Kabanata 10

11 2 0
                                    

Kabanata 10:

"Oo..."

Shocks, anong sabi n'ya? Oo!? Tumingin ako sakanya. Nakita kong nagtitigan si kuya Lando at Miguel, shocks anong meron? Ang tahimik!

"He-he-he, salamat." Naiilang kong sabi. Binalingan ako ni kuya Lando ng tingin at tska ngimiti. Grabe ang keso!

"Masaya ako dahil nagustuhan mo!" Shems? Ang awkward na! Anong gagawin ko ang lakas naman ng trip nila. Haba naman ng hair ko dito!

May kalesa akong narinig na paparating. Tumingin ako sa nakasakay sa loob nito. Isa naramang keso! Andres.

Nakangiti din s'ya ng makita ako, hanggang sa pagbaba sa kalesa at palapit sa amin. Yung totoo? Si Joker ba sya?!

"Magandang araw señorita Isabel!" Hinubad n'ya ang kanyang sumbrelo at tumango.

"Isa pang manliligaw." Pabulong pero rinig ko namang sabi ni Clarissa. Bwiset tong babaeng to! Sakalin ko s'ya d'yan s'ya may dahilan ng lahat ng to eh!

Siniko ko si Clarissa kaya naman natahimik sya.

"Hehe tama ka ginoong Andres! Napakaganda ng araw!" Dahan dahan akong napaatras.

Anong gagawin ko? Paano ko tatakasan ang mga baliw na to?! Shems naman nakakastress.

"Paumanhin kailangan ko ng umalis!" Agad akong tumakbo papasok ng bahay at iniwan ang mga monggi!

Shocks! Magkukulong na naman ba ako dito sa kwarto? Betet naman! Gusto ko pa namang pumunta ng bayan ngayon!

Wait--teka! Tama, pwede, pwede! Lalayas muna ako dito sa bahay! Pupunta muna ako sa bayan!

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala para hanapin si Tita Juana. Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko din si Tita sa azotea na nagbabasa ng kung anong libro.

Lumapit ako at naupo sa tabi ni Tita Juana. Kailangan kong maglambing para payagan ako.

"Tiya..." Pag-uumpisa ko. Tumingin s'ya saakin.

"Bakit ihja?"

"Hehehe...maaari po ba akong magpunta sa bayan nais ko po sana kaseng ako ang magluluto para sa ating tanghalian!" Yeah! Ito na lang excuse ko para payagan ako! Hindi rin naman ako nag-jojoke kase totoong magluluto ako mamaya! Bakit hindi ba pwede? Marunong ako no! Hindi lang naman si Laura ang marunong. Actually hindi ko pa nga natitikman ang luto ng bruhang yun! Kaya nga hindi ko alam kung paanong nasabi ni Miguel na masarap magluto yun!

Ngumiti naman si Tita Juana. Yes! Mukhang papayagan nya ako!

"Nagagalak ako, pagkat magluluto ka na muli! Akala ko'y matagal mo nang kinalimutan iyan!" Niyakap ako ni Tita Juana. Feeling ko medyo naiiyak pa s'ya. Bakit naman? Magluluto lang naman ako diba? Baka tungkol to kay Isabel?

"Hehe, Tiya ako'y lilisan na upang umabot pa ang aking lulutuin sa tanghalian!" Tumayo na ako mula sa pagkakaupo.

"Ako'y nasasabik na sa iyong lulutuin, Isabel." Hinatid na ako ni Tita sa pintuan. "Gamitin mo na ang kalesa para sa pamimili."

Tumango na lang ako. Ano naman kayang lulutuin ko? Ampalaya? Toge? Pakbet? Adobo? Tuyo na lang kaya? Haha joke lang!

Tinawag ko muna si Clarissa sa kusina. S'ya kase ang sasama sa akin sa palengke. Wala naman akong alam sa panahong to no! Kailangan ko ng gabay at ang impaktang si Clarissa lang naman ang tour guide ko sa panahong to.

Nang masundo ko na si Clarissa ay agad kaming pumunta sa labas ng pinto ng mansyon kung saan naghihintay ang kalesa.

Kumunot ang noo ko ng makita ang dalawang kalesa sa harap ng mansyon at kasama pa sila señor Andres at Miguel. Nakangiti sila habang nakatingin sa amin ng deretso. Yung totoo? Di pa ba sila uuwi?

Cinderella of 18's Where stories live. Discover now