MAHAL kasi KITA

20 0 0
                                    


Girl POV

  1 month na.

1 month na mula nung last naming pagkikita ni Jaker. We keep on fighting on phone dahil sa ayaw kong magpakita na sa kanya. Panay na ang pagdududa niya, na siguro daw may iba na ako, na kesyo di ko na daw siya mahal. At kahit ano pang ka ek-ekan ang sinabi niya. Kung alam niya lang sana na MAHAL NA MAHAL ko siya. SOBRAAAA !  Tama narin siguro tung ginagawa ko para di na masakit ng sobra. Minsan pumupunta siya dito sa bahay, at madalas lang akong nagkukulong sa kwarto ni wala akong balak magpakita sa kanya. Minsan nga nagagalit na si Mama sa akin sa ginagawa ko, pero wala din naman silang magawa dahil choice ko to. Wala silang magawa kundi ang suportahan ang gusto ko.

MISS NA MISS ko na siya SOBRAAAAA. !! Pero para rin naman to sa kanya ang ginagawa ko, kaya kahit masakit gagawin ko to, ayaw kung makita siyang nahihirapan ng dahil lang sa akin.

"Hoooooy KATNIIIS ! Ano na tutunganga ka na naman jan? Ayaw mo na bang ipaglaban ang pag-ibig mo kay Jaker ? Ano na Katnis ?! " Sigaw ni Martiela. Bestfriend ko. Siya lang ang may alam kung bakit ko ginaganito si Jaker.

" We already talked about it. Alam mo na ang sagot ko diyan sa tanong mo. " walang ganang sagot ko sa kanya. Alam kong magmamaktol talaga siya. Kasi alam niyang mag denedate si Jaker.

YES.

Kami pa pero may dinedate na siyang iba.

Masakit?

Oo sobra!
Pero hahayaan ko nalang, kasi mas mukhang masasaktan pa siya pag ipinagpatuloy pa namin tung relasyon namin. Mukhang mas masasaktan ko pa siya kung mananatili siya sa feeling ko. Kaya kung mas maaga palang pakakawalan ko na siya. Alam ko nang nakalaan siya sa iba. At mukhang ito na yung panahon.

Panahon para pakawalan siya.

" Alam mo be, di kita maintindihan ee. Sira ata takbo niyang utak mo ee. Hambalusin ko kaya? Gusto mo? Subukan lang natin baka effective. "
Sarkastikong saad ni Martiela sa akin.
Natawa naman ako doon. Ewan ko ba sira talaga siya. Haha

"Hahaha ! ewan ko sayo, paaagahin mo naman ang flight ko niyan sa ibang mundo, sa pinaplano mo ee. HAHAHA !"  tawa tawa kong sagot sa kanya. Sira talaga to kahit kailan.

" Subukan lang natin be. malay mo diba? " Wala sa sariling sagot niya. Hahaha ano naman kaya nakain nito.

" ewan ko sayo MARTIELA SHIELA AGUNZA HAHAHA ! " patawang sagot ko sa kanya. Alam kong uusok ilong nito hate pa naman niya na sinisigaw ang pangalan niya. HAHAHA

" HOOOOOY KRENYA KATNIS SALASAR! WAG AKO HUH? BAKA GUSTO MONG ILIBING NA KITA. ACTUALLY NAKAPAGHUKAY NA AKO. ANO NA? " umousok ang ilong na saad ni Martiela. HAHAHA nakakatawa talaga tung babaeng to. HAHAHA

" ILOVEYOU BEEEE !" Paglalambing ko sa kanya. hehe mahirap na baka tuluyan na ako nito. haha

" Ewan ko sayo! " Sabay lakad niya patungong pinto, at biglang lumingon. "ILOVEYOUTOOOBEEEE" saad niya at tumakbo papalapit sakin sabay yakap. hehe. Alam ko na talagang mahal na mahal ako nito, kahit alam kung patay na ako sa isip nito. Hahaha

"Pero be? wala ka ba talagang balak aminin kay Jaker kung bakit mo siya iniiwasan? " sabi niya sabay alis ny yakap sa akin.

" Be? Alam mo naman yung kalagayan ko diba. Ayaw kung kaawaan niya ako sa sitwasyon ko. Mas okey na tung ganito. Alam mo naman na di --- " naputol ang sasabihin ko ng bigla lang sumagot.

" -- oo na oo na ! alam ko na be. Okey? Wag mo nang sabihin pa. Alam ko." Naiiyak na sagot niya. Nginitian ko nalang siya. At humiga na ako sa kama.


" Be? " tawag ko kay martiela. Agad naman siyang lumingon sa akin.
" Pwedeng favor? Gusto ko sanang makausap ang dinedate ni Jaker. Pero wag mung ipaalam kay Jaker. Sikreto lang sa San Krusan Cafe lang bukas 2pm. " Nabigla siya sa sinabi ko, kasi halata sa paglaki ng mata niya. hehe Para lang sinabi kung mamatay na ako bukas. Ewan ko talaga dito sa bestfriend ko. Haha

" Pero be? Sure ka? " Nag-aalangan tanong niya.

" Oo be. Sure na sure. Nararamdaman ko na kasi be. Wala na akong oras na dapat pang sayangin. " Ngiting sagot ko sa kanya. Alam kong ayaw niya sa gagawin ko, pero sigurado akong gagawin niya. Diba sabi ko naman sa inyo suportado nilang lahat ang desisyon ko.

Matapos naming mag usap ay umuwi na si Martiela.

Kinakabahan ako sa gagawin ko bukas. Pero kailangan ko tong gawin. MAHAL NA MAHAL ko talaga si Jaker na kahit ang kahibangan ito ay magagawa ko.

I LOVE YOU SO MUCH JAKER GREY DEVIGA. ALWAYS AND FOREVER.

MAHAL kasi KITAWhere stories live. Discover now