MAHAL kasi KITA

16 0 0
                                    

    Creinya POV

  " Clara may hihilingin sana ako ... "

Nakita ko kung paano lumaki ang mata ni Clara at namutla ang kanyang mukha. Na para bang may sinabi akong kababalaghan. Haha grabe naman yung ekspresyon niya. Haha

   " Hahaha bat ba parang gulat na gulat ka? Haha nakakatawa tuloy yung mukha mo. " sabi ko sa kanya.

" ah-aah-eeeh- hehe sorry nabigla lang ako sa sinabi mo. "
sinabi ? saan doon? yung hihilingin ko? Haha di ko pa nga nasasabi. Haha napakaewan talaga niya. Kaya siguro nagustohan siya ni Jaker.

Masakit para sa akin ang isipin na may iba ng gusto si Jaker. Pero mukhang blessing in disguise na rin ito para amin. Para sa kanya. Para sa akin.

" aah.. Creinya ano nga pala ang hihilingin mo. "
biglaang sabi sa akin ni Clara habang nag-iisip ako. Kaya napahugot ako ng malalim na paghinga at tiningnan siya ng mata sa mata.

    Tama ba ito? Sasaya ba talaga ako dito? Ito ba talaga ang gusto ko? Bahala na.




" Pwede mo bang mahalin si Jaker ng higit pa sa pagmamahal ko? "






Nakatulala lamang si Clara habang titig na titig sa mukha ko. Mukhang nabigla nga talaga siya sa sinabi ko.

" Clara .... Hey ! " tinapik ko siya sa braso at doon lang siya natauhan.

" aa! oh yes ? ano nga ulit yun ? hehe pasensya mukhang nabingi ako bigla. hehe" pagkukunwaring sagot ni Clara, na masyado ko namang nahalata.

" Please wag mo ng ipaulit sa akin. Alam kong narinig at naintindihan mo yung sinabi ko. " diretsahan sagot ko sa kanya.

" But, Creinya? Paano ko mamahalin ang taong pag-aari ng iba? "

" Clara, wala ng nagmamay-ari kay Jaker. Pakakawalan ko na siya. "
Unti-unti ng nangilid ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

" Creinya ?! Ba-- "

" Clara may sakit ako. " putol ko sa sasabihin niy at bumuhos na nga ang luhang kanina ko pang pinipigilan. Yumuko ako sabay hawak ko sa kamay niya. Ipinapahiwatig na sana maawa siya at maintindihan ako sa hiling kong to.

Alam kong pinagtitinginan na kami. Pero wala akong pakialam, ang mahalaga masabi ko kay Clara to. Dahil alam kong wala na akong panahon pa.

Ramdam ko ang paghawak rin ni Clara sa kamay ko, at kapansin pansin ang pagtataka sa mukha niya.

" Creinya wag ka ngang magbiro ng gan--- "

" Im not joking Clara. " putol ko sa kanya na may diin ang pagkasabi para maintindihan niyang di ako nagbibiro. Tiningnan ko siya ng mata sa mata.  " I have a brain tumor. " mahina kung sabi sa kanya.

  Napatulala nalang si Clara habang tinititigan ako, na para bang ayaw niya maniwala sa sinasabi ko. Dahil sa wala siyang imik ipinagpatuloy ko ang sinasabi ko.

" Bago ko lang nadiskobre to. Noong una di din ako makapaniwala na halos magwala na ako. Sino ba naman tanga ang sasaya sa sitwasyon ko diba? Clara bilang na yung oras ko. At ayaw kong bago ako mawala ay walang maiiwang magmamahal ka Jaker. "

" Alam ba ito ni Jaker ? "

" No! hindi niya alam, at hindi niya pwedeng malaman. Please I'm begging you wag na wag mong sasabihin sa kanya. " Pa iling-iling kong sabi sa kanya. At may pagmamakaawang mga mata.
Ayaw kong masaktan siya kung sakaling malaman niya to.

" Pero may karapatan siyang malaman to Creinya. Mahal na mahal ka nung tao, alam mo ba yun? "

" Alam ko!  alam na alam. Pero di naman magbabago ang lahat Clara kung malalaman niya to. Ayaw kung kaawaan niya ako. Ayaw kung sobra siyang masaktan sa oras na mawala na ako. " Halos di na maubos-ubos ang luha ko. Panay ang agos nito. At tinabihan naman ako ni Clara at hinihimas ang likod ko. Mukhang napansin na niya ata ang pamumutla ko.

" Pero Creinya, paano ka? Paano kayo? Mas masasaktan ka lang sa ginagawa mong paglilihim sa kanya. "
Naiintidihan ko si Clara, pero buo na ang desisyon ko. Para sa ikasasaya niya. Ng nag-iisang taong lubos kung minahal.

" Wag mo na akong isipin Clara. Isipin mo nalang tung huli kong kahilingan. Mahalin at alagaan mo si Jaker. Gawin mo lahat para makalimutan niya ako. Pasayahin mo siya higit pa sa ginagawa ko.  Please Clara this will be my last dying wish. Sana tuparin mo. "
Nakita ko na rin ang pagtulo ng luha ni Clara. Nakikita ko sa mga mata niya ang awa at sakit sa mga sinasabi ko.

" I will Creinya. Susubukan ko. Pero di ko maipapangako. Alam ko kung gaano ka kamahal ni Jaker. Kaya malabong makalimutan ka niya. "

" Gawin mo lahat Clara, maging maligaya lang siya. Kaya kung isugal lahat ng alas ko para sa ikasasaya niya. "

Agad akong niyakap ng mahipit ni Clara, at naramdaman ko ang pagpapatahan niya.

Alam kong kahibangan ang hinihiling ko pero wala na akong maisip na paraan ayaw kung makitang nasasaktan si Jaker ng dahil sa akin .

----


Andito na ako ngayon sa bahay. Nakaupo sa sofa habang nakatingin sa kawalan ng biglang nilapitan ako ni mama.

" Anak ? "

" Yes ma? " mahina kung sagot.

" Okey ka lang ba? " magpag-aalalang tanung ni mama.

" O -- " biglang naging blurred yung paligid. Parang unti-unting binibiak ang ulo ko sa sakit. Hanggang sa napasigaw na ako.

" AAAAAAAAAHHHHHHH !! Maaaa !"
unti-unti na akong napaluhod habang hawak ang ulo kong parang sasabog na sa sobrang sakit.

" Anaaaak ?! " may pagaalalang sambit ni mama.

Hanggang sa unti-unti ng nagdidilim ang paligid hanggat sa wala na akong nakita. Oras ko na ata to. Lord last na ba to? Lord naman, gusto ko munang masilayan si Jaker habang ngumingiti.
Please naman Lord, gusto kung baonin ang masaya niyang pagmumukha sa pagkawala ko.

" CREEEINYAAAA !! "

Sigaw ni mama ang huli kung narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.Ubos na ata ang kandila ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAHAL kasi KITAWhere stories live. Discover now