Chapter 5(short update)

1.1K 29 2
                                    

Chapter 5

JC's  pov

Nagising ako dahil sa malakas na kalabog sa pintuan ng kwarto ko

"Ano ba!? Natutulog pa yung tao eh!!" padabog kong sabi

"baka naman gusto mo ng bumangon dyan?!" rinig kong sigaw ni Rj tapos malakas nyang kinalampag ang pinto ng kwarto ko

Bakit ang kulit nitong tukmol na to kainis ah. Hindi pa rin ako kumikilos.

"jc babangon ka o sisirain ko na ang pintong to?  Malelate na tayong tukmol ka!" galit na galit na sigaw ni RJ

"Hindi mo ba alam ang kasabihang go to school late and get sleep if the teacher  have a date?" pasigaw ko ding sagot sa kanya

"pano mo naman nalaman na may date nga ang teacher natin? Kapag hindi ka pa bumangon jan sira itong pintuan mo" chicboy itong bespren ko pero masipag yang mag-aral eh kaya ayan napaka-istrikto pag pagpasok sa school ang pinag-uusapan.

"OO NA OO NA! Wag mong sirain ang pintuan ko gago!" sigaw ko at sinagot nya din ako ng... "Mas gago ka!" ganyan talaga kaming magkaibigan eh, trashtalkan lang. hahaha


RJ'S  POV

"ang weak mo naman tol sa flappy bird" sabi ko. Pinanood ko kase syang maglaro tutal nababagot ako sa byahe dahil sa traffic papuntang school.

"wow!! Nahiya naman ako sa highest score mong 7" sagot nya. Ay! ano ba yan nilaglag ako

"oy 8 na kaya ako" mayabang na sabi ko

"wow ang taas non di ko ma-reach"sabi niya with full sarcasm kaya sinuntok ko sya sa braso pero mahina lang naman.

"gago ka ah. Bakit ilan ba high-score mo??" 

at hindi ako makapaniwala sa sagot nya... "567"

"May cheat ka may cheat!!!" galit kong sigaw sa kanya

"sorry rj pero wala hahahaha sadyang gwapo lang ako" mayabang na sagot nya

"wag masyadong confident sa sarili ah, mas gwapo ako sayo" asik ko sa kanya

"sus inggit ka lang eh" at talagang nang-asar pa

alam nyo isa na lang talaga masasapak ko na tong si jc..

"hahaha wag kang epic face rj libre na lang kita ng lunch" sabi ni jc at biglang nagliwanag ang mata ko dun...

Kainis tong si jc pero ayos na din lagi naman akong pinapakain nyan eh hahaha. 


Nicnic's POV

"PRECIOUS NHICOLE BERNARDO! GUMISING KA NA! MALE-LATE NA TAYO!" ayan ayan naririnig ko na naman ang boses ng ate kong kahit walang gamit na microphone ay napakalakas ng boses

grabe ah mag-eenroll pa lang naman kami ah... tsaka transferee kami... hay eto talagang si ate kath

anyway ayos na kami nina dad, wala na rin namang magagawa eh. Nag-sorry sina mama at papa kay ate kaya ayun nagkaiyakan pa. Maunawain si ate basta pamilya namin ang usapan. Kaya tinanggap na nya kung ano mang mangyayare.

bumangon na ko baka mamaya buhusan na naman niya ako ng tubig.. hahaha.. 

"Problema mo??!!at ang lakas mong isigaw pangalan ko??"

tiningnan naman ako ni ate ng masama kaya nag peace sign na lang ako at kumain..  mema lang..

pagkatapos ay nagpunta na kami sa labas at sumakay na sa van namin paalis na sana yung van kaso

"wait lang manong!" rinig naming sigaw ni mama

"bakit po mam?"tanong naman ni manong

"ah ako na lang ang magpapahatid sayo... mga anak bumaba muna kayo jan at may surpresa sainyo ang daddy nyo"

nagkatinginan kami ni ate kath at sabay na bumaba

sinundan namin ni ate si mama at nakarating kami sa garahe. Ano naman kayang gagawin namen dito?

nakita namin si papa na ngiting-ngiti.. nawiwirduhan na kami ni ate talaga...

"pa, male-late na po kami...."sabi naman ni ate

"ay! ayaw nyo ata ng Ferrari eh kaya sige na umalis na kayo..  pamimigay ko na lang to.." seryosong sabi ni dad

matagal bago nagsink-in samin ang sinabi ni daddy...

"wait dad Ferrari?!" sabay naming sigaw ni  ate, tumango si dad kaya napatili  si ate...

napatili na din ako at sabay naming niyakap si daddy, kasi wow as in wow tig-isa kami ni ate ng ferrari ang ganda.... pero sabay pa kaming napa-pout ni ate

"oh bakit nalungkot kayo?" sabi naman ni mama

"kasi po.... Hindi naman po namin mada-drive yan" sabi ko

"sinong nagsabi?" papa

"dad? ibig sabihin pwede na kaming mag drive?"masiglang tanong ni ate

hindi sumagot si dad at may hinagis lang sya samin na susi

"umalis na kayo at male-late na nga kayo" natatawang sabi ni dad samin.

"wahhhh thank you dad, the best ka talaga!" sabi namin ni ate at nag kiss kay  daddy

Nagpaalam na kami at excited kaming nagdrive ng sarili naming sasakyan.

Nagsisimula na ang pagbabago, simula ngayon mag-aaral na ulit kami sa PADILLA UNIVERSITY...

---------------------------

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

Absolute Couple (KathNiel)-COMPLETEDWhere stories live. Discover now