CHAPTER 1

8 0 0
                                    



Third Person's POV

Alas-onse na nang gabi pero hindi parin umuuwi si Nami. Umalis sya kasama ang kanyang Boyfriend na hindi naman sya mahal talaga... Sabi nga ng mga kaibigan nya, sya na raw ang pinaka tangang tao sa mundo kasi pineperahan lang naman sya non. And by the way, pumunta lang naman sila sa branch ng motortrade, katatapos lang naman ng bagbabayad ng motor ni ng Kuko.. este, Buko ni Nami. Apat na taon din ang itinagal ni Nami at Michael at sa tingin ko ay hindi na magbibilang pa.

Blaag!

"Ano ka ba naman anak! Nakakagulat ka! Pwede ba magdahan-dahan ka?" sabi ng nanay nyang gulat na gulat. Bigla syang  napatingin sa namumula at basang-basa ng luha. 

"B-bakit ka uiiyak? anong nangyare sa'yo? Sinong may gawa? Ha? Sino! Papatayin ko! Maski ngayon na, uupakan ko yon!" OA na sabi ng Mama ni Nami

"Mama n-naman e.. ang OA mo masyado!" sarkastikong sabi ni Nami habang umiiyak.

"Syempre ayaw ko lang na umiiyak ka 'no? Nagiisa ka lang na anak namin ng Papa mo." sabi ng mama nya

"Wala lang 'to 'Ma... NATANGGAL LANG NAMAN AKO SA TRABAHO NG HINAYUPAK KONG BOSS NA WALA NANG GINAWA KUNDI LAITIN AKO AT IPAHIYA,TAPOS HABANG HINIHINTAY KO SI MICHAEL SA LABAS NG OFFICE, INABOT AKO NG ULAN HINDI MANLANG AKO PINAPASOK NUNG PANGET NA GWARDYA! KAYA NILAKAD KO YUNG WAITING SHED, KINIHA KO YUNG PHONE KO PARA I-TEXT SYA, KASO WALA AKONG LOAD KAYA PAGKAKITA NYA SAKIN, IMBIS NA MAAWA MUKHANG GALIT PA SYA. AT ANG PINAKA MATINDI SA LAHAT, NAKIPAG BREAK SYA SAKIN DAHIL WALA DAW AKONG ORAS PARA MANLANG I-UPDATE SYA KUNG NASAAN AKO. PINAIKOT-IKOT KO LANG DAW SYA, WALANGYANG YON DI NALANG NYA SINABING.. 'Sorry buko tapos mo nang bayaran ang motor, break na tayo.' DIBA ANG KAPAL MA?" Exaggerated na sabi ni Nami. Habang naka tulala lang ang Mama niya.

"Ano 'Ma? wala kang sasabihin?" Pangbabara nya sa Mama nya

"Ahh. Anak.."

"'Ma?"

"Ikaw yung OA." Sabi ng ina habang natatawa.

"Mama naman, nakuha mo pang tumawa maski nasasaktan na ako."

"Hindi naman sa ganoon.. e kasi matagal ko nang sinabi sayo na iwan mo na yun ayaw mo parin.."

"E 'Ma hindi ko naman alam na ganon ang mangyayari....."

"Nako Nami, hayan ka nanaman sa pagdadahilan mo. Ilang beses na iyang sinabi sayo marami di kaming nagsabi sayo."

"Mama.. anong gagawing ko?" sabi ni Nami Habang umiiyak.

"Aba! Ewan ko sa'yo hindi ko naman kontrolado ang katawan at emosyon mo noh?

.

.

.


KINABUKASAN...

Nami's POV

Haaaay! Ang sakit ng mata kees! Bakit ko ba kasi iniiyakan yung pabuko na yun e... Hoy! Hindi Pangarap ng buhay ko ha? Pabigat sa buhay ko yun noh? Sira ulo yun, iniwan ako, sakto pang pagkatapos ibigay nung resibo. Hayop talaga yun. Hindi manlang pinatagal! 

Kinuha ko yung phone ko at binuksa ang FB ko.

Scroll...

Scroll...

Scroll...

WTF!?

Do you see what I am seeing? Pota! Wala pang 24Hours meron na agad syang bago. Grabe kung maka ngiti yung babae, wala naman yung isang ngipin nya sa harap (incisor) Tapos yung EX ko akala ko mataas ang standards kayo kapit sa patalim.. patalim na ginto! Tangina nya, di bagay ang mukha nya sa ugali nya! 

Hala monday nga pala ngayon! May pasok pa ako sa school. Graduating na ako ng Dentistry, yung office na pinapasukan ko, aleli lang akess nung boss ko nuh! Magna cum laude lang naman 'to noh? Magnanakaw ng puso. Hihihi Sa ganda ko 'to Posibleng posible! Charot! 

So ayun, ready na akong pumasok sa school, At nagpaalam na ako sa mga magulang ko.

Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep, hindi ko talaga maiwasang umiyak.

Nalulungkot ako dahil sa mukha ng ipinalit sakin ng ex ko. Sarap magpa-foot spa tapos mukha nya ang ihahain ko. 


FINALLY!

Nakita ko na yung building ng school namin.. Last sem na naman ito e kayang kaya pa!

Buti nalang first subject ko yung gwapong professor namin. May lahi daw si sir e. Australian-Filipino daw sya... Kesa naman si Michael Bull-Shit, Pitbull at Shih tzu. Bakit? Hayop naman talaga sya 'no?

~Otor's Note~

So hayan na ang first chapter! Guys expect nyo na ang maikling updates, kasi first ko palang pero I'll do all my best para mapaganda ang story. Love y'all!


Accidentally YoursWhere stories live. Discover now