CHAPTER 23

970 34 0
                                    

"Tara dito", inilalayan ko siyang tumayo at pumasok ulit kami sa Clinic. Pinaupo ko siya sa kama at hinanap ang first aid kit dito. Nang mahanap ko na, agad akong umupo sa tabi ni Axel. "Hindi mo kailangan gawin yan, kaya ko na to"

"Hindi! Hindi ako papayag, kasalanan ko kung bakit nangyari yan sayo. At saka gusto ko na rin bumawi sa mga kabutihang nagawa mo sa akin. Kaya please, hayaan mo na akong gawin to", huminga na muna siya ng malalim bago siya magsalita.

"Sige.."

Nagumpisa na akong gamutin ang mga sugat niya sa mukha. Nag-aalala ako sa kanya dahil sa sobrang dami niyang sugat. Habang ginagamot ko ang sugat niya, napapansin kong nakatitig siya sa aking mata. Sa dinami-dami na pwedeng titigan, sa mata ko pa talaga.

"Aw", napatigil ako sa paggamot ko sa kanya ng bigla nalang siyang umatras.

"Opps sorry"

Itinuloy ko ulit pero bigla niya nalang hinawakan ang aking kamay at mas lalo niya akong inilapit sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang balak niyang gawin kaya napa pikit nalang ako ng mata at medyo iginilid ang mukha.

"Sabi ko na nga ba.."

"H-huh?"

Pagdilat ko, sobrang lapit ng bibig niya sa bibig ko. Binitawan niya na rin ang aking kamay. Shit! Hahalikan niya ba sana ako kanina?

Tinignan niya na muna ako bago siya tumayo. "A-anong sabi mo?"

"Wala yon Claire, ahmm gusto ko muna mapag-isa. Mas mabuting bumalik ka na sa dorm. Susunod nalang ako sayo", lumakad siya paalis pero huminto siya sa tapat ng pinto. "Sabi ko na nga ba.. Hindi mo ako kayang mahalin", sabi niya bago niya isara ang pinto. M-mahalin!? Huwag niyang sabihin na mahal niya ako!? Nako hindi to pwede. Dapat kasi nung una palang nalaman na nilang apat na nagmamahalan kaming dalawa ni Luke. Edi sana hindi to mangyayari. Kailangan kong sabihin yon kay Axel, ngayon na!

Niligpit ko muna ang mga gamit at itinabi na ang first aid kit sabay umalis. Pumunta ako sa dorm baka kasi dumaan siya doon. Binuksan ko ang pinto pero wala dito si Axel kundi si Kyle, Crade at si kuya Lucas. Wala rin dito si Luke. "Nandito ka na pala Claire, na saan pala si Axel? Kumain na kayo dito, pinaghandaan na namin kayo ng almusal ninyong dalawa"

"Nakita niyo ba si Axel?"

"Hindi bakit? Ikaw yung kasama niya diba?", pagtatakang tanong sa akin ni Crade.

"Hmm... Alam niyo ba kung saan siya pumupunta kapag gusto niyang mag-isa?". Nagtinginan sina Crade at kuya Lucas at parang nagtataka sila sa tanong ko. Si Kyle naman parang may iniisip.

"Hmm sa pagkakaalam ko lagi siyang nasa rooftop kapag gusto niyang mag-isa"

"Salamat Kyle!", sinara ko agad ang pinto at kumaripas ng takbo papuntang rooftop. Binuksan ko agad ang pinto at hinanap si Axel. Nakita ko siya sa dulo at nakatayo sa mahabang upuan.

"Huwag kang tatalon Axel! Huwag mong gawin yan!", pinikit ko nalang ang aking mata dahil ayokong makita ng ganon si Axel. Pero maya-maya, may biglang yumakap sa akin at si Axel iyon.

"Bakit ko naman gagawin yon? Nagpapalamig lang naman ako ng ulo. Ikaw talaga Claire, kung anu-ano nalang pumapasok sa isipan mo"

"Huwag mo ng uulitin yon"

"Opo.."

Niyakap ko rin siya at pinikit ko ang aking mata. Siguro hindi ito ang tamang oras para sabihin ko sa kanya ang tungkol doon. Masasaktan ko siya.. Pero, masasaktan ko rin si Luke. Actually, nasaktan ko na nga si Luke nung sabi niya na nakita niya kami kagabi. Gusto kong mag-explain sa kanya. Ayokong buong araw niya nalang isipin yon.

Devihell School (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon