CHAPTER 3: TOUCH

27 4 0
                                    

(For Visual Interpretation and Representation only)
(Ang picture sa taas, Kelvin Heinrich Rouge)
SA VICINITY NG DORM BUILDING

Matapos naming kumain ni Rain, ay bumalik na kami sa bldg..

"So Rain, salamat"
"Salamat?.. Saan??"
"Na may kasabay akong kumain. Kahit di mo pa ko ganong kakilala"
"Wala yon, gusto rin naman kitang..."
"Ano..?"
"Kasabay kumain, hindi ka maarte, mapili o kung ano man, masaya kong ako ang una mong nakilala"

Biglang nag iba ang ambiance sa paligid na tinatayuan namin. Ngumiti nalang ko at ngumiti din siya.

Pipindutin ko na sana ang button ng elevator, pero sumabay din siyang pindutin ito..

Biglang naging awkward ang nangyari..
"Ikaw na pumindot Rain"
"Hindi Ikaw na Frayr"
"O sige"

Pumasok na kami sa loob ng Elevator sa 7th floor ako, si Rain sa 9th floor

Ako ang unang lalabas ng elevator..
"Andito na ko, Sige Rain Bye", sabay eye contact na walang pikitan.. Tinititigan ang bawat isa kasabay ng isang ngiti.

"Bye Frayr, dinner ulit tayo"

"Uhm... Sige"

Palabas na ako ng elevator at nag wave sa habang pasara.

(Wave)
(Wink)

Teka kinindatan ba ko non.

Nagtataka ako sa mga ipinapakita niya sakin. Mabuti na rin ito.. Patuloy ang aking paglalakad hanggang marating ang pinto ng room ko.

"Ano nga ba ang pin ko?"

Isip, isip.. Ito ang hirap sa akin pag isa lang ang iniisip
"Ah okey naalala ko na"
*********
(Doorknob unlocked)
(Door opening)

Teka bat andilim dito, may ilaw to kanina ah. Hindi ko na pinansin ang ilaw, ako ay umakyat na sa sub floor, kung saan nakalagay ang higaan ko shelves at lamesa.

Di ko namalayan ang oras, 9:30pm na, gabi na pala ko kumain at nakabalik dito.

Nagbasa basa muna ko ng mga weekly school tasks ko. Dapat matapos ko lahat ng ito.

Sa sobra kong pagbabasa, nakatulog na ko sa lamesa

(Door strange Knocking)

"(Kusot ng mata) natutulog na ko eh, sino kaya yun?"
Bumaba ako ng nakapikit ang isang mata para di mawala ang antok ko, habang ang isa kong mata ay singkit ang dilat

"Sino yan"

Lalaki ang nasa labas
Nagsasalita siya ngunit hindi ko maintindihan.
Agad ko nang binuksan ang pinto, isang lalaki ang nasa pinto, maraming bangas, pasa, sugat at madumi ang.. Uniform??

Unti unting namulat ang ang mata ko nang makitang si

"Kelvin??"
Unti unting bumabagsak ang katawan niya sa akin, agad ko naiayos ang aking tayo dahil kung hindi pareho kaming babagsak at mawawalan ng malay

"Kelvin?? Kelvin, anong nangyari sayo?!"

Nagsasalita si Kelvin habang unti unting bumibigat ang katawan niya, Dahil sa unti unting nahihimatay

"Anong sinasabi mo Kelvin??"
Di ko talaga maintindihan ang sinasabi niya

"Dadalhin kita sa Clinic ng Dormitory"

Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit

"Hu..w.ag"

At nawalan na siya ng malay.

"Kelvin, kelvin gising"

Kailangan ko siyang buhatin, gusto ko sanang humingi ng tulong sa katabi kong room. Kaya lang baka natutulog na sila.

World In Nightly Dreams (WIND)Where stories live. Discover now