"Anak"(part 1)

28.4K 282 48
                                    

  Namamasyal kami ng mama ko sa isang mall sa Maynila. Madalas kami sa mall na ito dahil kamag anak ko ang taga Leasing na si Mark. Nang magkita kami minsan, niyaya niya kami sa office at may kinuwento siya tungkol sa isang nawawalang bata.

Lingid sa kaalaman ng tao, madaming kababalaghan ang nangyayari sa mall na ito. Minsan ginugulo ang opisina niya o madalas na may nabasag na elevator panel. Pero itong kwento niya halos hindi niya daw talaga makalimutan.

Kwento ni Mark, may bata raw na nasa customer service isang araw at sinabing nawawala siya. Ipana page nila ang guardians ng bata. Agad na tinulungan ni Mark ang bata at hinayaan na mag stay muna sa office para hindi magkaroon ng trauma.

" Paging the parents of a lost boy, 6-7 years old wearing a red and white striped t-shirt, black short pants and black shoes, please proceesd to the security office."

Dahil halos mag hapon nang nasa security office ang bata, napagpasyahan ng admin na dalhin muna ito sa isang playbooth para maaliw ito habang hinahanap ang ina nya. Walang makuhang impormasyon ang mga nurse at security head sa paslit. ' Di tuloy nila malaman ang bahay niya o ang description man lang ng kanyang ina.

Magsasarado na ang mall at wala parin ang magulang nito. Napagdesisyunan nila na mag stay siya muna sa bahay ng security head. Pero naisip na nila baka bigla siyang balikan sa mall ng magulang niya. Naghintay nalamang sila.

Pinakain nila ang bata pero ayaw niyang kumain, nakatulog nalamang ito sa kama sa clinic. Kinabukasan, dahil halos isang araw na sa kanila ang bata, ipinatawag nila ang baranggay captain at ang social worker ng munisipyo. Nang puntahan nila ang bata sa clinic, wala ito. Hinanap nila sa mall pero hindi ito makita.

Nasaan na kaya ang bata?..

Horror stories (tagalog)Where stories live. Discover now