Chapter 42

6.5K 182 3
                                    

Chapter 42:

"Wait for me Ezen!" Rinig kong sigaw ni Ate nang habulin niya ako. Pero tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad ko at 'di ko pa rin siya nililingon. Mabilis kong pinindot ang button ng elevator pababa ng makatapat ako rito at mabilis din naman itong nagbukas.



Tuluyan akong pumasok sa loob at sumakay akong mag-isa at nakita ko namang hinahabol pa rin ako ni Ate pero sorry siya dahil nagsarado na itong pintuan. Ilang segundo lang nandito na ako sa baba at naglalakad na ako papunta ng gate. Natatanaw ko na ang kotse na taga hatid at sundo sa akin dito nina Lo at La.



"Ezen!" Rinig ko pa ring boses ni Ate pero tuluyan na nga akong nakalabas ng gate nang hindi siya pinapansin. Ang bilis naman niya akong nahabol.



"Anak, ezen." Pero napalingon naman ako sa bandang kaliwa ko nang marinig ko ang boses ng Nanay ni bansot. Nagtaka akong tinignan siya kasama ng asawa niya.



"Ano pong ginagawa n'yo rito? Bakit nandito pa rin po kayo hanggang ngayon?" Nagkatitigan silang mag-asawa at tila hindi sila mapakali kagaya ng pagkakita ko sa kanilang umaga.



"M-Manghihingi sana kami sa 'yo ng tulong dahil hanggang ngayon hindi pa rin umuuwi si Ly—" Naputol 'yong sinasabi niya dahil biglaang nagbabaan 'yong mga tauhan nina La-Crystal at Lo-Ozu sa sasakyan na naghahatid sa akin. Tinutukan sila ng baril ng makalapit itong mga 'to sa amin. Akala siguro nila masasamang tao ang nasa harapan ko ngayon.



"Ibaba n'yo 'yang mga hawak n'yo. Hindi sila kaaway." Mabilis kong utos. Over protected na sila. Pero dama ko 'yong pagkatakot ng mga magulang ni bansot dahil sa pangyayari. Pero sinunod naman ako ng mga tauhan nila Lo at La. "Hintayin n'yo nalang ako sa kotse." Aniko.



"What happened here?" Tanong naman nitong si Ate pagkalapit niya sa amin. Pero hindi ko pa rin siya pinansin kundi nilingon ko ulit at hinarap ang mga magulang ni Lyka.



"I am very sorry po pero wala na akong kinalaman sa anak ninyo. I can't help you, I have to go." Mabilis ko silang tinalikuran.



"Ezen, were not done yet talking."



Hays, nakakairita na si Ate kaya hinarap ko ulit siya. "Ate, puwede ba wala na tayong dapat pag-usapan!" Sumakay kaagad ako sa kotse at isinara ko 'yon. Kung si Ate kinakatok niya 'yong kabilang side ng bintana nitong kotse, sa kabilang side naman ay ang mga magulang ni Bansot.



Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanila, nakakairita na. Sumandal ako sa upuan nitong kotse at ipinikit ko ang mga mata ko. Parang masyado ng gumugulo ang mga sitwasyon sa mga bagay bagay.

---

Inihiga ko ang sarili ko sa kama nang marating ko ang kuwarto ko rito sa Kang Mansion. Feeling ko pagod na pagod ako ngayong araw. Ipinikit ko ang mga mata ko at ilang segundo pa naalala ko 'yong paghingi sa akin ng tulong ng mga magulang ni Bansot kanina. Pero ano na ba kasing nangyari sa kanya? Hindi kaya may masamang ginawa sa kanya ang grupo ni Amon?



Wtf. Napamulat ng sabay sabay ang mga mata ko nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko rito sa tabi ng kama ko. Kinuha ko ito at binuksan. Isang text message sa isang unknown number kaya tuluyan ko 'tong binuksan at binasa.



Pero napakunot ang noo ko nang ang nilalaman nito ay patungkol kay Lyka at galing 'to kay Amon. Napakasama talaga nila. Bigla ulit nagvibrate 'tong cellphone ko at this time tumatawag na ito. Hindi ako nagdalawang isip na hindi sagutin dahil naiinis na ako sa kanila.



"Anong ginawa n'yo sa kanya?" Kunot noo kong tanong.



"Just relax Ezen Kang. Magkita tayo ngayon. Puntahan mo kami rito sa itenext ko sa 'yong lugar dahil kung hindi baka hindi muna maabutang buhay 'tong bansot mo. Hahaha!"



"Go to hell." Madiin kong sagot.



"You first." Mabilis naman din niyang sagot kaya binato ko 'tong cellphone ko sa pader sabay takbo papalabas ng kuwarto.



What are they doing? Pagpunta ko sa sala kaliwa't kanan ang tingin ko sa kapaligiran hanggang sa makalabas ako ng gate. Masuwerte lang ako dahil nakalusot ako sa mga bantay nila Lo at La sa oras na 'to ngayon. Nagmadali akong umalis ng masigurado kong walang nakakita sa akin.





-----
Shimi's Point of View: (Ezen's mother)

"Ezen!!" Sigaw ko ng malakas sabay bangon. Hindi ako makapaniwala sa napanaginipan ko ngayon, sobrang lakas ng kaba sa dibdib ko. Napahilamos ako ng palad ko sa mukha ng mahimasmasan ako.



"Wifey, are you okay?" Napatingin ako sa pintuan nitong kuwarto namin ng asawa ko ng pumasok siya rito. Kakauwi niya palang galing trabaho, dahil sa suot niya. Pero hindi ko na muna siya sinagot kundi napatingin ako sa orasan. Ala syete palang ng gabi. Higit tatlong oras palang pala akong natutulog.



"Wifey?" Tawag ulit ni Dazu, ang asawa ko, sabay himas niya sa likuran ko. "Okay ka lang ba?" Tanong niya ulit.



Pero tinignan ko siya sa mga mata niya ng seryoso. "Hindi ko nagustuhan ang napanaginipan ko hubby."



"What do you mean?" He asked seriously.



"Ezen is in danger." Napakunot kaagad siya ng noo matapos kong sabihin 'yon. "Hubby, let's go to the jail. I want to see Shaira Joong."



Bigla siyang napabuntong hininga matapos ay tumango siya. "Okay, we're going." Aniya matapos ay mabilis akong nagbihis, samantala siya nagpalit lang ng pang itaas.



Kinakabahan akong sumakay ng kotse pagkababa namin dito sa garahe. Magkatabi kami ngayon ni Dazu habang hawak hawak niya ang kanang kamay ko. Higit ilang taon din simula ng huli naming pagkikita ni Shaira Joong. Siya at ang Daddy niya ang dahilan kung bakit namatay sina Mommy at Daddy ko.


I'll never forgive her.




(Book 3) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2017 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Book 3) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

TARGET AUDIENCE : 13 - 15 yrs old.

Mark My Words (Book 3)Where stories live. Discover now