Spoken Poetry #7: Masokista

1K 10 3
                                    

"Masokista"
Originally written by: DiaraRose_M


Masokista bang maituturing
Kung okay lang sa'king masaktan
Basta makita kang masaya sa piling niya

Masokista bang maituturing
Na pinipilit kang itulak
Kasi alam kong mas deserve mo siya

Masokista bang maituturing
Kung mas pinili ko nalang ilihim
Para hindi na makagulo sa inyong dalawa

Kailan ba magiging "Bagay tayo" ang "Bagay kayo"
Kailan ba magiging "Tayo" ang salitang "Ikaw at ako"
Kailan ba magiging "Ang sakit na" ang salitang "Okay lang ako."
Kailan ba maipapakita
Ang damdaming pilit itinatago
Para hindi masaktan ang kaibigan ko

Ilang tao pa ba ang hahanapan ko ng sagot
Sa tanong na "Naging masokista ba ako?"
Dahil sa sarili ko,
Alam ko ang totoo,
Oo naging martyr ako,
Oo naging masokista ako,
Dahil mas inuna ko ang kapakanan mo,
Kaysa sa nararamdaman ko.

(03/28/18)

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon