Spoken Poetry #31: Maskara

538 8 1
                                    

"Maskara 🎭"
By DiaraRose_M

Panibagong araw ang kailangang harapin
Dala ang parehang maskara na kailangang suotin
Hindi niya gustong ngumiti at maging masaya
Pero kailangan para sa ikakatahimik ng iba
Dahil mas madaling ipakitang siya'y masaya
Kaysa magpaliwanag kung bakit malungkot ang kanyang mga mata

Akala siguro nila'y sila lang ang may problema
Kaya hindi sila handang makinig sa kwento niya
Hindi nila alam palihim siyang lumalaban
At dahan-dahang na siyang natatalo ng walang nakaka-alam

Pagod na siyang makinig sa storya nila
Mga tagumpay o kahit ano'y masakit na sa kanyang tenga
Pagod na siyang makinig
Dahil ni minsa'y walang umalam kung bakit gising pa rin siya hanggang umaga
Dahil ni minsa'y walang nagtatanong kung masaya pa ba siya sa buhay niya
Dahil walang nakakakita ng halaga ng kanyang presensya

Oo nga pala, nakakita siya ng isa
Isa sa kabila ng dami nila
Isa na nakakita ng tunay na siya
Isa na handang makinig sa mga hinaing niya
Tanging isa sa kabila ng naambag niya sa iba

Unti unti nang napupuspos ang sinag ng apoy
Lumalamlam at nauubusan na ng init
Wala nang saysay ang bawat patak ng luha
Wala nang dahilan ang lahat ng bagay
Wala nang rason para manatili pa siya
Kaya't lalayo muna at susubukang buohin ang sarili
Hanggang sa handa na siyang humarap ng walang suot na maskara

"Siguro ako ang nagbago"
"Siguro masyado akong umasa."
"Siguro kasalanan ko mula umpisa."
"Siguro ako ang problema."
"Siguro ako, hindi sila."

Hindi niya alam kung kanino kukuha ng sagot
Gusto niyang lumayo nang lumayo nang lumayo
Hanggang lumabo ang kanyang paningin at maligaw sa panibagong lugar
Hanggang sa bumalik ang dating saya at sigla ng kanyang mga mata
Hanggang sa makita ang kalayaang inaasam ng puso niya
Siguro kailangan niya munang mapag-isa
Hanggang sa matanggal ang nakataas na kurba ng labing hindi na mabura
Hanggang sa makilala ang miserableng tao sa likod ng nakangiting maskara

10/10/18

Unspoken WordsWhere stories live. Discover now