Bonus

760 31 7
                                    

2nd year highschool nung lumipat si Jihoon sa school na medjo malapit sa bahay nila. Wala siyang kaibigan, ayaw niya lang. Mas gusto niya 'yung tahimik lang ang paligid niya.

Lagi siyang nasa rooftop ng school at bihirang kumain sa canteen. Muli kasi nung nilipat siya ni Mrs. Lee, masasabi niya na kahit papaano, gumanda naman ang buhay niya. Bullied si Jihoon sa dati niyang school, sinasabihan ito na weird, mute, at kung anu-ano pa. Masiyahin naman siya dati, pero mula nung nawala ang bestfriend niya ay nagbago ito.

Nilipat na kasi ang kaibigan niya sa ibang eskwelahan. Palagi siyang pinagtatanggol ng kaibigan niyang 'yon kaya nung nilipat ito ay purong impyerno ang dinanas ni Jihoon. Kung minsan ay binubugbog pa ito at kinukuhanan ng pera at pagkain.

Uuwi siyang may pasa at gulo-gulo ang mga gamit, kapag tinatanong naman ng nanay niya kung anong nangyari, sasabihin niya lang ay nadisgrasya siya. May alam na naman ang nanay niya na binubully ng iba ang anak niya at masakit ito para sa isang ina na tulad niya.

Bago nilipat ang kaibigan ni Jihoon, sinabi niya ito sa mama ni Jihoon. Na binubully ang anak niya. Kaya naman nung natapos ang taon ay agad nilipat si Jihoon at ito na nga, nasa bagong eskwelahan na siya. Wala siyang kinakausap, o pinapansin. Kaya wala ding gumagawa sakanya ng ganun. Nakakatakot daw kasi ang aura ni Jihoon.

Habang naglalakad siya sa hallway ay may narinig siyang boses na tinawag ang isang pangalan.

"Soonyoung!"

Napalingon naman siya ngunit hindi na niya naabutan ang tumawag sa pangalang 'yon. Umiling na lamang siya.

Imposible. Baka kapangalan lang.

Hindi na niya pinansin pa kung sino 'yung tumawag. Tinigil na din niya ang paghahanap niya sa bestfriend niya dahil malabo na namang magkita ulit sila.

"Ay tangina!" Saad niya nung may nakabangga sakanya. Nagsihulugan ang mga libro nila at agad naman siyang yumuko.

"Sorry, sorry." Tinulungan siya nung nakabangga sakanya sa hallway.

"Tsk. Hindi kasi nag-iingat." Sabi ni Jihoon, hindi pa rin hinaharap kung sino 'yung nakabunggo sakanya.

"Sorry na nga e," Sabi pa nung lalaki. Nung napulot na ang dapat pulutin ay agad na umalis si Jihoon.

"Wala man lang thank you?!" Hindi niya nilingon 'yung lalaki bagkus ay pinakyuhan niya lang ito. Napanguso nalang 'yung lalaki.

"Pamilyar 'yon." Bulong niya sa sarili habang tinitingnan si Jihoon na lumalakad palayo.

----

Lagi lang nakatambay si Jihoon sa rooftop. Kakain man o hindi, free time o ano pa man, lagi lang siyang nasa rooftop. Dala-dala niya ngayon ang mga gamit niya. Kasalukuyang nagsusulat si Jihoon ng may napansin siyang isang notebook na hindi naman sakanya.

"Baka doon sa nakabunggo sakin kanina," Nag-kibit balikat siya. Tiningnan niya ang notebook at nakita ang mga sketch.

"Choreography. . .?"

Ang sulat. Ang drawing. Lahat at pamilyar sakanya. Kaso ayaw naman niyang mag-assume. Mahirap na.

Ngunit nakaramdam siya ng kaba nung hindi niya makita ang notebook niya na puro kanta ang nakasulat.

"Argh, ang tanga mo Lee Jihoon! Ba't 'yun pa? Saan ko hahanapin 'yon? Hanep talaga." Isa-isa niyang tiningnan ang mga gamit niya pero wala talaga.

Naiiyak na siya sa inis. Hindi 'yon pwedeng mawala dahil regalo sakanya 'yon ng bestfriend niya. Alam kasi 'nun na mahilig siyang mag-sulat.

"Putangina ka Jihoon. Napakahalaga 'nun." Napaupo nalang siya sa sahig. Nakatakip ang palad sa mukha. Namumula na ang tenga niya.

Yun nalang ang naiwan sakanya ng kaibigan niya kaya naman ganito siya ngayon. Nandun ang pangarap niya, nandun ang mga alala nilang dalawa.

"Tulad ka pa rin ng dati, Uji."

Uji.

Isang tao lang ang natawag sakanya 'nun. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Siya na nga ba 'yon? Siya na ba ang matagal niya ng hinahanap?

Unti-unti niyang inangat ang ulo niya at tumambad sa harapan niya ang isang lalaking nakaupo sa harapan niya, "S-soons?"

"Ako nga, Uji." Agad siyang niyakap ni Jihoon. Dala ito ng pagka-miss niya.

Inabot niya kay Jihoon ang notebook niya, "Yan ang hinahanap mo diba?" Ngumiti ito sakanya.

Napaiyak siya. Hindi siya makapaniwala na nakita na niya muli anh kaibigan niya. Ang kaibigan niyang si Kwon Soonyoung.

"At sayo naman 'to." Ibinalik naman ni Jihoon ang notebook na pagmamay-ari ni Soonyoung. "Paano mo nalaman na akin 'to?"

"Uji, kilala ko ang sulat mo. Isa pa, ako ang nag-regalo sayo nito kaya imposibleng hindi ko malaman na sayo 'to."

Natahimik naman sila pareho. "Akala ko hindi na kita makikita. Mga notebook lang din pala na mahahalaga satin ang naging daan para magkita na ulit tayo." Sabi ni Soonyoung. Nagpipigil lang naman ng ngiti si Jihoon.

"Uji. . ."

Hinawakan ni Soonyoung ang kamay ni Jihoon, "Kahit na nanghahampas ka ng gitara, kahit na sabi mo noon hindi mo ako matatangkaran, hehe, kahit na matalas ang dila mo sakin, kahit na. . . ano pa ba. . . kahit na ganyan ka, tanggap na tanggap kita."

Hindi niya maintindihan kung bakit nagsasabi ng ganito si Soonyoung. "Jihoon, alam kong lagi kang naiinsecure sa mga taong mas magagaling sayo at you tried your best to be like them pero hindi ka naman nasaya, what I mean is. . . you don't have to be perfect. Hindi mo kailangan magbago. Sa mga mata ko, kahit na wala, mas gugustuhin kong ganan ka lang,"

"H-hindi kita main-"

"Uji, mahal kita. Matagal na."

Hindi na nakaimik si Jihoon dahil hinalikan na siya ni Soonyoung, kumakabog ang puso niya dahil sa mga biglaang pangyayari na tulad nito.

They broke the kiss, pinagdikit ni Soonyoung ang mga noo nila.

"Soons, mahal din kita."

Napangiti si Soonyoung dahil sa sinabi ni Jihoon.

At dito, nagsimulang magbago ang takbo ng buhay ng isang Lee Jihoon.

Love Scenario | seoksooWhere stories live. Discover now