LG.3

104 9 0
                                    

LG.3

"It's okay sis. Wag mo na lamang siyang isipin." sabi sa kanya ng bestfriend niyang si Timmy

Simula kasi kagabi ng magkrus na naman ang landas nila ni Alex ay binagabag na siya ng sobrang pag-iisip. Hindi pa nga siya lubos na nakakamove-on sa pagkamatay ni Marco ay saka pa dumating si Alex ng hindi niya inaasahan.

"Hindi ko maintindihan sis. Galit na galit pa din ako sa kanya. Gusto ko siyang sampalin na hindi ko maintindihan. Masyado kasing masakit ang nangyari noon. Pahingi ngang chips."

Kasalukuyan silang nanunuod ng movie sa unit niya. May sarili siyang audio visual room dito.

Binigyan naman siya nito at kumuha siya ng napakarami. "Oy. Hinay hinay naman. Wag mong lamunin lahat. Baka nakakalimutan mo nakakataba iyan. Ano ngang trabaho mo ulit?"

"Fashion designer"

"And?" duktong pa nito.

"Model" matamlay niyang sagot. She badly want to eat lalu na't kapag nag-iisip siya.

"Iyon naman pala eh nagkakaintindihan naman pala tayo."

"Pero sige na ngayon lang ako lalamon ng ganito bukas hindi na sige na please. Stressed ako." inagaw niya na rito ng tuluyan ang malaking balot ng chips.

"Akin yan. Dapat bumili ka ng sarili mo nang hindi ka nang-aagaw diyan. Sige na nga iyo na yan." pagkasabi nito ay dumiretso ito sa kusina para kumuha ng canned drinks.

Pagbalik nito ay may dala itong dalawang lata ng canned juice.

"Iyan sayo less fat." inabot nito sa kanya ang less fat na juice.

"Salamat"

Umupo na ulit ito sa tabi niya.

"By the way. Paano mo na nga pala siya haharapin ngayon?"sabi nito pagkabukas ng canned drinks na kinuha nito mula sa refrigerator.

"Hindi ko alam. Ang alam ko lang ayaw ko siyang makita."

"Pero paano kaya kung hindi niya naman intensyon na gamitin ka sa isang deal."

Muntik niya ng maibuga ang juice na iniinom niya sa sinabi nito.

"Nagpapatawa ka ba? Ginawa niya na nga diba. Anong sinasabi mo dyan na hindi niya intensyon na gamitin ako sa isang deal." umiling iling pa siya rito.

"Ang sa akin lang. You didn't let him explain."

"Explain? He don't deserved it. Alam naman natin na niloko niya na ako. So why would I let him explain?"

"In case lang naman. Malay mo."

"Teka nga muna. Akala ko ba kaibigan kita. Eh bakit parang mas kinakampihan mo pa ata si Alex kaysa sa akin?"

"It's not my point sis. We're best of friends right? So, I'm just stating some possibilities of what really happen. In case lang naman. Nasa sa iyo pa rin naman iyan. Kasi hindi ka naman titigilan niyan ni Alex hangga't hindi mo siya pinapakinggan. Ikaw rin." iningusan pa siya nito.

What she can do now? Besides maaaring tama rin naman ang kaibigan niya. Hindi niya binigyan si Alex ng pagkakataon noon na magpaliwanag. Ngunit paano naman iyon baka lokohin na naman siya nito at paglaruan. Hindi pa ba siya madadala? Magpapaloko ba siya ulit dito?

She doesn't know what's the right thing to do. Naguguluhan siya. Kay Alex at sa sitwasyon.

"Bahala na wag na nga nating pag-usapan." iyon lamang at tahimik na ulit silang nanuod ng movie. Ang kaibahan lang ay lumilipad pa rin ang isip niya.

Letting GoWhere stories live. Discover now