CHAPTER 11

1.1K 34 0
                                    

Luke Cullen's Point of View

"AHHH!!!"

Pareho kaming nagulat ni Claire ng may narinig kaming estudyante na nagsisigaw-sigaw. Mukhang may nangyayaring kakaiba.

"Ano yon?"

Tumakbo ako at pumunta sa lugar kung saan namin narinig ang estudyanteng sumisigaw-sigaw. Pumasok ako ng school at sumunod naman sa akin si Claire pero may napansin akong kakaiba sa kanya. Hirap na hirap siyang tumakbo. Ngayon ko lang napansin na may bandage siya sa kanyang paa. Anong nangyari sa kanya?

"AHH!! TULUNGAN NIYO AKO"

Sa English Classroom nanggagaling na ingay kaya dali-dali akong pumasok doon. Sobrang dami ng estudyante na naka palibot dito kaya hindi ko makita kung ano ang nangyayari.

"Luke.. T-tignan mo", hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Claire at may tinuro siya sa akin. Laking gulat ko na may nakita akong estudyante na naka handusay sa baba at puno ng saksak mula ulo hanggang paa. Medyo mabaho na rin dito kaya tinakpan ko ang ilong ko. Mukhang isa siya sa mga estudyante na nanghusga sa nanay ni Sab. Buwiset! Paano ko naman sila maililigtas kung hindi ko sila kilala? Bakit hindi pa kasi ako deretsuhin ni Neon. Pinapahirapan niya lang ako.

"Ano to...", napa lingon nalang ako bigla kay Claire at nakita ko siyang naka tingin sa itaas. Tumingin rin ako sa itaas at may nakita akong naka sulat sa kisame na gamit ang dugo.

"Go to sleep? Luke anong ibig sabihin non?"

"Hindi ko alam.. Sa tingin ko, gabi-gabi siya pumapatay ng mga estudyante at sa mga taong gising pa ng gabi at nasa labas pa". Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang sinabi sa akin ni Neon sa panaginip ko. Isisikreto ko na muna ang tungkol dito. Go to sleep? Sino naman kaya ang may kagagawan nito. Sino ba talaga ang killer? Hindi kaya.. Isa rin siya sa taong gustong kumuha kay Claire. Ang sabi kasi ni Neon na papatayin na muna nila ang mga estudyanteng sangkot sa pambubully. Kaya ang killer na yon, isa siya sa taong gustong kunin sa amin si Claire. Malamang hindi lang siya ang mag-isang gagawa ng ganitong bagay. Siguro dalawa ang killer dito.

"Luke"

Nagulat ako ng bigla nalang may bumulong sa tenga ko. Alam ko kung saan nanggaling iyon. Tumingin ako sa mga estudyante at hinanap siya. May isang lalaki na tumingin sa mata ko ng seryoso. Tama.. Siya nga ang bumulong sa akin.

Nagtitigan kami sa mata pero may nararamdaman akong kakaiba sa kanya.

"Luke, alam kong naririnig mo ako. Bakit hindi kaya tayo mag-usap ng maayos? Mag-kita tayo sa rooftop, hihintayin kita don". May kakaiba sa kanya, paano niya nagagawang kausapin ako sa isipian sa pagitan ng aming pagtitig sa mata. Imposible na may kakayahan siyang ganon.

Naka tingin lang ako sa kanya habang lumalakad siya palabas ng room. Inayos ko na muna ang sarili ko bago ako lumabas na ng room.

"Luke saan ka pupunta!"

"Huwag mo akong susundan". Seryoso kong sabi sa kanya at tuluyan ng lumisan sa lugar na yon. Wala akong ibang pupuntahan kundi sa rooftop. At isa pa, gusto ko siyang makilala.

Nasa harapan na ako ng pintuan ng rooftop at sinipa ko ito. Naka rinig ako ng mga palakpak ng kamay sa kaliwa. Nandito siya ngayon, ang lalaking gusto akong kausapin ng maayos dito sa rooftop.

Devihell School (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon