MAHAL kasi KITA

13 0 0
                                    


   Girl POV

    1pm palang nakapagprepare na ako. Handa na ako sa plano ko. Sana lang umayon sa akin ang tadhana, sa binabalak ko. SANA lang talaga.

   Bumaba ako at sinalubong ako ni Mama na mukhang nag-aalala sa pinaplano ko. Alam niya kasi tung gagawin ko ngayon, at tutol siya sa plano kung to, ngunit dahil wala nga silang magawa kaya hinayaan nalang niya ako, kahit labag to sa loob niya.

  "anak ? " sambit ni Mama sa akin. Makikita mo talaga sa mukha niya ang labis na pag-aalala. Hehe nakakatuwang tingnan si Mama.

" Bakit ma? " sagot ko sabay upo sa tabi niya.  Alam ko na ang ipagmamaktol nito. Hehe kilala ko na tung Mama ko. Alam na alam ko na takbo ng utak nito.

  " sure ka na ba talaga anak? Wag mo nalang kayang ituloy yan. Alam mong masasaktan kalang sa gagawin mo anak. " Maiyak-iyak na sabi ni mama. Alam kong sobra ang pag-aalala niya. Ngunit talagang di na mababago ang desisyon ko. Susugal ako. Dito ako kakapit. Kahit alam kong mas lalo akong matatalo sa gagawin ko.

   " Ma .. "

  Kinuha ko ang kamay ni mama at hinalikan at niyakap ko siya ng mahigpit.

Alam kong pagpapakatanga tung gagawin ko, ngunit ito lang ang paraang alam ko, para mapasaya ang taong mahal ko.

" Ma, you already knew kung para saan to. Alam mo namang kahilingan ko to diba? Suportahan mo nalang ako. Tama man o mali ang gagawin ko, pero dito ako sasaya Ma. Ito ang ikakapanatag ng loob ko. Alam mo naman ang mga pwedeng mangyari Ma. Ayaw kung may pagsisihan ako. "
Paliwanag ko kay Mama para mapanatag ang loob niya.

" Pero anak ---- "

" Ma ! "  inis kung sagot kay Mama.

Yumuko nalang si Mama at may namumuong luha sa mata niya. Kaya dali-dali akong umalis. Alam kung mag-iiyak na naman siya. Naiintindihan ko naman si Mama kung bakit siya ganito ka sensitive pagdating sa akin. Alam na alam ko.

" Alis na ako Ma, Babye " Sabi ko sabay lakad palabas ng bahay. Ni di nga ako lumingon ayaw ko siyang makitang umiiyak. Mas lalo lang akong malulungkot.

Dumiritso na ako sa cafe na sinabi ko kay Martiela kagabi. At sa pagpasok ko palang agad akong kinawayan ni Martiela kasama ang isang babaeng nakatalikod sa akin. Siya na siguro ang dinedate ni Jaker.

" Hooo ! kaya mo to Katnis. Ikaw pa! Matapang ka alam mo yan. hoo! " cheer ko sa sarili habang papalapit sa mesa na kinauupoan nila Martiela.

" Hi be . " bati ni Martiela sa akin sabay kaway. Dahil sa ginawa niya napalingon sa akin ang babaeng kasama niya.

" oooh ! Clara ? " nabigla ako ng siya ang makita ko. Akala ko ibang babae ang dinedate ni Jaker. Pero mukhang siya pala.

" Creinya ? " may pagkailang na sagot niya. Nabigla din ata siya.

" Kilala niyo na pala ang isat-isa. Mabuti naman. O Clara siya nga pala yung gustong kumausap sayo. Wag kayong mag war ah nakakahiya dito. Haha O siya maiwan ko na kayo, ipag-o-order ko nalang kayo ng juice.
Babye " Pakawaykaway pang sabi ni Martiela. Sira talaga siya. Anong war? Haha Di naman gyera sadya ko rito. Haha

   Tahimik lang kaming dalawa at medyo naiilang kami sa isa't-isa. Tapos dumating nayong order ni Martiela sa amin kaya medyo nawala yung ilang dahil sa napangiti ako sa kanya noong binigay ko ang juice.

" uhmmm .. Clara ? "
sambit ko sa kanya kaya napatingin siya sakin.

" Bakit? " takang tanong niya na may kaba ang boses.

" Wag kang kabahan, di naman kita aawayin o ano pa dito e. hehe "
dinaan ko nalang sa joke ang gusto kung sabihin para di siya masyadong mailang pa.

" a-a ... hehe " napatawa na rin siya. Kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

  Tama kaya itong gagawin ko? Mukhang nakakaawa naman ako sa gagawin kung to. Pero ito na to eh, di na ako dapat magdalawang isip pa. Pagkakataon ko na to. Lord ikaw na talaga bahala.




" Clara, may hihilingin sana ako ..... "

MAHAL kasi KITAWhere stories live. Discover now