Chapter Ten: Guada

642 24 5
                                    

Chapter Ten: Guada

"Oh, ano sasabihin mo sa akin?" Agad na tanong ko kay Guada. hinatak lang naman niya ako malapit sa isang sari-sari store. Ilang metro ang layo sa bahay ni Trevor, pero hindi iyon kita mula sa pwesto namin.

"Iris, dideretsuhin na kita. Please lumayo ka na muna kay Trevor."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi  niya.

"Bakit iyon naman ang ginagawa ko ah?"

"Eh, anong ginagawa mo sa bahay niya?"

Napatitig naman ako sa kaniya.

"Teka Guada ha, sabi ko sa'yo hindi na ako makekealam kung anong meron kayo ni Trevor o Juancho dahil mukang mahal ka naman niya eh.." napalunok ako sa sinabi ko. "Hindi ako lumalapit sa kaniya may gusto lang akong malaman at tungkol lang iyon sa amin. Hindi ko kayo guguluhin kahit alam ko naman na ginagago mo siya."

Napayuko uli si Guada, at iiling-iling.

"Hindi mo naiintindihan Iris. Okay, it's much safer kung didistansya ka muna sa kaniya."

Safer?

"Alam mo Guada sabihin mo na lang kasi kung anong pinupunto mo ang dami mong paliguy-ligoy. Hindi mo pwedeng sabihin na lumayo ako na wala man lang mabigat na rason."

"Okay, sabihin mo muna kung bakit andoon ka sa bahay ni Trevor?"

Inirapan ko siya. Bwisit ang arte talaga!

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Ano ako tanga?" nakakainis, nanlaki pa ang mga mata niya hindi niya siguro inaasahan na ganito ang pakikitungo ko sa kaniya.

Napabuntong hininga siya.

"Huwag kang magalit sa akin Iris. Hindi ako kaaway, kung ayaw mong sabihin sige. Basta 'wag ka na lang lalapit kay Trevor." Iyon lang at naglakad na siya palayo sa akin. Mission failed ako ngayong araw. Pero napaisip rin ako sa mga sinabi niya.

Lumayo.

Iyon naman ang gusto ni Trevor at iyon din ang sabi ni Guada sa akin. Pero sabi ni Bettina si Trevor daw ang nagsabi na dalhin niya ako dito. Pero para saan? Makauwi na nga lang.

"Punta tayo?" tanong ni Bettina ng makauwi ako sa bahay nila.

"Saan?" hindi ko kasi maintindihan sinasabi niya kanina pa siya salita ng salita. Inirapan naman niya ako.

"May Expo na gaganapin bukas Science Expo, doon mismo sa Casa Juancho. May mga nainvite na malalaking kumpaniya. Madami foods at may mga freebies ano punta tayo?" kumikinang ang mata niya habang sinasabi iyon.

Expo?

"Don't worry hindi naman natin makikita si Trevor doon. Ilalayo kita dadalhin kita doon sa puro pagkain para naman sumaya ka."

"Sige, game ako."

Ang daming tao sa Casa Juancho pati mga media ay andoon para i-cover ang nagaganap na Expo. May mga estudyante at delegates galing ilang bansa. Ngayon lang nagsisink -in ang agwat ni Trevor sa akin. Tapos makahabol pa ako sa kaniya. Hay... tama na nga kakain na lang ako. Andito kami ni Bettina sa grill station, ang dami na namin nakain na barbeque, isaw at adidas.

Sinunod namin puntahan ang booth ng mobile-bar maraming klaseng inumin ang ginagawa doon basta lang kami dumampot ni Bettina. Hindi ko lang maimagine na may mag iisponsor ng ganitong ka dami.

"Besh! This is life!" sigaw ni Bettina.

"Hoy! Easy lang! Huwag mong damihan magtira ka ng pang-uwi." sabay lagok ko sa shot glass na hawak ko.

Mine Series: TrevorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon