Chapter Eight: Baffled

636 19 6
                                    

CHAPTER EIGHT: Baffled


Kasalukuyan akong nagtatago sa halamanan sa tapat ng bahay nila Bettina, mabuti na lamang at maagang natulog ang bruha dahil sa pagod at naniwala naman sa rason ko.    Sinilip ko ang cellphone ko 9:30 na ng gabi pero wala ni anino nung nakamotor, hula ko lang naman na si Trevor 'yun. Pero malay mo si'ya talaga.

Kinakagat na ako ng lamok pero wala pa rin. Kung wala siya ibig sabihin siya nga yung laging nakatambay dito sa tapat ng bahay nila Bettina. Pero bakit?

May Guada na siya tapos type niya si Bettina?

Aba! Hindi pwede yun!

Napatingin ako sa ilaw na nagmumula sa motor hindi kalayuan sa bahay. Mukang ito na si Trevor. Mas sumiksik pa ako sa halamanan para hindi ako mapansin. Sakto at doon uli sa poste hininto ang motor.

Tumayo ang sakay nito sa gilid ng poste. Nakasandal pa ang mga kamay nito doon, at dahil nakasombrero hindi ko na naman makita ang mukha nito.

Pero sa tindig niya ay halata naman na dito sa harap ng bahay ang tingin niya.

Bakit may ganyang drama pa kasi, may patambay sa harap ng bahay. Bet nga ba niya si Bettina?

Shit! Bakit ang bestfriend ko pa! Mas maganda ako kay Bettina!

"Lumabas ka na diyan."

Natigilan ako ng bigla siyang magsalita.

Yung boses niya.

Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko na halaman. Hindi ko alam kung anong dapat ko na gawin. Ngayon andito siya sa harapan ko at nakumpirma ko na siya talaga.

Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa sombrerong suot niya.

"Ikaw nga." Tanging nasabi ko habang nakatitig sa kaniya.

Mabagal akong naglakad papunta sa kaniya. Hindi nga ako nagkamali noong una ko siyang makita.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung saan magsisimula, ang dami kong tanong.

"Isang taon, isang taon ako naghintay Trevor... bakit?" Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

Hindi siya sumagot at diretso lang ang tingin sa akin.

"Ano?! Sumagot ka!"

Napailing siya at sumakay sa kaniyang motor.

"T-teka saan ka pupunta?!" Agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa braso.

Nilingon nga niya ako pero hindi naman siya nagsasalita.

"Ano? Ganun lang? Pupunta ka lang dito tapos sasabihin mo na ikaw talaga si Trevor? Anong nangyari? Bakit hindi ka man lang nagpaalam ng maayos?"

"Mas mabuti ng ganito Iris." tipid na sabi niya sabay iwas ng tingin.

"Anong ganito? Alam mo ba hinintay at hinanap kita. Sobra akong nag alala Trevor. Pero hindi ko alam kung saan kita makikita tapos kung kailan handa na akong kalimutan ka... makikita naman kita dito. Andito ka lang pala."

Parang napapaso ang kamay ko sa paghawak sa braso niya kaya kusa na rin akong bumitaw.

"Ngayong alam mo na ako talaga si Trevor. Matatahimik ka na siguro." Biglang sabi niya.

Ano daw? Matatahimik?

Wala na akong masabi lalo na at mabilis siyang sumakay sa motor niya at pinaandar palayo sa lugar na iyon. Ganun lang yun?

As in hindi man lang siya nag explain kung bakit? Naiiyak ako na bumalik sa loob ng bahay nila Bettina. Nang makapasok ako sa kwarto doon ko na binuhos lahat ng iyak ko.

Tarantado siya!

Wala naman pala siya pakealam sa akin.

"Iris." Tawag ni Bettina sa akin. Hindi ko siya pinansin. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at umiyak.

Kinalabit niya ako at pilit na kinukuha ang unan sa mukha ko. Letse naman si Bettina! Nagmomoment nga ako!

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Binangungot ka ba?"

Oo! Mas masahol pa sa bangungot.

Tinangal ko unan sa mukha ko at tumitig kay Bettina. Kinuwento ko lahat ng nangyari yung pagpunta at pag amin ni Trevor.

Tahimik lang si Bettina at walang reaksyon pagkatapos kong sabihin lahat.

"Akalain mo hintay ako ng hintay sa kaniya tapos andito lang pala siya sa lugar niyo." Wala pa rin siyang reaksyon mula kanina.

"Hoy! Kanina tanong ka ng tanong tapos ngayon tumahimik ka naman. Pwera na lang kung..."

AIRISHFLEUR © WATTPAD/AIRISHFLEUR

Seryoso pa rin si Bettina at hindi sumasagot. Sana hindi tama ang hinala ko.

"May alam ka ba?" Diretsong tanong ko. Yumuko naman si Bettina at naiilang na tumingin sa akin. Kung kanina ay seryoso na siya ngayon naman ay naiiyak na.

"Huwag ka sana magalit sa akin Iris..."

Pero nanginginig na ako sa galit. Ano ito? All this time alam din niya may alam siya? Tapos kung makatangi siya hindi daw.

"Ano?!" Napalakas na boses ko sa inis.

"Hindi ko alam kung bakit ginawa ni Trevor 'yun. Pero siya pa nga ang nagsabi na dalhin kita dito." Humihikbing sabi niya.

"Bakit?"

"Hindi ko alam. Tanungin mo siya. Basta ang sabi niya dalhin na daw kita dito." Umiiyak na sabi ni Bettina.

Hindi ko maintindihan gusto ko magalit kay Bettina pero mas nangingibabaw ang galit at inis ko kay Trevor.

"Lagi ba kayong may komunikasyon?" Tanong ko kay Bettina.

Mabilis siya na umiling.

"Isang linggo bago tayo pumunta dito doon lang niya ako kinontak. Gustong gusto na sabihin sa'yo pero kabilinbilinan niya na huwag. Basta dalhin daw kita dito walang paliwanag."

"Pero bakit?"nagtatakang tanong ko."

"Sana alam ko Iris. Pero hindi."

Nangunot ang noo ko. Weird.

"Mas pinili mo siya over sa friendship natin? Hindi mo man lang sinabi sa akin ang totoo?" Malungkot na tanong ko kay Bettina.

Sunod-sunod ang iling niya.

"Gaga ka! Hindi no! Alam mo bang inaway ko yang dyowa mo dahil sa kadramahan niya!" Naiinis na sabi ni Bettina.

"Tinakot pa ako na tatangalan ng trabaho si nanay pag hindi ako sumunod." Dugtong pa niya.

Pero bakit? Kanina naman parang wala siyang pakealam sa akin.

"Iris, hindi mo pa talaga kilala yang si Trevor. Hindi ko sinasabi na kilala ko siya, ang sa akin lang mag ingat ka sa kaniya."

Mag ingat. Oo, nga sino nga ba si Trevor? Ano ba ang motibo niya?

"Ang sabi mo siya ang nagpapunta sa akin dito?"

"Oo, dalhin daw kita dito. Gastos niya pamasahe natin dalawa."

"Sabi mo matagal na si Juancho este si Trevor dito."

"Matagal ko ng naririnig ang pangalan Juancho. Pero hindi ko alam ang mukha. Nang pinapunta ka ni Trevor dito, doon lang niya sinabi sa akin na Juancho ang itawag ko sa kaniya once na dumating na tayo dito."

Nakabalik na sa pagtulog si Bettina pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Paano ba ako makakatulog nito matapos ng mga nalaman ko.

Gusto lang ba niya ako paglaruan? Pero bakit?

To be continued...

Mine Series: TrevorWhere stories live. Discover now