Chapter 27(continuation)

667 11 1
                                    

CHAPTER 27

Kath's pov

"ano na naman bang kailangan mo? ano?!  sabihin mo! Nang matapos na to!" sigaw ko sa babaeng to.

Nakatali ang mga kamay at paa ko at pansin kong parang nasa isang basement kami.

"huwag ka ngang painosente jan! You deserve this b*tch!"

kilala nyo na ba kung sino ang kontrabidang to?

walang iba kung hindi si Kryzel Salvador...

Sinamaan ko lang sya ng tingin sa sinabi nya. Hindi dapat kinakausapnang mga katulad nya.

Kita ko ang galit sa mata nya at sinampal ako ng malakas...

"makawala lang ako dito..  kakalbuhin kitang babae ka!" galit kong sigaw sa kanya

"yun ay kung makakawala ka pa..." nakakatakot na sabi nya

Please someone help me.. Please..

nagulat naman ako ng pumitik sya at may mga lalaking dumating na dala ang kapatid ko at si RJ?

"pakawalan mo na sila! sakin ka lang naman galit diba? Wag mo silang idamay.. maawa ka sa kanila zel..."

"AWA! HA?! BAKIT?! NAAWA KA BA SA AKIN AT SA KAPATID KO NOONG NAGMAKAAWA KAMI SAYO? HA? DIBA HINDI! WALA KANG PUSO! ALAM MO BANG NANG DAHIL SAYO NAMATAY ANG KAPATID KO?! IPAPARANAS KO RIN SAYO ANG SAKIT NA NARARAMDAMAN KO NGAYON..."

nagulat ako sa mga narinig ko..  hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat..

Nakita kong may hawak na syang baril at halos mapaiyak ako ng lumapit sya sa kapatid ko...

"please wag... zel maawa ka sa kapatid ko..."

tuluyan ng tumulo ang luha ko ng itutok nya ang baril sa walang malay na kapatid ko...

"zel..  please wag..  wag!!"

"KS tama na yan itigil mo na to"

napalingon kami kay Rj

tinawag ni Rj si zel na KS? sa pagkakatanda ko si KS ang ex-girlfriend ni RJ..  so ibig sabihin si zel at KS ay iisa?


Nicnic's POV

"KS tama na yan itigil mo na to" rinig kong sabi ni Rj na tuluyang nakapagpagising sa akin.

KS? si Kryzel??

"oh hello my dear boyfie..  oh! I forgot my ex-boyfie.."

Hindi naman umimik si Rj

"eto ba? eto ba yung ipinalit mo saken? etong babaeng to?" dinuduro-duro ako ni Kryzel..

"excuse me?" mataray kong sabi sa kanya at sinasampal ko na sya sa isipan ko.

"oh? wag mo nga akong ma-excuse me-excuse me?  hindi ka naman dadaan eh"

ahhh..  barahan pala gusto nito eh...  pwes..  hindi ako magpapatalo...

"wala akong sinabing dadaan ako." I said while smirking

Nakita ko naman na napanganga na agad ito. Mali ka ng kinalaban. Never kang mananalo sakin.

"oh?  Ano na?  nganga?" tanong ko sa kanya na may halong pang-aasar

"shut up you b*tch!"

Pagkasabi nya non eh isang malutong na sampal ang natanggap ko.

WHAT THE HECK! 

"you b*tch!" sabi ko at akmang susugurin sya pero nagulat naman ako ng tutukan nya ako ng baril.



JC's POV

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba...

Nagulat naman ako ng biglang mag-ring ang phone ko.

Si Kath, "hello ka---"

"maawa ka sa kapatid ko"

Narinig ko si Kath sa kabilang linya na parang naiiyak na.

"he---" natigil ako dahil sa isang malakas na putok.

"Hindi ako pwedeng magkamali...  putok ng baril yon..."

Dali dali akong tumawag ng pulis..  ti-nrace ko ang number ni Kath kung nasaan sya...

Hintayin mo ko Kath, ililigtas kita.



RJ's POV

Hindi masyadong mahigpit ang pagkakatali sakin kaya nakawala ako...

Ipuputok na sana ni Kryzel kay nicnic ang baril niya..

Pero itinulak ko si nicnic dahilan para magsala ang bala...

nag-aagawan naman kami ni Kryzel sa baril...

nakikita ko naman na nakatakas na ang magkapatid at lumaban na sila sa iba..

"Kryzel itigil mo na to... hindi na tama ang ginagawa mo."

"hindi ako titigil hanggat hindi ko naiipaghiganti ang kapatid ko."

Natigilan sya nang marinig na namin ang mga pulis.

Pumasok ang mga pulis kasama si Jc..

Kita ko ang gulat at takot sa mukha ni Kryzel nang hulihin na sya ng mga pulis

Nagulat naman ako ng yakapin ako ni Nicnic.

"RJ..  salamat nga pala sa pagliligtas mo sakin...  salamat.."

Gumanti na din ako ng yakap sa kanya. "ano ka ba nicnic...  ok lang yon..ikaw pa.." sabi ko at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya..

---------------------------------

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

Absolute Couple (KathNiel)-COMPLETEDWhere stories live. Discover now