CHAPTER 33

1.2K 45 2
                                    

Claire Clemente's Point of View

"Claire.."

Nagising nalang ako ng marinig ko ang boses ni kuya Neon. Pagmulat ko ng aking mata, nakita ko si kuya Neon na naka upo sa harapan ko. Nakapatong ang ulo ko sa binti niya habang naka higa ako. Napansin ko rin na sobrang dilim ng paligid namin dito. Agad akong bumangon at tinignan siya.

"Kuya.."

Bigla akong napa yakap kay kuya at napa luha sa sobrang takot. Humiwalay din naman ako sa kanya. Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang kamay. "Anong lugar to kuya? Bakit tayo nandito?"

"Nandito ka sa lugar kung na saan si Sabrina, sa kadiliman". Bigla ko nalang naalala ang sinabi sa akin ng principal. Kung nandito na ako ngayon, si Sabrina na ang nasa katawan ko ngayon. Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko!? Naniwala agad ako sa kanila, ito tuloy napala ko. "Huwag kang sumuko Claire, alam kong malalagpasan mo rin ang lahat ng ito. Nandito lang ako sa tabi mo at gagabayan kita. May tiwala ako sayo, Victoria"

"Victoria?"

"Ayon ang sinabi ko sayo nung nakaraan pa. Victoria ang totoo mong pangalan, Claire"

Tumayo si kuya at patagal ng patagal ay naglalaho siya.

Victoria? Victoria ang totoo kong pangalan!? Naalala ko tuloy nung unang beses siyang nagpakita sa panaginip ko. Tinawag niya akong Victoria, akala ko kung sino yon ako lang pala yon. Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni kuya Lucas ang tungkol doon?

"Claire.."

May napansin akong limang tao sa harapan ko. Laking gulat ko na malaman ko na nasa harapan ko ngayon sina Matthew.. "Tutulungan ka namin", sabi sa akin ni Simon.

"Patawarin mo sana kami sa nagawa namin sayo noon", sabi naman sa akin ni Tyler.

"Nagsisisi kami", pahayag ni Xylem habang naka yuko.

"Yeah right!", sabi ni Zaleus sabay buklat ng kanyang hawak na pamaypay.

"Hindi ka namin papabayaan, Victoria", sabi naman sa akin ni Matthew habang naka ngisi. Inabot niya ang kanyang kamay sa akin, aabutin ko palang sana ito ng bigla silang nag-laho. May naramdaman akong tumabi sa tabi ko at paglingon ko, nakita ko si Samantha. "Sam?"

"Salamat dahil naging mabuti kang kaibigan ni Mitch, patawarin mo sana siya. Huwag kang susuko, Victoria", sabi niya at sabay rin siyang naglaho. Ano bang nangyayari? Bakit nandito silang lahat? Bakit nagpapakita sila ngayon sa akin? Ano bang mayroon?

"Claire.."

May nakita akong babaeng naka talikod sa harapan ko. Mahaba ang kanyang buhok at naka dress siya na kulay puti. Dahan-dahan siyang humarap sa akin at..

"Emily?"

Napa luha ako sa sobrang saya ng malaman kong si Emily yon. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang aking pisngi. Ramdam na ramdam ko na totoo ang nangyayari ngayon. Namimiss ko na ang dating pagsasama namin.. Miss na miss ko na siya, gusto ko siyang mayakap.

"Huwag kang magpapatalo sa kanila. Huwag mong hahayaan na makuha na ng tuluyan ni Sabrina ang iyong katawan. Lumaban ka para sa kanila at para na rin sa akin, Victoria", sabi niya at bigla rin siyang naglaho pero may naiwan na bagay sa ibaba niya. Hindi niya ito gamit kundi kay Simon, ang mp3 na ibinigay niya sa akin noon. Naalala ko lahat ang sinabi niya sa akin noon kaya napaluha ulit ako. Sa sobrang inis ko dahil sa katangahan ko kanina, hindi ko mapigilan na sumigaw.

Paano na to? Dahil sa katangahan na desisyon ko at naniwala ako agad kay Jefferson, ito tuloy ang napala ko. Hindi ko hahayaan na si Sabrina na ang may may-ari ng aking katawan. At mas lalong hindi ako papayag na patayin niya ang lahat ng tao doon. Lahat nga, so ibig sabihin kasama na sina kuya Lucas doon.

Devihell School (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon