Kabanata 11

48 15 45
                                    

Halos magsalubong ang dalawang kilay ko at punuin ako ng tanong sa utak ko kung bakit... sa lahat ng pwedeng tao, bakit siya pa?

Mahinhin siyang natawa at kinuha ang itim na maletang nasa tabi pala niya. Binuhat niya 'yun at pinatong sa sofa na parang pinapalabas niyang, "Nakikita mo ba 'to? Dito na ako titira kasama mo." What the hell?!

"Kung hindi ako nagkakamali siya 'yung nanay ng napulot nating bata sa terminal. Ano nga ulit pangalan mo?" Pormal na tanong ni Theo kay Odette na siya namang kinatawa nito ng bahagya.

Napaiwas ako ng tingin at talagang nakaramdam ng inis. Anong nasa isip ni Kenzo at si Odette pa talaga?! Kailangan talaga naming mag-usap.

"Maka-nanay ka naman, Theo... Saka, hindi ko maiwasang magtaka kung bakit nakalimutan mo na ang pangalan ko. College palang mag---"

"Pangalan mo lang ang tinatanong ko." Pagputol ni Theo sa dinadaldal ni Odette. Napatingin ako dito at nakita kong bahagyang nakabuka ang kanyang bibig malamang ay dahil sa gulat.

Delekado ang ganito. Hindi talaga nag-iisip itong Kenzo na 'to. Paano nalang kung malaman ni Odette na hindi tao itong kasama namin? Shit talaga...

Pinilit ngumiti ni Odette at umayos ng tayo, "I'm Odette Baylon." Lumapit siya kay Theo at inextend ang isang kamay. "Ilang years na nga naman ang nakalipas, kung gano'n, nice meeting you, again."

Tahimik ko lang silang pinagmamasdan. Hindi dahil inaabangan ko ang pag-abot ni Theo sa kamay ni Odette kundi dahil sa dating alaalang bumabalik sa isip ko. Seeing this picture reminds me of something... and that's Odette and the old Theo way back in College.

Noon, patay na patay si Odette kay Theo ngunit ako ang pinili ni Theo. After three years, nagtagpo ulit ang mga landas namin. Hindi ko sigurado kung may gusto pa si Odette kay Theo at kung meron, wala na akong pake 'dun.

Mariin akong napapikit sa alaala ng nakaraan tungkol sa 'min. Kapag naaalala ko ang dating Theo, hindi ko maiwasang maiyak at makaramdam ng sakit. Biruin mo, napaka sweet niya at tipong aakalain mong totoo lahat ang pinapakita niya pero sa likod 'nun ay may tinatago palang baho.

How I wish na napunta nalang siya kay Odette...

"No need for that, I already heard your name. She is the one you're gonna take care of,"

Napadilat ako at nakitang nakatingin na sila sa 'kin. So hindi tinaggap ni Theo ang kamay ni Odette? Hays. Baka makahalata si Odette, ano nalang ang sasabihin ko nito? Kainis!

"O-Ohh, Sorry..." Bahagyang yumuko si Odette dahilan para maikot ko ang mata ko. Gusto kong magtanong ng magtanong kung bakit siya pumayag sa alok ni Kenzo pero ayoko 'yung gawin sa harapan ni Theo dahil alam kong sisingit lang siya. Isa pa, may hinala ako na isa sa rason ay dahil trip niya pa rin si Theo.

Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na ng kusina para kumain. Nakahain na ang pagkain dito na malamang si Theo ang may gawa. Umupo ako at nagsalin ng pagkain sa plato. Naramdaman ko namang sumunod si Theo at tumabi sa akin.

"Kanina excited ka sa care taker mo, masama ba pakiramdam mo?" Malumanay na tanong ni Theo kaya inilingan ko siya.

"Hindi ko lang akalain na siya ang care taker ko." Simpleng sagot ko na lamang.

Mag-uusap talaga kami ni Kenzo...

Akala ko magiging matahimik ang tanghalian namin ni Theo pero biglang sumulpot si Odette na may ngiti sa labi. Akala mo naman close kami. Psh!

"U-Uhm, can I join?"

Pasimple akong napabuga sa hangin at uminom ng tubig sa harap ko. Magtatanong lang kung pwede siya sumabay sa 'min ay kailangan maarte pa ang boses? Nakakainis!

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now