First Shot

48 2 0
                                    

Erin's P.O.V

Sabi nila High School life daw ang pinakamasayang parte ng buhay magaaral, dun ka gagala, magkakaron ng mga barkada, ng boyfriend?? ewan wala ako nun eh hahaha Sabi nila dito mo rin ma-e-experience ang mga first. first gala?, first bagsak?, first kalokohan?, first suway sa teacher?, first barkada?, first Achievement para saken, at syempre First Love.

But i found my First love in my college days, i gave love like i never gave it before, at dahil sa First love ko. I had lots of friends who had been a family and found the best of friends.

Dahil sa first love ko din kaya ako nangarap ng mga bagay na di ko inakala, magawa ang bagay na akala ko ay hindi ko kaya, nainspire sa buhay at marami pang iba.

Pero kagaya ng Sabi ng mga bitter dyan "Walang Forever!"

*Flashback* (1st Year College)*

"Okay class that's all for today you may go."

Tumayo na kame paglabas ng prof.

First year college na ko pero di ko padin alam kung tama ba tong course na kinuha ko.

I want to be a chef pero we can't afford it.. masyadong mahal.

And now i ended up sa course na hindi ko naman talaga gusto.

After that i don't have a dream anymore.. wala na parang hindi ko na alam mangyayari saken.

Ano pa bang pangarap ko bukod sa umasenso? Wala na..

Walang kwenta.

Dumeretcho nalang ako sa library para tapusin yung iniwang activity..

Namimiss ko na yung mga classmate ko.

"Eh eh eh eh eh eh eh twenty one, eh eh eh eh eh eh eh you gonna ring the alarm."

Ano yon? Sinong nagpapatugtog sa library?.

Napalingon naman ako don sa pinaggalingan ng tunog.

Nilapitan nung librarian yung babae saka pinalabas. Dumaan naman sa harap ko yung librarian.

"Tss puro k-pop." Bulong nya sa sarili nya.

K-pop? Bakit kaya ang hilig hilig nila sa kpop?

Naupo na ko sa isang tabi ng may narinig akong naguusap na dalawang babae sa harap ko. Isang curly at mahaba ang buhok yung isa naman ay maigsi lang a straight. Buhok lang madedescribe ko nakatalikod sila eh.

"Oyy girl! May bagong k-pop group ah.. infernes ang popogi naman." Mahinang sabi ni curly-haired girl.

"Ah talaga? Sino?" Tanong ni short-haired

"BTS daw eh." Sagot naman nya

"Patingin nga"

"Wow ah infernes ang cute nila haha medyo gangster ah. Haha."

"Anong title 'No More Dream?'"

'No More Dream'

"Wow to all the youngsters without dream daw" sabi ni
curled hair.

"Infernes ang ganda ng meaning ng kanta nila pang youth advocate ganern."

"Oo nga eh Bulletproof Boyscouts.. ano yon ipagtatangol nila ang mga naapi haha cool stan ko to."

Umalis na sila pagkatapos non.

Tinapos ko nalang yung ginagawa ko after ko mag evesdrop hahaha.

When It Ends (Min Yoongi)Where stories live. Discover now