six

544 36 23
                                    

kang daniel
active now

you can no longer send messages to this person. learn more.

-

❝ ano na naman to daniel kang? ❞ inis kong tanong sa screen ng cellphone ko kung saan naroon ang pangalan ng magaling kong boyfriend.

ibang-iba na siya-

sila rather.

epekto na ba ng kasikatan to? i mean, naiintindihan ko naman na kailangan nilang magfocus pero di ako mapakali sa asal nila.

just understand them, okay?

❝ anak! pabili naman ng suka diyan sa pinakamalapit na tindahan ❞

ayan na naman ang suka na yan. pabida!

❝ ma! si kuya nalang utusan mo! ako nalang palagi nakikita mo pag nagpapabili ka ng suka ❞ reklamo ko.

❝ may ginagawa pa ang kuya mo. ❞

edi wow.

padabog kong kinuha ang diez pesos mula kay mama.

may mga workers naman kami sa bahay pero pabida si suka, ako yung gusto niya.

at ayun na naman ang tindahang pinakamalapit raw pero malayo naman sa amin. haay.

dahil lumabas ako sa bahay, naka-free data nalang ako.

ayan na naman ang kajejehan at drama ng mga taong extra.

namimiss ko na si jaehwan.

habang naglalakad, nagpatugtog ako ng beautiful ng wanna one. the ever supportive girlfriend kasi ako.

binilisan ko ang paglakad ko para agad akong makarating sa tindahan. di din ako nagtagal sa pagbili. syempre kating-kati na akong umuwi dahil may wanna one go sa jeju pa.

sa di inaasahang pangyayari, may isang aso na dumamba sa akin.

tumilapon yung cellphone ko.

not my phone!

at eto pa, habang pinupulot ko ang cellphone ko...

❝ hey you fucking dog! isauli mo ang suka! ❞

malalagot ako sa mader ko pag wala akong naiuwi. wala na akong pera para pambili ng bago.

❝ tumigil ka nga! ❞

oo na. ako na ang tanga na nakipaghabulan sa aso dahil sa suka.

huminto ang aso sa may sampayan ng kapitbahay namin. kinuha ko ang tsinelas ko para ihanda sa pagpalo nito sa asong walang modo.

❝ saan ka galing my good dogie? ❞ rinig kong sabi ng isang lalaking nakablack. kinarga niya yung aso.

❝ anong gagawin mo sa aso ko? wag kang manakit ng hayop! ang sama mong tao

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

❝ anong gagawin mo sa aso ko? wag kang manakit ng hayop! ang sama mong tao. ❞ aning lalaki.

wtf?

ako pa ang masama huh?

napatawa ako in a sarcastic way. ❝ yang aso mo ang pagsabihan mo mister! dinamba na nga ako, nahulog pa cellphone ko. ninakaw pa ang suka ko. yan ba ang good dogie? ❞

❝ para kang abnormal. sasaktan mo lang ang aso dahil sa suka? ❞

❝ eh ikaw alien! kangina! ano bang problema mo sa? may saltik ka ba sa utak? may malfunction ba yan kaya di mo magets? kailangan ko ang sukang yan! ❞ sagot ko sakanya.

bigla siyang naglabas ng wallet.

❝ sorry. ❞ sabi niya.

matutuwa na sana ako pero may dinugtong siya.

❝sorry. nakalimutan kong may mahihirap parin pala sa kantong to kaya wala ka na sigurong dies pesos para bumili ng bago no? my bad. di ako naging understanding- ❞

inagaw ko ang suka tsaka ito binuksan gamit ang bibig ko. naiinis kong ibinuhos sa lalake ang suka.

bago ko pa makita ang reaksiyon niya ay tumakbo na ako pauwi sa bahay namin. napagalitan pa ako ni mama kaya ayun, si kuya ang inutusan niya.

nahiga ako sa kama ko at gumuhit sa isip ko ang mukha nung lalaki kanina.

porket pogi, ang lakas makapang-insulto? yak! sana di ko makita ulit ang alien na yun

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

porket pogi, ang lakas makapang-insulto? yak! sana di ko makita ulit ang alien na yun.

wrong love (✔)Onde histórias criam vida. Descubra agora