PH(60)

1.5K 99 71
                                    

~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*3rd Person's*

1 week later

Nasa kalagitnaan ng recording si Seungcheol nung biglang nag-ring ang cellphone ni Seungcheol.

"Coups lumabas ka muna dyan"  ani ni Bumzu.

Tumango si Seungcheol saka lumabas. Agad niyang pinuntahan ang kaniyang cellphone at kaniya itong sinagot.

"Hello?"

"(Kuya cheol! Si kuya ayaw kumain. Kanina ko pa siya hinatiran ng pagkain, inilagay ko lang sa harapan ng kaniyang kwarto pero hindi pa rin siya kumakain. Kagabi lang siya huling kumain, sapilitan pa. Kuya, kelangan ka talaga dito, mula umaga hindi siya kumain )"

Biglang kinabahan si Seungcheol, he stared at his wristwatch. Magse-seven na ng gabi.

"Papunta na ako" sabi ni Seungcheol sa kabilang linya. Jeongha bid her goodbye's and cut the line off.

Napabuntong hininga si Seungcheol. "Si Jeonghan? Kamusta na siya? Okay lang ba siya?" Tanong ni Bumzu.

Napaangat ng tingin si Seungcheol sa producer."Hindi ko alam hyung" sagot ni Seungcheol sa kaniya.

"Mahirap mag-move on kapag may nawala Seungcheol. Hangga't maaari manatili ka sa kaniyang tabi. Wag mo siyang iwanan, wag mo siyang pabayaan. Kailangan niya ng masasandalan sa ngayon, kasi mahirap kapag mag-isa ka lang" payo ni Bumzu sa kaniya.

Seungcheol nodded, Bumzu dismissed the rapper. Agad na bumalik si Seungcheol sa kaniyang studio para kunin ang mga natitira pa niyang mga gamit.

He's on his way out nung makasalubong niya ang taong hindi niya inaasahang makikita niya sa building.

"Seungcheol-ssi" bati ni Nayeon nung makita niya siya.

Nagtiim ang bagang ni Seungcheol, he ignored the artist and made his way out. Nakakailang hakbang pa lang si Seungcheol nung hinawakan ni Nayeon ang hem ng kaniyang sweater making him eventually paused on his track.


"S-Seungcheol-ssi, c-can we have a moment please?" Nauutal na wika ng dalaga.

Umabante si Seungcheol para mabitawan ni Nayeon ang kaniyang sweater. As long as he can, he must control his temper and not to snap out at the girl in front of him.

"What do you want" he firmly said.

Nayeon could feel the piercing gaze from Seungcheol's dark eyes. Simula nung magkita sila last week hindi na matanggal ng dalaga ang mukha ng rapper sa kaniyang isipan.

She only agreed to the set up dahil alam niyang may matutulungan siya, and at the same time tataas ang kaniyang sweldo.

Yun lang ang main objectives niya, hanggang sa makita niya na yun rapper. Sabihin na nating na love at first sight siya sa kaniya.

"Hurry up" utos ni Seungcheol sa kaniya.

The lady jerked a little bit. She bit her lower lip. "P-please, let me become y-your g-girlfriend" nauutal na sabi niya.


Pretentious Habit ¤ JEONGCHEOL ✓Where stories live. Discover now