Kabanata 20

43 16 27
                                    

Paulit-ulit kong tinutungga ang iniinom kong Pineapple canned juice dito sa may verendra. 11:30 na rin ng umaga at naamoy ko na mula sa loob ang niluluto ni Odette na sa tingin ko ay Chicken Curry.

Err, kahit isa iyon sa mga paborito ko ay hindi yata ako makakakain ng maayos ngayon.

"Ano kaya magiging reaksyon ni Theo kapag nalaman niyang... anak namin ang napulot niyo sa Terminal?"

Naipilig ko ang ulo ko at mariing pumikit dahil sa naalala. Nakakainis, halos hindi ako makatulog kanina dahil do'n. Tila ginugulo ako ng boses at mga salita ni Odette.

Hindi ko rin maitatanggi na hanggang ngayon, lalo kagabi, may kirot pa rin akong nararamdaman. Nobody can take if your Boyfriend cheated on you. Lalo sa nalaman kong nabuntis niya si Odette? What the fuck, Theo. You and your stupid dick.

"Hey, kakain na."

Hindi na ako lumingon sa likod dahil boses palang ni Odette ay alam ko na. Alam kong masaya siya ngayon dahil nasabi niya na sa akin ang bagay na dapat ikagalit ko gayong ang alam niya ay buhay at kasama namin si Theo. Isa pa, tinutulungan siya magluto ni Theo kaya ganyan.

Narinig ko siyang natawa, "Alam mo nakakagulat ka, Keziah. Usually, ang babae kapag nalaman nilang may anak pala ang Boyfriend nila sa ibang babae ay magagalit at baka mapatay pa nga ang Boyfriend. But you, you're acting tough, aren't you?"

Lumalim ang paghinga ko at napahigpit ang kapit ko sa hawak na Canned drink. Hinarap ko siya at nakitang nakasandal siya sa gilid ng sliding door, habang nakangiting aso.

"Anong gusto mong gawin ko?" Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Patayin ko si Theo... o patayin ka?"

Naikot nito ang kanyang mata saka umayos ng tayo. "Whatever," saka siya umalis sa harap ko.

Hah, may ikakatakot din pala ang babaeng 'yon. Ang lakas niyang mang-asar. Maswerte siya dahil kung nagkataon na buhay pa si Theo? Baka makalimutan kong may anak pala siya.

Napabuntong hininga ako nang tumunog ang phone ko sa mesa, muli kong tinungga ang huling juice sa lata at nilapag 'yon bago sagutin ang tumatawag. It's Kenzo.

"Yeah?"

Napa-palatak agad siya, "I forgot to tell you something, damn it!"

Tumaas ang isang kilay ko at umupo sa upuan. "What's with the raspy tone?"

"Don't you remember?"

"What?"

"It's Mama's birthday today!" He hissed.

The words felts like a bell that thud to my ear for me to sit straight, "Now?"

"I heard that we're going to Shangri-La hotel that Papa planned for us to celebrate. And Sis, it' a BIG celebration. You know what I mean."

Dahil sikat na businessman si Papa at Mama, matik na may mga dadalong sikat na businessman sa birthday niya. Maraming friends si Mama na mas mayaman pa sa 'min, sa pagkakaalam ko ay may dalawang politician at tatlong artista pa nga.

"T-Teka, kung gano'n anong oras 'yon gaganapin?" Tanong ko.

"6pm sharp dapat nando'n na kayo. Tutal maaga pa, I decided to have an early out and meet you at the mall."

"For what? May magaganda akong---"

"For what? May ireregalo ka? Stupid." Kung nakikita ko lang ang mukha nito ngayon, malamang ay inis na inis na siya. I can imagine how he looks like.

Pero oo nga, Through these years hindi lumagpas ang birthday ni Mama na wala kaming regalo. Siguro dahil nasanay kami noon na nagreregalo kay Mama, kaya hanggang ngayon ay nagkukumahog pa rin si Kenzo sa ireregalo. Ayaw na ayaw pa naman niyan sa lahat ay 'yung nakaka-disappoint siya.

Left to the FlamesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora