05

91 8 0
                                    

"Why? I'm with you so you don't need to hide," he said.

"Baka iba ang isipin niya sa 'tin. Baka akalain niya, sinisira ko ang relationship niyo. Where in the first place, I'm just a stranger here."

Nasaktan yata ako dun sa huling sinabi ko. Wala lang ako sa kanya kaya hindi dapat ako mag-invest ng feelings sa isang taong tatalikuran din naman ako at tatalikuran ko din naman later.

Ang drama mo naman, Aly!

"You're not a stranger, anymore," mahinang sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.

Tama ba ang dinig ko?

Ipapaulit ko sana sa kanya ang sinabi niya pero bigla niya akong hinila papunta sa gilid at nagtago sa likod ng isang stall na bilihan ng fish balls.

"Ba't tayo nagtatago?" pabulong na tanong ko pero hindi niya naman ako iniintindi.

"You see her?" turo niya somewhere. "That lady in red, who have a short hair, white skin and skinny. That lady sitting alone," mahinang sabi niya habang ako naman ay todo hanap sa babaeng nakapula hanggang sa nakita ko na ito.

Ang ganda. Ang sexy tsaka mukhang mabango.

"Is she your almost girlfriend?" gulat na tanong ko sabay tingin sa kanya.

Umayos na kami ng tayo at humarap sa isa't-isa. Nakangiti lang siya pero 'di naman tumatango kaya lalong kumunot ang noo ko.

"Huy, Elias. Seriously, you should come with her. She's all alone!" inis na sabi ko.

"I don't want. I don't care about her. Maarte siya. Maboka, she always wants to win an argument with me even though I was just explaining my side. She always wants to be right kahit mali. Partida, 'di ko pa siya girlfriend," natatawang sabi niya sabay tingin ulit dun sa babae. "Thanks to you, you saved me from the wrong relationship."

"You're hurting one's feelings. Dapat 'di mo na siya pinaghintay. Pinaasa mo siya. Do you even love her?"

Gago pala 'tong si Elias, e!

Player amputa! Kaya pala sabi niya kanina, he's worst.

Napalingon na siya sa 'kin habang nakangiti at mukhang gustong-gusto niyang pinaglalaruan 'yung babae.

"I don't love her. As I've said, I'm bored. I want to play with her... on bed," nakangising bulong niya sa dalawang huling salita.

He's really impossible! Fudge!

Ilang segundo pa ang lumipas bago ko na-compose ang sarili ko. Natawa ako nang bahagya at hindi ko magawang tumingin nang diretso sa mga mata ni Elias. Paputol-putol ako.

"You're kidding me, right?" natatawang sabi ko.

Napangiti siya at parang nabigla nang kaunti sa sinabi ko. "Kailan kita biniro?" he asked.

Napaisip naman ako agad. Oo nga, kailan siya nagbiro sa 'kin?

The whole time that I'm with him, he's always straight to the point. He never joke. And now, I really feel awkward in front of him. He's not my ideal guy, anymore.

Hello, Stranger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon