fourteen

439 23 7
                                    

daniel

❝niel, magsisimula na raw ang shooting.❞ sabi ni minhyun hyung.

❝sige hyung, sunod lang ako. may hinahanap pa ako eh.❞

tinanguan niya lang ako bilang sagot. kaya naman tumalikod na ako para maghanap sa nawawala kong cellphone.

kaninang umaga pa nawawala yun. hindi ko alam kung saan nailagay basta nawala siya.

naisipan kong pumunta sa office ng ceo, baka naiwan ko dun nung pinatawag kami kanina. papasok na ako nang mapansin kong may meeting pa pala siya kasama ang mga trainees na idedebut raw.

mga gwapo yung idedebut pero mas gwapo parin ako.

❝theo, troy.. gusto ko yung babae tinutukoy niyo. maganda siya at sa tingin ko babagay siya para sa mv.❞ rinig kong sabi ng ceo.

❝eh pero diba maga-auditions pa?❞ sabi nung isang trainee.

❝ipapalabas lang natin na may auditions pero yung totoo may napili na tayo.❞

napayukom ako sa aking palad.

❝tulad ba nung ginawa niyo para sa casting sa wanna one?❞ tanong nung troy ata.

tama. ganun ang ginawa nila sa amin. labag man sa loob ko ang paasahin ang mga daan-daang wannables na nag-audition, wala akong nagawa. buo na ang desisyon nilang si chona ang kunin.

gustuhin ko mang si julia din ang kunin nila para rin makasama ko siya nang hindi kami pinagdududahan pero hindi pwede. dahil so chona na ang bida, simula palang.

❝habang iniisip ko kung saan ko siya unang nakita. naalala ko na nakita ko siya nung pumila para sa casting nung leading lady sa wanna one pero hindi ko siya nakitang nag-audition. i saw her sleeping kaya may tinawag ako na staff para ligpitin siya pero pagbalik ko, wala na siya dun. wag niyong hayaan na hindi siya makapag-audition, bring her here.❞ sabi ni ceo.

bakit parang kilala ko ang tinutukoy nila? pumila pero hindi nakapag-audition? nakatulog?

seolma..

si julia? pero imposible!

kailangan kong macontact si julia. hindi pwedeng siya ang leading lady nila.

hindi ko kakayanin yun.

makikinig pa sana ako nang biglang may tumawag sa akin. si ong.

❝niel! kanina ka pa hinahanap dun sa set!❞

❝ge. pabalik na ako. pero nakita mo ba phone ko?❞ tanong ko.

inangat niya ang kamay niya. at natuwa ako kasi nandun ang cellphone ko. pagkakuha ko nito ay binuksan ko agad ang contacts para matawagan si julia.

❝anong gagawin mo?❞ tanong ni ong.

❝tatawagan ko si julia.❞

❝mamaya na yan. magsisimula na tayo eh.❞ sabi niya.

❝simula lang, walang tayo.❞ sabi ko na siyang ikinatikom ng bibig niya.

joke lang eh.

pagkarating namin sa set ay nakasalubong namin si woojin. ako lang ba yun o totoo talagang masama ang tingin ni woojin sa aming dalawa ni ong?

creepy.

wrong love (✔)Onde histórias criam vida. Descubra agora