Kabanata 6

20 1 0
                                    

Kabanata 6:

"Jusmiyo! Anong nangyari sa noo mo Isabel?" Natatarantang pinaupo ako ni Tita Juana ng makarating kami sa mansyon.

"May naka-apak sa kanyang bakya na s'yang naging dahilan ng pagkakadapa nya Doña Juana." Paliwanag ni hambog. Napatingin sa kanya si tita Juana saglit at muling ibinalik ang tingin saakin.

"Clarissa! Dalhin mo na ang señorita mo sa kanyang silid upang sya'y makapagpahinga na, linisin mo na rin ang kanyang sugat at maghanda na kayo para sa kaarawan ni Laura!" Inalalayan ako ni Clarissa papunta sa kwarto ko.

"Clarissa..." Tawag ko sa kanya kaya napahinto kami sa paglalakad.

"Bakit po señorita? May masakit po ba sainyo?" Nag-aalalang tanong nya. Tumingin ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Tingin ko'y may sakit ako sa puso!" Nanlaki ang mga mata ni Clarissa hindi maitago sa mukha nya ang pagkabigla at pag-aalala.

"Paano nyo naman po nasabi?" Shems naman tong impaktang to. Ayaw maniwala! Base nga sa nararamdaman ko parang meron. Abnormal yung tibok ng puso ko lalo na kanina!

"Kanina nung pinunasan nung mahangin na lalaki ang dugo sa noo ko bigla na lamang tumibok ng mabilis ang puso ko, na parang hinahabol ako ng isang aso!" Seryosong sabi ko sakanya. Napalitan ang expression sa mukha ni Clarissa. Bigla s'yang tumawa. Anong nakakatawa aber?

"Wala kang sakit sa puso señorita! Kalaunan malalaman mo kung ano ang totoong sakit mo, hahaha!" Patuloy lang sa pagtawa na ikina-ngiwi ko habang ina-akay ako papunta sa aking silid.

Puro tao ang kabahayan. Nakabihis sila ng magagandang kasuotan. Nagtatawanan ang iba at ang iba naman ay nag-uusap. Nilibot ko ang paningin ko wala naman akong kilala sa kanila kaya bakit kailangan ko pang lumabas ng kwarto ko?

Para kay Laura ang event na to at wala akong regalo sa kanya kaya mas magandang taguan ko s'ya!

"Mag-isa ka lang binibini?" Napalingon ako sa likod ko at nakita si hambog. Kelan ba ako titigilan ng isang to?

"Hindi mo ba nahahalata?" Sarcastic kong tanong sakanya, ngunit imbis na mainis ay tumawa pa ito. Impakto talaga! Natutuwa pang naiinis ako sa kanya!

"Bakit ba lagi ka na lamang galit? Bakit hindi mo gayahin ang iyong pinsan..." Tumingin s'ya sa direksyon ni Laura at ng iilang kababaihang kasama nito at tska parang timang na ngumiti. "Laging magiliw at masiyahin." Napangiti ako dahil sa ngiti n'ya. I knew it! Gusto nya si Laura!

"Hindi ako si Laura kaya't bakit kailangang gayahin ko sya? Kung gusto mo si Laura, bakit di mo s'ya ligawan?" Siniko ko s'ya sa kanyang tagiliran dahilan para maputol ang pagpapantasya nya. "Mabuting lapitan mo s'ya." Humarap s'ya sa akin kaya ngumiti ako ng nakakaloko.


"LAURA!" Itinaas ko ang kamay ko at iwinagayway. Tumingin sa akin si Laura at mukhang gulat, pati ang mga tao sa paligid ay tumingin saakin at gulat na tumingin. Napa-peace sign ako sa kanilang lahat dahil sa hiya. Shems bakit ba ang ingay ko?

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa sa aking gilid. Hambog na to, tinatawanan ako!

Tiningnan ko s'ya at pinandilatan ng mata. Tumigil s'ya sa pagtawa at umiwas ng tingin. Dali dali akong naglakad paalis sa lugar na yun. Shems tama si hambog, bakit wala akong kahit kaunting kahinhinan sa katawan?

Lumabas ako ng bahay, maganda siguro kung magpahangin muna ako baka mamaya pagchismisan lang ako sa loob.

Umupo ako sa hagdan sa harap ng bahay. I'm tired! I want to stop this freaking witch craft! I want to go home. Kailan ba matatapos to? Loka lokang Clarissa kase gusto pala ng role play!

Cinderella of 18's Where stories live. Discover now