"Black Ghost"

16.5K 219 18
                                    

Kasama ko ang asawa ko nang dumalaw ako sa mall kung saan empleyado ang kamag anak ko na si Mark. Nakita niya kami at tinanong kung pwede akong dumaan sa kanyang opisina.

Nandoon pa rin pala ang bata na kinuwento niya sa akin at ngumiti lang ako. Pinaupo ako at ang hubby ko na si Arnold. Kinuwento niya ang tungkol sa elevator, ilang beses na nilang pinapalitan ang salamin peri lagi naman nababasag.

Nang kausapin niya ang bata, isang lalaki daw na maitim ang itsura ang may sala. Kapag sumisigaw daw ang lalaki nababasag halos lahat ng salamin. Hindi siya makalapit dahil masyadong masama ang ugali ng ghost. Pinakiusapan ko siya na samahan ako sa location ng lalaki.

Napadpad ako sa isang bakanteng stall, natatakpan ito ng mga kahoy. Sinundan ako nila Mark, at naalala niya ang original tenant nito ay may maliit na restaurant na fine dining. Umalis sila dahil madaming accidents ang nangyayari sa loob.

Pinatawag niya ang security officer at palihim na ipinalista siya ang lahat ng insedente na nangyari sa loob ng dating restaurant. Ang unang insidente daw ay mismong sa pagbubukas nila. Natagpuan ang lahat ng tableware nila na basag at nakakalat sa sahig. Akala nila na may magnanakaw na nakapasok.

Sumunod na insidente ay ang lagi na lang na pag iiba ng kanilang piped-in music. Madalas na lumalakas ito ng bigla at ikinakainis ng mga customer. Ang pinakahuli ay ang madalas pagkakaroon ng sunog sa kanilang kitchen. Nagpasya ang management na i-refund na lang ang kanilang rental at umalis.

Pilit na iniimbestigahan ng security ang bawat reklamo, pero wala silang makitang dahilan sa mga nangyayari sa loob. Matapos daw na umalis ang restaurant ang katabing shop ng ice cream naman ang ginulo.

Naglagay ng security camera ang katabing shop at nakita nila na bigla na lang lumilipad ang mga gamit nila at walang tao na nakikita, kundi ang anino sa likuran nito.

Bago nilipat si Mark sa mall, ipina bless muna ng leasing head ang notorious na floor at hindi na nagkaroon ng insidente simula noon. Pero lagi naman daw nababasag ang elevator guard sa floor na ito kaya lagi nilang iniisip na defective lang ang structure. Pina check na rin nila sa engineering pero wala parin makitang dahilan ng pagbasag nito. Kahit sa mga camera nakikita na lang na nasisira bigla ang glass.

Hinintay namin na mag sara ang mall, inimbitahan ko ang maga kasama kong mga questors, para mag overnight sa loob. Kinahapunan dumating sila at nagrequest kami ng isang camera na handled. Itinapat namin ito sa harapan ng elevator guard na laging nababasag. At naghitay na kaming magsara ang mall.

Inakyat na namin ang "haunted" floor nang napansin ko ang parang pagsikip ng lugar, pero kung tutuusin maluwag at maaliwalas ang mga hall ways ng mall. Pero sa lugar na iyon, parang napakarami ng tao sa paligid ko, may mga lugar na masakit din sa ulo at parang mah sumusunod sa akin.

Halos ilang beses namin nakikita na may anino na dumadaan sa peripherals namin, pero hindi namin silang magawang makita ng husto. Ang iba sa kasama namin ay nagkakaroon na ng reaksyon sa tiyan kaya minabuti namin na bumaba nalang sa administration office para mag pahinga.

Ilang oras ang nakakalipas, biglang may malakas na tunog na nanggaling sa itaas, nabasag na nga ang elevator guard. Pag akyat namin nakita ko ang isang lalaki na tumakbo, sinundan namin siya at halos lahat kami ay humahabol sa kanya, pati ang mga security guards.

Bigla naman siyang nawala sa isang malaking wall. Since medyo madilim ang mall, halos hindi namin napansin ang ding ding kaya nakakatawa man tignan, lahat kami ay na untog dito. Habang naglalakad, lahat kami ay iisa lang ang discription, isang lalaki na hindi naman matangkad at itim lahat ang suot. May nakikita pang parang buntot sa likod nito.

Pag baba namin sa opisina, halos lahat ng staff nakatutok lahat sa camera at ang iba sumisigaw sa nakikita. May isang maiyim na lalaki na hinawakan ang glass guard at bigla itong nabasag.

Nagpasya kami na umuwi na at bantayan nalang muli ang pinapalitang elevator guard.

Kinabukasan, sinabi ng hubby ko na maaaring may dasal ang elevator kaya iniisio ng multo na pwede siyang bumaba. Tinungo namin iyo at tinignan ang buong lugar, tinanong din namin kay Mark kung may nag bless ng elevator matapos ang insidente ng restaurant.

Sinabi niya "oo". Naghintay kaming lahat na mag sara ang mall at bantayan muli ang elevator guard. Tulad ng lahat ng reports, nababasag ito matapos ang lahat ng last full show ng 1:30 ng umaga.

Halos makatulog na kami sa kakabantay. Naupo kami sa harapan nito at naka linya. Maya maya pa, may biglang tumayo sa harapan namin, akala ng iba isa siya sa mga guwardya. Dahil nasa likod siya ng isang ilaw (againts the light), tumayo ako at hinarap siya, nakita ko ang mata niya na pula at halos lahat ng galit sa mundo ay dala niya.

     Siya ang nasa tape.

Hinarangan ko ang salamin para hindi niya ito mabasag. Hangang..........

Sumigaw ito ng napakalakas, lahat ng salamin nag shake, biglang nilagyan ni Andrew ng asin ang paa niya at nawala ang lalaki at tumigil ang tunog.

Alam namin na hindi pa tapos ang lahat. Nilakad namin ang pader kung saan huling nawala ang lalaki. Tinanong namin sa engineering department kung ano ang nasa likod nito at ang sabi nila ay wala. Kahit anong tagong daan, wala. Pero may signage na nilagay ang mga designers ng mall dito dahil ito ay nakaharap sa highway.

Dali dali kaming bumaba ng security office at hinalukay ang logs nila......isa isang nasagot ang mga tanong namin. May namatay pala habang kinakabit ang signage. Tinawagan ni Mark ang unang security officer doon na nag retire na, may nakakakilabot palang kwento sa loob ng misteryo. Hindi pala actually signage ang cause ng pagkamatay, ang sanhi pala ay mula pa sa panahon ng ginagawa ang mall.

Ang unang stages ng constraction ay ang steel bars. May isang karpintero, may pangalang Dindo, ang gumagawa noon. Bata pa siya, nasa edad na early 20's, bagito at hindi pa sanay sa pagwewelding. Lagi siyang naka itim na damit, at may nakasabit sa likod niyang maliit na bag na itinatali niya sa kanyang belt.

Isang araw pumasok si Dindo na hindi maganda ang pakiramdam, nakipag inoman daw sa mga kasamahan at pumasok na may hang over. Acetylene ang kanyang assignment ng araw na iyon. Bigla namang may sumabog sa 3rd floor ng kanilang ginagawa, namatay kaagad siya at dalawa pa niyang kasamahan.

Hindi clear ang kuwento tungkol dito. May nagsasabi na sinadya ang pagsabog nito. Ayon naman sa ibang ibang kuwento ay nag karoon ng leak at naitapat niya ang torch na nakasindi. Pero ang ending ng laha ng kwentong iyon ay may nasawi.

Bumalik kami sa elevator guard, halos mag uumaga na nang matapos ang aming mga kwentuhan. Nagliligpit kami nang may biglang dumaan sa likod namin, ang lalaki na nakaitim.

Sumigaw siya ng malakas, sinabi na gusto lang niyang umuwi pero kahit anong basag niya sa elevator guard hindi siya makalabas. Sa lakas ng salita niya parang may earthquake sa paanan namin.

Dahil sa espiritista si Andrew, inalis niya ang mga dasal sa elevators at sinamahan namin na bumababa ang multo. Lumabas kami lahat sa gilid na entrance, at biglang nag iba ang kanyang itsura, nagkaroon na siya ng figure.

Maayos ang kanyang itsura, typical na pinoy, medyo payat at, asusual naka itim na t-shirt at may bag sa likod na siyang inakala ng iba na buntot. Sinabi niya na hinahanap siya ng pamilya niya at kailangan na siyang bumalik dahil gusto niyang makita ang bagong panganak na misis niya...na sa panahon na iyon maaring seven years old na nga kanyang anak

Mula noon hindi na nababasag ang elevator guard, naging maaliwalas na rin ang mall. Subalit, madami pa rin kaming naririnig na kuwento sa lugar na yun, pero siguro sa susunod na lang na mga issues..

Thank for reading...

Horror stories (tagalog)Where stories live. Discover now