Chapter 6

4 0 0
                                    

I just want to

At ito na nga, ang pinaka hindi ko gustong mangyari. Ang event na'to. Hindi sa hindi ako interesado, the fact na partner ko ang lalaking 'to, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nasa gym kami ngayon together with the other representatives sa ibang class. Busy kami lahat sa pagpapack ng mga relief goods at makita mo talaga sa mukha nila na hindi sila napipilitan sa kanilang ginagawa at parang gustong gusto talaga nilang tumulong. Well, except for one. Tinignan ko si Vaughn na nasa kabilang side ko at nakaupo lang sa isang stool at nagmamasid. Feeling hari talaga siya no? Kami pawis na pawis na pero siya wala kang makitang ni isang patak ng pawis sa mukha.

Hindi ko namalayang napatitig na pala ako sakanya kaya binalingan nya ako "What?" Walang ganang sabi niya.

"Wala ka bang planong tumulong? Kaya masabihan kang maarte eh" he just shrugged at nagpatuloy sa ginawang pagmamasid. Napailing nalang ako at ipinagpatuloy ang ginawang pagpapack.

3 days have passed sa aming pagpapack that means 3 days narin ang nakaraan sa pagtitimpi ko na hindi masapak si Vaughn. Within those days, nalaman kong hindi naman pala ganoon nakakatakot si Vaughn. Not that hindi siya nakakatakot totally pero may puso at natititrang care rin naman pala siya.


It was the first day of packing the relief goods. Ang sabi sa meeting noong nakaraang araw 9:00 daw magmi-meet sa gymnasium. Pero sa kasamaang palad, maaga pala ang schedule ng aking pinakamahal na kapatid, at ako naman itong mahirap, makikihitch nalang sa merong sasakyan kaya napilitan akong bumangon ng maaga. Kaya ayun pagkarating ko sa gym, wala pang tao. Umupo ako sa bleachers at kinuha ang aking cellphone at binuksan ang aking facebook account.


Nakita kong may mga post parin ng pictures nila sa beach at mga pictures sa ibang bansa. Hindi pa nagsimula ang kanilang klase kay summer-summer parin sila. Eh dito naman sa Winston, ang aga-aga nagsimula ng klase nila kaya ito ako, kina-inggitan ang mga kaklase ko sa pasy school ko. I'm in the middle of scrolling ng may marinig akong mga yapak at ingay kaya napatingin ako sa entrance nitong gymnasium at hindi ko inaasahan ang nakita kong nakatayo ddon. Si Vaughn na may kausap na babae na I think younger than me.


"No" matigas na sabi ni Vaughn sa babae. Parang nafu-frustrate ang babae sa sagot ni Vaughn.


"Pero kuya, ngayon lang naman 'to. At promise bago mag 11:00 nasa bahay na ako" Pagmamakaawa ng babae. Ato ano daw? Kuya? May kapatid si Vaughn? Sabagay bago pa ako dito kaya paano ko malaman?


"11:00? Too late. Gabi na 'yan ah? At ano namang gagawin niyo dun? Mag inoman? I would NEVER allow you, Vash" Ngayon ko lang nakita na nagpakita ng emosyon si Vaughn.

"Obviously kuya, bar iyon. For sure may alak talaga. At birthday party lang naman ah? What's so bad about attending a birthday party?" Parang naiinis na ang babae. Ginulo nalang ni Vaughn ang kanyang sariling buhok at suminghap.

"Still no. Wala ako do'n. Hindi ako assured sa safety mo o baka malasing ka at may manyakis na lalapit sa'yo" He said in a full tone. He's trying not to raise his voice.

"Bahala ka. Basta pupunta parin ako" Nag walk out ang babae habang padabog na na naglakad.

Nakita ko namang inis na ginulo ni Vaughn ang kanyang buhok at umalis na rin.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: May 27, 2018 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Mr. MysticTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang