Chapter 37

6.8K 208 2
                                    

Chapter 37:

Mabilis akong nakarating ng Campus at inilock ko 'yomg bike ko sa parking. Pagpunta ko naman sa hallways nagulat ako nang parang ang sama ng titig ng mga ka-schoolmate ko sa akin ngayon.



Nakatingin lang ako sa kanila ng may pagtataka, at maya-maya pa unti-unti na nila akong pinapalibutan kaya napalunok ako. A-Anong gagawin nila?



"Isa siyang genius!" Boses ni Chealsea ng lumabas ito sa likuran ng mga estudyanteng nakapalibot sa akin.



"Tama! At hindi lang siya genius dahil malandi pa siya! Nilalandi niya si First." Saad naman ni Nikka ng tumabi ito sa kanya. Pero paano nila nalaman ang tungkol don? Sinabi na ba ni Ezen? Kung sabagay ganito din naman ang eksena ng una kong pagpasok dito sa Kang Academy.



Kapag nalaman nilang may genius sapilitan nilang paaalisin dito at ngayon ako na 'yong nasa kalagayan ng mga naunang napatalsik noon. Tinitigan ko lang silang lahat ng masama ng may sumaboy sa akin ng tubig. Basa na ngayon 'yong palda ko at pinagtatawanan na nila ako.



"Sige, magdiwang na kayo ngayon dahil ito na 'yomg una at huli ninyong gagawin sa akin 'to." Halos pabulong kong sabi habang nakatikom ang mga daliri ko. Tinaasan ako ng kilay nina Chelsea at Nikka habang nakacross arms sila at parang may pinaplano pa silang hindi maganda.



Ilang saglit pa naramdaman kong may dumapong malamig na tubig sa buo kong katawan mula sa likuran ko dahilan para yakapin ko ang sarili ko. Sobrang lamig dahil may yelo ang mga 'to. Muli kong tinaliman ang mga titig ko sa kanila dahil ang sasama nila.



Nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Bakit hindi pa dumadating ang may utos nito? Nasaan na si Kulot? Siya nalang ang hinihintay ko para official na akong matanggal dito sa Campus. "Andyan na si First!" Biglang may sumigaw sa bandang gilid nitong building kaya rito natuon ang tingin ng lahat.



Pero biglang may humatak sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko. Omy. Sino 'to? "Doon tayo magtago bilis." Nang lingunin ko siya mula sa likuran ko nagulat ako nang siya 'yong makita ko.



"Ling?" Sambit ko habang hinawakan niya ako sa pulsuhan at hinatak niya ako sabay takbo naming dalawa.



"Kailangan nating makatakas." Aniya kaya gulat akong nakatitig sa kanya. Nang lingunin ko naman ang mga nagpulong na estudyante, hinahanap na nila ako.



"Ikaw 'yong sumigaw? Nilinlang mo sila?" Tanong ko habang umaakyat kami papataas.



"Oo, wala talaga si First. Bilis na baka makita nila tayo may alam akong taguan." Tumango lang ako matapos ay tuluyan nga kaming nakapunta sa sinasabi niyang taguan dito sa rooftop.



"Grabe, ang ganda naman, ngayon lang ako nakapunta rito. May puwede pa palang pagtambayan dito?"



Nilanghap ko ang hangin habang nakangiti, pero dahil nilamig ako napayakap ulit ako sa sarili ko. Basang basa nga pala ako.



"Ito idoble mo sa 'yo." Bigla akong napalingon sa katabi ko dahil inaabutan niya ako ng jacket. Napatitig pa ako sa kanya dahil hindi ko lubos maisip na ang bait-bait sa akin ni Ling.



"Salamat." Kinuha ko 'yon ng nakangiti matapos ay isinuot ko at umupo ako sa lapag sa tabi niya. "Ling, bakit ang bait mo sa akin?" Deretsahan kong tanong.



Ngumiti muna siya bago sumagot. "Malalaman mo rin ang dahilan pero hindi pa sa ngayon."



"Huh?" Bigla akong nagtaka sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin don? Napaisip tuloy ako.



Nang biglang tumunog 'tong tiyan ko kaya nahiya ako bigla pero tumawa lang siya kaya napakamot ako sa ulunan ko. "Umh, p-pasensya na hindi pa kasi ako nag-aalmusal e." Aniko.
Nakakahiya tuloy.



Pero imbes na sagutin niya ako may inaabot siyang baunan sa akin.  "Ano 'to?" Tanong ko.



"Tignan mo." Hala, mukhang pagkain ang laman nito kaya kaagad ko 'tong binuksan. At pagtingin ko natakam ako dahil mukha kasing masasarap ang lahat ng 'to e. "Nagustuhan mo?" Tanong niya habang napapaisip naman ako. Para kasing pamilyar 'tong lasa nito pati 'yong lagayan ng baunan magkaiba lang ito ng kulay.



Pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang kahawig nitong lasa. "Ling, 'wag mong sabihing sa 'yo galing 'yong pagkaing bigla nalang sumulpot sa bag ko nung natapon sa canteen 'yong lunch ko?"



Nilihis niya 'yong tingin sa akin habang nakangiti tapos tumango siya. "Omy, bakit? Matagal mo na pala akong tinutulungan. Anong dahilan mo?" Muli kong tanong. Nilapit niya 'yong mukha niya sa akin matapos ay ginulo niya 'yong buhok ko. "Malalaman mo rin sa susunod, kumain ka na kailangan pa nating tumakas dito."



"Huh? Eh, p-paano 'yong card ko?"



"Ako ng bahala ron. 'Wag kang aalis dito kukuhain ko lang."



"Huh, sigurado ka?" Tumayo siya kaya nakatingala na ako sa kanya.



"Mapapahamak ka lang kapag sumama ka sa akin kaya ako nalang ang bahala don. Babalik din naman ako kaagad." Tumalikod na siya at binuksan ang pintuan ng rooftop.



"Sandali, Ling."  Bigla niya akong tinignan ng may pagtataka. "Gusto ko lang magpasalamat kasi lagi mo akong tinutulungan."



Biglang gumuhit ang ngiti sa labi niya kaya nakita ko ang pagkapantay-pantay ng ngipin niya. At ilang segundo pa tuluyan na nga siyang umalis ng ngiti lang ang iniwan niya sa aking bakas kaya napangiti rin ako ng lihim sabay buntong hininga. Pero higit isang oras na yata ang nakakalipas wala pa rin siya hanggang ngayon. Ano na kayang nangyari sa kanya?




(Book 3) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2017 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Book 3) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

TARGET AUDIENCE : 13 - 15 yrs old.

Mark My Words (Book 3)Where stories live. Discover now