nakaupo na may maulingan ako na tunog na motor. Akala ko ay dadaan lang sa harap ng bahay nila Betty. Pero kinabahan ako ng bigla itong huminto ilang dipa sa ilaw ng poste.

Agad akong tumayo at nagtago sa mga halamanan. May lalakeng bumaba mula doon, nakajacket ito at naka sumbrero. Kinabahan ako bigla dahil naalala ko 'yung lalake nung nakaraang gabi. Mukhang siya rin ito. Nakatingin siya sa direksyon ng bahay.

Ano ito nagmamanman siya?

Hindi naman mayaman sila Betty para pagnakawan. Hindi kaya rapist ito at type si Betty?

Dyos ko! Parang sinisipat pa niya ang bahay. Agad akong kumapa sa gilid ko ng bato, mabuti na lamang at malaki ang nakuha ko.

Agad ko itong binato sa direksyon niya at sakto naman na tumama ito sa dibdib niya. Napaigik pa siya kaya mS lalo akong sumiksik sa halamanan.

Kinakabahan ako. Baka malaman niya kung saan galing ang bato. Kumapa pa ako ng bato at hinawakan ko iyon ng mahigpit. Mahirap na baka lumapit siya bigla kailangan may sandata ako laban sa lalakeng iyon.

Saktong pagsilip ko ay palapit siya kaya naman binato ko ulit siya.

"Aray!"

Naku! Nadali ko siya.

Nakiramdam pa ako ng ilang segundo hanggang sa marinig ko na lang ang tunog ng papaalis na motor. Sakto ng lumabas ako ay wala na iyon.

Kailangan malaman ni Betty ito bukas.

~●~

"Nakasinghot ka ba ng katol ha?" Nakataas na kilay na sabi ni Betty.

"Tsk! Bakit ba ayaw mo maniwala. Pangalawang beses ko na nakita 'yung lalakeng iyon, nakasombrero kaya hindi ko makita 'yung mukha."

Mine Series: TrevorWhere stories live. Discover now