CHAPTER 5: LACK

13 3 0
                                    

(For Visual Interpretation and Representation only)
(Ang picture sa taas, Tiffany Fraise Franco)
Isang kalsadang napapaligiran ng naglalakihang building ang nasa paligid na may mga istrukturang naiiba sa kasalukuyan, lahat ng nakapaligid sa akin ay naiiba sa lahat.

"Ano to?.. Asan ba ako?"

Patuloy ang paglalakad ko, isang unexpected place ang nakita ko sa futuristic city na ito. Napapaligiran ito ng green leafs mga nature inspired futuristic buildings, Fine Grasses.

"Malinis ang hangin, kakaiba sa lahat"

Malinis ang hangin.. Teka lang nasa Academy lang ako kanina..
Patuloy akong naglakad at nagpunta sa Commercial Establishments.. lahat hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko.
Kitang kita ko kung ano ang itsura ng technology devices na ginagamit nila
Labis akong nagulat sa nakita kong mga sasakyang ginagamit transportasyon

"Gravity Car!!?"

Ang mga ito, nakikita ko lang sa mga Sci fi films, bigla akong nakaramdam ng kaba, san na ba talaga ko napunta..

Nakakahiyang magtanong sa mga taong nakakasalubong ko, kita mo sa mga mukha nila ang focus sa kanilang sarili, typical na mga nagtatrabaho...

Patuloy nalang akong naglakad,madaming large screen digital billboards..., Ang hi-tech!

Isang lalaki sa malayo ang nakaharap sa akin, napatigil ako sa paglalakad dahil sa labis kong pagkagulat.

"Ke..Kelvin??"..

Nakatingin lang siya sa akin.. at ngumiti ng pilit Naka Uniform siya ngunit naiiba sa school namin.. hindi ko alam pero may nararamdaman akong kalungkutan ng makita siya sa kakaibang city na ito.

Tinakbo ko ang pwesto ni Kelvin, sa pag kapikit ng mata ko at pag mulat,

"Frayr??.. Frayr?"

"Tiffany, John, Teacher?!"
"Buti naman at nagising ka na 5 oras kang walang malay"

Tiningnan ko ang paligid ko, nasa Clinic ako

"Anong nangyari??"
"Nakita kang nasa ilalim ng puno at walang malay ng mga dumaang estudyante", sabi ni Tiffany sa tabi ng bed

"Buti nalang at wala namang nangyaring masama sayo Frayr", ang sabi ng Teacher namin

"Ano nga po ulit, nakita akong walang malay sa ilalim ng puno??, Eh ang pagkakatanda ko sa kalsada ako nawalan ng malay?"

"Sigurado ka Frayr?", Tanong ni John sa akin
"Oo Sigurado ako"

Ilang sandali pa at biglang lumapit ang Academy Doctor

"Doc?!"
"Mr. La Consola buti naman at nagkamalay ka na"
"Opo Doc"
"Doc, ano po bang findings sa kanya?", Tanong ng aming teacher

"Maam, based on my findings, nalipasan si Mr. La Consola ng pagkain at mahina ang enerhiya niya plus the rising temperature sa labas kanina na nagpawala sa kanya ng malay. Di ka ba nakatulog ng bantayan mo..."

"Huh??", Pagtataka nila Tiffany, John at Maam
"Nakatulog po!! Nakatulog po Doc okey na po ako", pagmamadali kong sinabi mahirap na pag nalaman nila na nagbantay ako kay Kelvin.

"Kung ganon ay pwede ka nang makauwi"

"Oh Frayr, eto nga pala ang
"Salamat po"
"Maraming Salamat Doc", pasasalamat ni

"Oh, Frayr eto nga pala ang mga gamit mo, dinala na namin", iniabot ni John sa akin ang bag.
"Salamat."

"Oh Frayr aalis na kami"
"Sige po. Maraming Salamat po"

"Bye Frayr"
(Wave)
At umalis na sila ng Ospital, agad kong inayos ang aking gamit at dumiretso na sa dorm bldg para magpahinga, sa bawat lakad ko palapit sa dorm ay kasabay ang unti unting paglubog ng araw...

World In Nightly Dreams (WIND)Where stories live. Discover now