"Anak"(part 3)

15.6K 170 9
                                    

Sinabi na ni Mark ang tungkol sa nakikita niya sa kanya. Tinanong niya ang bata kung ano'ng huling natatandaan niya tungkol sa kanyang magulang. Mistulang nakapikit ang bata nang sinabi na hindi niya masyadong tanda ang mga bagay bagay. Pero alam niya na sandaling panahon lang niya nasulyapan ang kanyang ina.

Pina describe ni Mark ang itsura ng kaniyang ina at ang natatandaan lang daw niya ay maputi at maganda siya. May buhok na lagpas ng balikat, ang kanyang ngiti ay maganda, lagi siyang naka ngiti kahit na matigas ang kanyang ulo.

Nag kakamot ng ulo ang bata nang nagkukuwento tungkol sa ina niya, lalo na sa pagbili sa kanya ng ice cream kahit ayaw na ayaw ng kanyang ama. Nagkaroon ng idea si Mark at pina-describe sa bata ang kanyang ama.

Tumayo ang bata at nagpunta sa cubicle ni Mark, itinuturo ang isang litrato. Nang makita niya, laking gulat ni Mark na siya ang ama ng bata. Nilabas ni Mark ang litrato ng kanyang asawa, sinabi ng bata, "mama ko".

Nanlambot si Mark dahil wala siyang alam na may anak siya na ganun edad. Agad na tinawagan niya ang ex-wife niya, tinanong ang tungkol sa bata, idinescribe niya ang itsura nito sa kanya. Hindi siya nakapagsalita agad pero nalaman din sa huli na ang bata ay talagang anak niya, bago pa sila ikinasal, nabuntis na siya pero dahil nasa abroad si Mark hindi na niya ipinaalam na nalaglag ang bata dahil sa panahon naiyon hindi siya sigurado kung paninindigan siya ni Mark.

Umiyak ang kanyang ex-wife, hindi niya akalain na hanggang ngayon ay nasa tabi niya ang bata at hindi siya nilulubayan. Halos nasa 4 months na ng pagbubuntis niya nang malaglagan siya.

Biglang naalala ni Mark ang bata, simula nang ikinasal sila ng kanyang ex-wife, lagi nalang siyang may naririnig na boses ng bata at may nakikipaglaro sa kanyang mga anak na si Erin at Eric, peri wala silang nakikitang mag-asawa..

Plsss.............wait the next part!
Thank you!

Horror stories (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon