Kabanata 25

34 12 22
                                    

Halos magda-dalawang oras na ang nakalipas nang magkausap kami ni Professor Limaco sa phone. Magda-dalawang oras na rin akong iyak ng iyak dito sa balcony at nakaupo, nag-iisip kung anong gagawin ko, nag-iisip kung paano na ako, nag-iisip kung kaya ko ba na... wala na si Theo.

Napahilamos ang mga palad ko sa basang pisngi ko at sinandal ang baba ko sa aking braso. Ramdam ko na 'yung pamamaga ng mata ko na pakiramdam ko hindi ko na kaya pang idilat ng husto ito dahil sa maga dulot ng kanina pa ako umiiyak.

Matapos ang usapan kanina, hindi na ako nakasagot pa kay Professor Limaco at naibaba nalang ang phone ko. Lumabas agad ako dito sa balcony para humagulgol. Talagang naramdaman ko 'yung kakaibang hapdi sa dibdib ko. 'Yung para bang... sobrang pamilyar sa 'kin ng lahat ng ito.

Tumayo ako at pumasok ng kwarto kung saan gano'n pa rin ang posisyon ni Theo. Huminto ako sa gilid nito at tinakip ko ang mga palad sa aking bibig upang hindi maglikha ng hikbi, pero wala eh, I can't fight the feeling right now. Sa loob-loob ko ay nagsisisi ako dahil ako lang naman ang may gawa nito sa kanya.

Tama ako, 'di ba? Kung hindi ko siya pinilit hindi ito ang nangyayari ngayon.

Baka kanina pa kami tapos kumain. Baka sinamahan niya akong tumambay sa labas. Baka hanggang ngayon ay nakangiti pa 'ko.

Hindi ko na napigilan, napaluhod ako sa gilid nito at hinawakan ang malalamig na kamay. Gusto kong ibuka ang bibig ko para magsalita, pero kusa akong nahihinto dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Pero sa huli, sinikap ko. "I... I'm sorry. I'm really sorry! Oh my god, Theo ano nang gagawin ko ngayong... w-wala ka na?"

Pinatong ko ang baba ko sa braso niya at tinignan ang inosente niyang mukha na natutulog. Naging sunod-sunod na naman ang pagpatak ng luha ko. "S-Sana ako nalang eh... y-you deserve to live pero ako, I'm just a piece of shit! Hindi ko man lang inisip ang mangyayari sa 'yo. K-Kaya I'm really sorry."

Kung tutuusin, mas may silbi naman talaga sa akin si Theo. Isa siyang robot na ginawa para sa 'kin, para mabaling sa iba ang atensyon ko at mawala ang pagmumukmok. Ginagawa niya ang trabaho niya. Samantalang ako, napaka useless ko. Wala na akong ginawa kung hindi ang umiyak, magalit, magkulong, maging mag isa.

Hindi ko man lang naisip ang pwedeng mangyari sa kanya which I fully regret dahil naging makasarili ako. Para sa gusto ko? Ito ang naging resulta. Ni hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong nalaman kong wala na si Theo.

Kailangan ko bang tumawag sa mga staff? Kailangan ko bang sabihin agad kila Kenzo? Paano gagawin nila? Masyado kaming malayo para mapuntahan agad. Saka malamang ay magugulat ang mga staff kapag nalaman nilang robot ang kasama ko.

Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam...

"I... I need you, Theo. I badly need you..." bulong ko na may kasamang paghikbi.

'Yun ang totoong nararamdaman ko. Pakiramdam ko naulit ang lahat. Namatay ang dating Theo, nawalan ako ng buhay. Dumating ang robot na Theo, nasira, nawalan na naman ako ng buhay, tumigil pa ang mundo ko.

Sa pag-iyak ko ay nararamdaman ko nalang ang pagbigat ng talukap ng mata ko. Tila hinahatak na ako ng kaantukan para pumikit pero ayoko. Ayokong matulog hangga't hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong tawagan sila Kenzo, pero maski 'yun ay hirap akong gawin. Simula nang lumapit ako ngayon kay Theo at mahawakan siya, para bang tinamad na ako tumayo at iwan siya sa tabi.

Gusto ko nandito lang ako. Na kahit walang kaluluwa si Theo para makita ang ginagawa ko, gusto kong malaman pa rin niya na hindi ko siya iiwan. Kahit pa magalit siya dahil wala pa akong kain, hindi ko pa rin siya iiwan.

Alam ko namang hindi din ako makakakain ng ayos sa lagay naming ito. Para tuloy akong nawalan ng dahilan ulit para lumabas at kumain...

Gano'n siya kasakit.

Left to the FlamesWhere stories live. Discover now