CHAPTER 2

2 0 0
                                    

Meeting Him

Nami's POV

"Kirill Naomi Alcantara" sabi ng prof ko dahil naga-attendance  pero di ako kumibo masakit lang talaga ang ulo ko, alam na.. puyat sa kaiiyak.

"Umm.. Miss Alcantara?" pagulit ng prof ko 

Biglang may nagbigay sakin ng penye.... enebe ser eyekeng kelegen... Teke emeeyek be eke? Emeged. 

"Think you s-shir.." pabebe kong sabi.

"Yes, Miss Alcantara?" sabi nya na bigla akong nagising sa totoong buhay.

"Umm. Ah.. Sir.. Salamat po" at hindi na muling kumibo.

Sya si sir Phil, fresh graduate sya sa University of Melbourne. Hindi naman maikakaila, fresh na fresh nga sya. Gwapo!!! 

So ayun! Nagsimula nang mag turo si sir pagkatapos nyang mag-attendance. Ganadong ganada ang girls! Bumait bigla hahaha. As expected katatapos lang ng topic kaya Quiz na. At ang mas inexpect ko pasa lahat ng girls although hindi nila naperfect. Minsan ayaw ko munang sundin yung 'study first' kasi nakakatulong naman ang landi sa pagaaral hahaha.


After 2 Hours...

Hay nako ang tagalnaman ng lanst prof namin naiinip na ako't baka hapunin pa ako dito sa school. Magpe-facebook nalang akes kesa mabore hihi.

Binuksan ko yung data ko...syempre may data ako noh? Pang hulog nga lang sa motor ng ex ko meron, pang load pa kaya?

Scroll...

Wow! Ang cute naman ng Shirts na to! Couple nga lang hayyst! One day mabibili din kita!

Scroll...

Ayy! Ito ang Bet Ko! Alam nyo sabe? 'Define Bitterness: Yun yung nakita mo yung jowa mong may kasamang iba tapos sasabihin mong sana may dala kang bomba.' 

Scroll...

Wait, sino ba yung Keith Nicholas Mariano? Sabi kasi marami daw syang alam na iplay na instruments, Singer and Dancer din DAW sya, gwapo daw naman sya, model kasi, at nagco-comercial din sya, dun sa sabon daw, nako aabangan ko yan baka may scene na naliligo sya ii. So kung nagco-comercial sya, ibigsabihin, umaarte sya. Interesting... Sana mag-meet kami. Lodi!

Scroll...

'Che! Walang Forever' Napansin ko biglang tumingin yung kalapit ko.

"Hehehe sorry" Kalapit pala yung jowa nya.

Scroll... 

"Puking Ina tala 'tong mag-jowang 'to"

"Hoy Nami! May Problema ka ba samin?"

"Ha? A-Eh... W-wala.. Yung ex ko kase at yung bago nya." at pinakita yung photo.

"ahh.. Sige sorry." Landi kasi ng landi alam nang school hours hahaha

Scroll...

Scroll...

'Hayan! Bagong ligo na ang baby ko! Ipapa HESOYAM kita sa susunod...'(HESOYAM: To restore something back into its original form instantly; 2) A cheat in Grand Theft Auto that does the same job.) Grabe! Paligo ba iyan? Sinayang lang niya yung libu-libong ginastos ko para dyan. Sira-sira na grabe! Walang kaingat-ingat sa katawan. Tsaka grabe! Ngayon ko lang nalaman na laking GTA pala yung gagong yon. Hindi daw sya nagvi-video games, kaya ko sya nagustohan.

Nag react nga ako ng angry hahaha

Maya-maya lang biglang may lumabas na notification. Kaya tiningnan ko.

~Justine Gonzales

Wahahaha!Pare, nagagalit ex mo.

~Sira-ulo

Hahaha hayaan mo yan, tanga kasi.

WOW! Mareplyan nga.

~PrettyWomAlcantara

Hoy mas tanga ka! Nakipag break ka agad e hindi ka pa nagkakalisensya! Bobo ka talaga di mo pa inintay dapat ngayon hinahanda ko na yon wahahaha. Sabagay meron pa namang bago sya nalang sa licence mo ah?

After ilang minutes, Andami na agad reactions puro tumatawa, at dadalawa lang silang angry ng jowa nya. hahaha Pikon naman pala e hahahaha

"MISS ALCANTARA!MATATAPOS NA ANG ORAS KO HINDI KA PARIN TUMITIGIL SA CELLPHONE MO!" sigaw ni ma'am Santos

Ayon sa sobrang galit nya, nagpa-quiz mahaba, at walang pumasa. Sakin ang sisi huhuhu

Matapos ng klase, lumabas na ako.


Tingnan mo nga naman, akala ko humiwalay na yung paa ko sa katawan ko. Yung magjowang panget lang pala. Aba! Ang Sweet! Nagsubuan pa ng ice cream! Naalalako tuloy yung nabasa kong meme kanina. 'Sana may dala akong bomba'. Humanap ako ng malapit na tindahan ng laruan at humanap ng pasabog, yung Utot Bomb... Binili ko na Ten pesos lang naman e. Bumili akong tatlo. Syempre kinalog ko muna tsaka ko binato...GRABE! AMBAHO AMOY BULOK NA ITLOG NG PUGO NA SINLIIT LANG NG KAY MICHAEL! 

"Ang baho mo na by!" Sabi ni Michael

"Ako? Mabaho? Baka Ikaw, umutot ka noh?"

Hahahaha grabe yung mukha nila! Lalo na yung mukha ni girl! Hahha

Naalala ko susi nga pa nga pala ako ng motor ni Michael. Pinuntahan ko iyon at binuksan ang compartment at nailagay sa magkabilang gilid nito. Siniguro ko hindi na halata tsaka ako nagtago. 

Pagdating nila sa garahe ay umupo syaat ang jowa nyang parang linta ang kilay. Bigla nanaman suminangot ang dalawa at naghanap ng mabaho.

"Hahahaha" hindi ko napigilang tumawa kaya nakita nya ako.

"Hoy!" sigaw nya.

"B-bakit?"

"Ano bang trip mo?' halatang gali na sya.

Hinawakan nya ang aking leeg at medyo nasasakal ako sa lagay na iyon

"M-michael h-hindi ako ma-kahing-a."

"Wala akong pakealam kung hindi ka maka hinga. Pinagmuka mo kaming tanga kanina sa park, public yun ah? Maraming nakakakita! Tanga ka ba?"

"M-mas Ta-nga k-ka!"

"Talaga lang ah?" Mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa leeg ko

"AAA-AhhHAI"

"Hoy!" May lalaking sumigaw at sinapak sya kaya naka bitaw sya.

"Hindi pa tayo tapos Nami."

Tumakbo nalang yung duwag ko ex hahaha akala naman nya matatakot ako

"Si-sino k-ka?"

humahabol parin ako ng hinga

hindi lang niya ako pinansin at umalis na.

"Isnabero"




Accidentally YoursМесто, где живут истории. Откройте их для себя