OO8

797 33 43
                                    

"Good morning po, Tita." Bati ni Jisoo kay Mrs. Lee saka siya pinapasok nito sa bahay nila.

"Maya-maya ay bababa na din si Seokmin, pakihintay nalang ha?" Ngumiti naman kay Jisoo si Mrs. Lee.

"Opo, kayang-kaya ko po hintayin si Seoks." Kow, agang-aga nabanat ka na kaagad. Kalandi mo Jisoos.

"Jisoo, 'nak. Matanong lang kita. Wag mo sana masamain." Saka umupo sa tabi ni Jisoo si Mrs. Lee.

"Nagliligawan na ba kayo ng anak ko?" Biglaang tanong ni Mrs. Lee kaya naman namula ang tenga ni Jisoo. Hindi mo ba malaman kung seryoso o kinikilig si Mrs. Lee ngayon e.

"Sa totoo lang po, nililigawan ko na po ang anak niyo." Nakangiting sabi ni Jisoo kaya naman muntik ng himatayin si Mrs. Lee. Inalalayan naman ito ni Jisoo.

"Okay lang ako, 'nak. Okay lang talaga. Nako, approved na ako sayo! Kaso, wala pa ang Papa niya. Nasa ibang bansa dahil may business trip. Madami-daming tanungan 'yon." Natatawang sabi ni Mrs. Lee, sa kabilang dako naman, si Jisoo ay nanlamig.

Tatay na 'yun mga bes. HAHAHAHAHAHA.

"N-nakakatakot po ba si Mr. Lee?" Utal niyang tanong. Kitang-kita ang takot sa mata ni Jisoo. Kalma ka muna bes, wala pa naman 'yung tatay ni Seokmin.

"Malalaman mo din, Jisoo." Nako Mrs. Lee, lalo mo pa atang tinakot. Ano Jisoo? Back-out na? Subukan mo, wala ng Hong na darating pa sa darating na panahon. AHAHAHAHA.

Nakarinig naman sila ng yabag, "Good morning, Jisoo." Bati ni Seokmin habang inaayos pa ang kaniyang necktie. Tumayo naman si Jisoo at nilapitan si Seokmin.

Inayos niya ang necktie ni Seokmin, "Ayan, ayos na. Good morning din, Seoks." Bati ni Jisoo.

Si Mrs. Lee naman ay mukha ng kinukuryente dahil sa kilig. Lalo pa siyang natuwa nung nakita niyang namula ang pisngi ng anak niya. Grabehan, napaka-supportive na nanay na 'to.

"Nak, hindi mo naman sinabi na nanliligaw na sayo si Jisoo!" Nabato naman si Seokmin at tiningnan ang nanay niya matapos ay kay Jisoo. Nag-kibit balikat nalang si Jisoo at tumawa.

"Mama naman e," Maktol ni Seokmin saka ngumuso.

"Ano ka ba, approve ako kay Jisoo. Kaya lakad na at baka ma-late kayo!" Tinulak naman ni Mrs. Lee 'yung dalawa palabas ng pinto. "Ingat!" Kumaway naman sakaniya ang dalawang naglalandian at umuna na.

Habang naglalakad ay biglang hinawakan ni Jisoo ang kamay ni Seokmin, bumilis naman ang tibok ni Seokmin nung gawin sakanya ni Jisoo 'yun. "Hoy Jisoos," Tawag niya kay Jisoo.

"Bakit?" Hindi pa rin tinitingnan ni Seokmin si Jisoo, namumula kasi siya at baka asarin pa siya ni Jisoo dahil sa pisngi niya.

"Sinabi mo kay Mama 'no?" Sabi ni Seokmin. Hinigpitan naman ni Jisoo ang hawak niya sa kamay ni Seokmin.

"Oo naman, bakit ko pa itatago kung proud naman ako dahil nanliligaw ako sa isang Lee Seokmin?" Sabay ngiti kay Seokmin.

"Heh, manahimik ka nalang!" Bwisit, kakawala lang ng pagkapula ng mukha ko eto na naman siya at pinapakilig ako.

Natawa nalang si Jisoo dahil sa inasta ni Seokmin. Alam naman niyang kinikilig si Seokmin pero dahil dakilang pabebe ito ay hindi pinapahalata pero Seokmin, halata na naman naming lahat. Heh.

----

"Uy, may nagliligawan na pala." Halata namang nagpaparinig si Jeonghan kay Seokmin at Jisoo na bagong dating palang.

"Talaga? Sino daw?" Kunwari namang na-shookt na sabi ni Soonyoung. May kamay pa sa bunganga amp.

"Yung Lee Seokmin at Hong Jisoo daw!" Sabat ni Mingyu habang kumakain ng saging. Luh, may saging sa bag. Yung kay Wonwoo nalang daw kasi--AYYYYYYYYYY.

Love Scenario | seoksooWhere stories live. Discover now