CHAPTER 6 Part 1: FEELINGS

21 4 0
                                    

(For Visual Interpretation ad Representation only)
(Ang picture sa taas, John Falcona)
Matapos ang ilang araw na filing of candidacy. Abala ang lahat sa gaganaping election ngayong araw para sa student council. Ang botohan ay kinakailangang matapos agad ngayong araw.. Kaya mabilis na inayos ng election committee ang mga gamit para sa mga boboto ngayon.

Filing of Candidacy 2 days
Campaign Period 1 day
Election day 1 day

Seryoso kaya ang sinabi sakin ni Kelvin kanina. Hm.. baka biro lang yun.
Maaga akong pumasok sa Academy para narin tumulong sa election as my promise to Rain.
Gusto sanang tumulong ni Rain, kaso bawal dahil president siya ng student council.

Sa Function Hall ang election, nakita kong nag aayos ang mga committee. Kilala naman ako ang mga ito at kulang sila ng Manpower.

"O Frayr, buti naman at dumating ka, kelangan namin ng tulong"

"Asan na ang mga touch panel?"

Itinuro ng committee ang mga Touch devices para sa gagawing election, para mapabilis ang botohan

Agad ko namang nilapitan ang mga devices at binuhat ito. Nabigla akong mabigat ito kayat mukhang mabibitawan ko agad ang dala ko

"Frayr!! Malalaglag"
"Ang touch devices!..."

Akala ko mabibitawan ko na talaga ang mamahalkng gamit na ito. Pero hindi ito nalaglag dahil may kumapit sa kinakapitan ko.

"Whew! Muntik na"
"Rain!"
"Buti nalang di nalaglag o nabitawan. Di na ko nakatiis na tulungan ka"
"Ha.. a.. eh Salamat akala ko magbabayad na ko ng damages"
"Tulungan na kita"
"Naku hindi na nabigla lang ako sa bigat kaya di ako nakaready"
"Eh basta tutulungan na kita"
"Okey lang naman kaso bawal diba dahil Officer ka"
"Bakit bawal bang tumulong sa"
"Sa.."
"Sa nangangailangan ng tulong"
"Sigurado ka??"
"Ako ang bahala"

At tinulungan ako ni Rain buhatin ang mga touch monitor sa mga table (student table na may tabing sa gilid), sa bilang na 20 devices.

"Yon! Ayos na"
"Oo nga Frayr Ayos!"
"A.. Rain"
"Bakit?"
"Eto o (panyo)"
"Salamat. Frayr"

Nagsalita ang committee
"Ay.. Iba. Di niyo man lang hiningi ang tulong namin haha"
"Oo nga, ang cool niyong dalawa"

Di ko naalalang may mga committee kaming kasama, kinaya naman naming dalawa ni Rain ang mga devices.

"Kinaya naman namin"
"Ganun ba"
"Oo Kinaya namin tsaka wag niyong sasabihing tumulong ako sa kanya ha", sagot ni Rain

"Oo kulang kami ng manpower, aangal pa ba kami Mr. SC President"
"Ayos"

"So.. Rain Salamat"
"Wala yon basta.."
"Basta ano?.."
"May nangangailangan ng tulong, Sige alis na ko may gagawin pa ko"
"Sige, ingat"
"Salamat pati sa Panyo,"
Lumapit siya sa akin at bumulong
"Punta ka sa SC Office mamaya"
"Ha?"
"Basta kita nalang tayo mamaya"

At umalis na si Rain, natapos narin ng committee ang mga materials para sa election.

Hindi ko namamalayang may nakatingin sa gilid ng masama.

"Kelvin??"

At umalis siya ng mapansin ko. Sumama sa mga tropa niya.

Nagpahinga muna ko sa labas ng Academy (bench), dahil last wave naman akong boboto.

"Nakakapagod naman"
May biglang nagsalita..

"Napagod ka sa Pakikipag kwentuhan hahaha (serious)"
"Kelvin"

Kasama niya ang mga tropa niya.

"Oh! Salo"

Isang bote ng fruit juice ang inihagis niya sa akin. At nasalo ko naman kahit nahihilo na ko sa gutom.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

World In Nightly Dreams (WIND)Where stories live. Discover now